Chapter 14:
Chrysler's Ponit of View
Nasa labas ako ng campus at Iniintay si Pareng Eugene na lumitaw kung saang parte sa school. Kasama ko si Majo na kanina pa umiikot ang ulo sa mga dumadaan. Sinitsitan ko sya ng dalawang beses.
"Psst hoy jo!"
"60, 61." Binibilang nya ang mga dumadaan.
"Psst Mharjory!" Lumingon sya kaagad at tumabingi ang ulo habang nakatingin sakin.
"Ha? Bakit pre?" Napataas sya ng noo.
'Yung buhok mo kasi kanina ko pa nakakain..." Nagsasalita ako ng biglang humangin ng malakas.
"Ayannn ayan, huwag kayong lalapit sakin mga yokai!" Parang akong timang na nilalabanan ang buhok ni Majo sa tuwing hahangin ng malakas.
"Sorry naman pre." May kinuha syang tali sa bulsa at iniayos ang buho nya. "Teka nagchat na ba si Eugene?" Lumapit sya sakin at tumingin sa hawak kong cellphone.
"Wala pa Maj--.""
"TEKA! BAKIT NAMUMULA 'YANG MUKHA MO?" Tanong nya at di ako gumagalaw. Kanina ko pa kasi pinipigil ang ihi ko. Inagaw nya ang cellphone ko.
"T-teka?" Pumwesto sya malayo sakin habang nagkakamot ng ulo.
"Hello Chelsea? Oo si Majo to, si Chrys kasi... " Nagulat ako sa ginawa nya.
Agad akong pumunta sa kanya at inaagaw ang cellphohe.
"Anong nangyari kay Chrys?" Sagot ng girlfriend ko. Tinapat ko kaagad sa tenga ko sa cellphone at kinausap sya.
"Hello love?"
"Anong nangyari sayo? Ang seryoso ng boses ni mharjory e. May lagnat ka ba? Tell me para mapuntahan kita dyan." Pag-aalala nya. Mas lalo akong naiihi dahil sa kilig sa girlfriend ko. Di ko na pinatagal at sinagot ko ito.
"Wala akong lagnat love, na ayos lang ak..?" Nakaramdaman kong malapit ng lumabas.
"Are you alright? Parang hindi talaga e." Napalakas ang boses nya sa tawag.
"Kasi love ganto.. naii.."
"What? Tell me pupunta ako dyan!" Napasigaw na si Chelsea. Napakagat ako ng labi at unti-unting nagsalita sa cellphone.
"Naiihi na.. kasi ako." Huminga ako ng malalim at pinipigil itong lumabas. Tumawa ng malakas si Majo sa likuran ko.
"Edi umihi ka dyan? Lalaki ka so its ok naman diba? Pag ikaw nagkasakit humanda ka sakin."
"Nasa labas kami ng campus e, baka mahuli ako bawal umihi dito sa daan." Nakahawak na ko sa pagitan ng dalawa kong binti.
"Wait lang love, andito na yung next prof namin. Sige na bye!" Agad nyang binababa ang tawag. Nakita kong nagpipigil ng tawa si Majo.
"Bakit?"
"Hahahaha pumasok ka na sa loob ng school umihi ka muna, mamaya dito ka pa magkalat. Panghi nun sigurado haha." Tinatawanan nya ulit ako. Napatingin ulit ako sa cellphone at chineck kung nagchat na si Eugene pero wala pa. Di ko na talaga kayang pigilan to.
"Sige tawagan mo na lang ako kapag nandyan na yun, punta lang akong cr."
"Sure hahaha."
Naglakad na ko pabalik sa loob ng campus para umihi ng tawagin ulit ako ni majo.
"CHRYS!" Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Bakit na naman?!"
"Nagchat na si Eugene pre, malapit na daw sya!" Sigaw nya. Pinagtitinginan sya ng mga estudyanteng dumadaan habang ako ay napapapikit na lang sa pagpipigil. Bumalik na ko sa pwesto ko kanina at nalalanta na.
YOU ARE READING
Lost
Teen Fiction"This is too hard, is this path right for me? I am confused please never leave me alone." Written by: JSLopez_