CHAPTER 28

74 9 12
                                    


Chapter 28

Eugene's Point of View

Di ko alam kung sinong tarantado ang nagtext sa nanay ko na naaksidente daw ako at nakainom habang nagmamaneho. Kung ako rin siguro ang nasa posisyon nya ay mabibigla ako at agad pupuntahan ang naaksidente kong anak. Pero ang tanong sino? Sino yung taong yun at paano nya nalaman ang number ni Mama? Kailangan ko 'tong malaman at ipagsabi sa mga pulis pero papaano? Nakasara na ang imbestigasyon dahil wala silang makitang lead sa kaso.

Nasa classroom ako at halos tatlo lang kami roon dahil sa maaga kong pagpasok. 5:15 am palang sa orasan, di na kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa nabasa ko kagabi. Ilang ulit ko na ring tinawagan at tinext ang unknown number pero paulit-ulit akong pinapatayan at kaagad din akong blinocked.

Halos madilim pa ang labas dahil masyado akong maaga para sa alas-sais na klase ko. Bahagya muna akong yumuko sa mesa at pumikit. Dinama ko muna ang tahimik na presensya ng paligid at ipinahinga ang isip.

"Eugene.." Pero imbis na makapag-pahinga ay nabulabog ako ng sunod-sunod na pagtawag sa pangalan ko. Iniangat ko kaagad ang ulo at inikot ang paningin ng akalain kong sila Majo ang tumatawag sa akin.

"Chrys? Pre? Jo?" Wala sila sa kahit sa sulok ng classroom pati na rin ang tatlo kong kaklase na kasama ko ay nawala na lang ng parang bula. Napatingin din ako sa orasan sa pader pero di na ito gumagalaw at nakatutok na lang sa 8:47. Nagsimula na tuloy akong magtaka sa mga nangyayari.

"Kung prank lang 'to lumabas na kayo.." Nilalakasan ko ang boses ko at tumayo na sa upuan. Lumabas na din ako ng classroom at naghanap ng mga tao pero ni isang anino ay wala. Mas lalo ding dumilim ang paligid na nagpadagdag sa takot ko.

Pabalik na ako sa loob ng bigla akong makarinig ng sipol. Nanigas ang dalawa kong paa sa mismong labas ng classroom, para akong hinihila nito pababa ng hagdan.

Nag-eecho ang bawat yapak ko sa hagdanan at mas lalo akong natatakot sa malamig na hangin, idagdag mo pa ang sipol na nanggagaling sa kung saan.

Biglang tumigil ang sinusundan kong sipol at saktong nasa grounds na ako ng school.

"Anong bang nangyayari dito? Asaan yung mga tao?" Napakunot ako ng noo at parang bata na nagtatakbo sa malawak na grounds ng school. Kahit ang mga guard na nakatambay sa canteen ay wala, walang tao sa buong paligid.

Tumakbo ako sa papunta sa park para magpahinga sa kakatakbo ko pero papalapit palang ako sa bench ng may makita akong nakatalikod na babae, di masyadong mahaba ang buhok at nakatalikod ito.

Kahit papano ay nawala ang takot ko dahil may matatanungan na ako. Dali-dali akong naglakad papunta sa direksyon ng babae.

"Excuse me?" Kinalabit ko ang balikat nito. Halos mapatalon ako ng lumingon sya sa akin. Walang mukha ang babaeng humarap sa akin. Walang ilong , mata at kahit ang bibig nito ay wala.

Mas lalong tumayo ang balahibo ko dahil sa paglapit nya sa akin, kahit anong atras ko ay mas lalo syang dumidikit. Wala na rin akong naatrasan dahil malaking puno na ang nasa likod ko, magkatapat na kaming dalawa.

Iniaabot nya ang isang kamay sa akin na parang humingi ng tulong.

"Lumayo ka sa akin.."

Napapikit na lang ako sa kinatatayuan ko.

"Bakit mo 'to nagawa sakin? Pinagkatiwalaan kita pero bakit?"

Naririnig ko ang pakiusap ng babae at ramdam ko ang mabigat na emosyon nya. Di parin ako dumidilat dahil sa takot. Lumipas lang ang ilang segundo ay wala na akong narinig maliban na lang ng biglang..

LostWhere stories live. Discover now