GMTMM ~ chp.51

468 3 0
                                    

WHY IS DESTINY KEEP PLAYING WITH US?

Death note char,Short note pala: Ayon tapos na yung Flashbacks nang mga Kontrabdia diba?Alam nyo na kung ano talaga yung rason ni Julia tapos si Sam naman yung naging buhay nya sa States.Actually second major second flashback na yan eh,remember the first one yung kay Papa Ted yung V.I.C? hay basta yon :)

eto lang ang gusto kong sabihin na,ito na magsisimula ang lahat kaya ahm kaya ako nagsulat ulit nang second major flashback para magets nyo na lahat bago mangyari ang mga matitinding pangyayaring sisira sa buhay ko,sana sa puso nyo rin.ahahaha peace yow!

#Feykrayter

#OhBiased

#ByunTheWrecker

#ForeverPADILLA

DAY 1

Kathryn's POV

nagising ako sa dahang dahang pag tama nang sinag nang araw sa muka ko at unti unti ko ring ibinuka ang mga mata ko at sinulyapan ang katabi kong bata.Hinawakan ko ang pisngi nya at hinimas himas ito,ang muka nang batang to,iisa sa muka nang asawa ko.Sana nandito sya ngayon,sana katabi namin sya ngayon.

"So how's the first sleep,pretty woman?" agad kong itinigil ang ginagawa ko sa muka ni Kris at tinignan si Sam,umupo ako para mas maayos ko syang maka usap.

"Maganda....masaya...kasi kasama ko ang anak ko." sagot ko sa kanya at nginitian sya,agad akong tumayo at binuksan ang sliding door patungong veranda,kitang kita ko ang unti unting pag anagat nang at pag sibol nang araw pati narin ang masayang kulay nang karagatan.

"Sana nga nag eenjoy ka kasama ako." sabi nya at tinabihan ako kung saan ako naka tayo.Tinignan ko nalang ulit sya at nginitian bilang tugon,tinignan ko ang kinahigaan ni Miles kagabi pero wala na sya?Asan yung bruhildang yon?

"Si Miles ba?Maaga syang nagising eh,maglalakad lakad daw muna sya." bigla nyang sagot.  "Teka lang ha,ipag titimpla muna kita nang kape,ay sabay na pala tayo." sabay tawa nang kaunti at pumasok na muli sa loob para mag timpla nang kape.Ini ikot ko ang tingin ko sa baba ang ganda nang view dito,tamang tama lang.Pero nung bumabyahe kami papunta dito nang madaanan namin yung isang masikip na kalsada na pinaliligiran nang mga puno,parang bigla akong may naalala,yung parang may biglang dumapo sa isipan ko na gusto kong balikan...ewan ko ba.

Habang iniisip ko ang kung ano anong bagay ay nahagip nang isang babaeng naka upo sa napaka puting buhangin sa harap nang asul na karagatan.Si Miles yon eh?Muka syang umiiyak dahil naka yuko sya sa mga tuhod nya,anong nangyari sa kanya?

"Here's your coffee ma'am,just please sit here beside me." napa tingin ako sa kanya nang magsalita sya bigla.Mabuti naman at hindi magulo ang pag uugali ni Sam ngayon.Sana parati nalang syang ganito.

"Sam,bakit umiiyak si Miles?May sinabi ba sya sayong dahilan?" tanong ko sa kanya at umupo naman ako sa harap nya,ayokong tumabi sa kanya,mahirap na.Nag kibit balikat lang sya at humigop na sa kapeng tinimpla nya kaya humigop nalang din ako.

"Sa tingin mo,masaya ba si Daniel ngayon sa piling ni Julia?" tanong nya na ikina sibangot ko.Bakit ba sa lahat nang pagkakataon kailangan mong tanungin ang taong wala sa tabi ko?Ano bang gusto nyang iparating?Pero minsan naisip ko rin yan...Kung mas naging masaya ba sya sa piling ni Julia kaysa sa akin,kung mas naging maayos bang kasama si Julia kesa sa akin.Pero hindi naman mangyayari to kung hindi dahil sayo,kung wala ka sa bahay noong araw na binalikan ako ni Daniel at humingi sya nang despensa.Tinakot mo ko Sam..Tinakot mo ko.

Getting Married to my Mistress *Slow Update*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon