Chapter 5

2.3K 71 5
                                    

ANTIPATIKA talaga ang Jana na 'yon! himutok ni Marjory habang naglalakad siya pabalik sa council's office. Habang naglalakad siya sa campus grounds, dala-dala niya ang isang kahon na puno ng supplies para sa upcoming project ng Student Council. Nakasalubong niya kanina si Jana at nagharap ulit silang dalawa. Kasama pa nito si Mark na dating kalaban ni Marjory sa naganap na Presidential Election. Kapag ka nga naman nagsama ang dalawang bitter, talagang perwisyo.

Sila Jana at Mark ang laging nagrereklamo sa Principal tungkol sa kanilang activities. Palagi silang naghahanap ng butas at naghihintay na magkamali ang administrasyon ni Marjory. Buti na lang, madiskarte sila Marjory kaya hindi pa nagtatagumpay ang mga ito na siraan sila.

But due to the sweet scent of wind coming from the tall variety of trees inside Benedict High School, Marjory's troubles became lighter. Pinuno niya ang mga baga nang matamis na simoy ng hapon at kusang umangat ang sulok ng kaniyang mga labi.

Pinagdiwang nila ang golden year ng Benedict High School last year. The school was located in a secluded part of Taytay, Rizal beside the recently opened executive village. The people in Taytay branded Benedict High School as a school for young achievers. Pero di lang academic excellence ang dapat mahalin sa paaralan.

Thick barricade of trees surrounded the school away from the outside world. Kalachuchi lined on both sides of the main road entrance of the school, and Marjory marveled every morning upon looking up at them as the flowers fall and dance with the wind. Ang matataas na puno ng molave, tangile, narra, at mga puno na hindi kilala ni Marjory, nakakalat sa paligid ng campus. Ang mabahong air pollution sa mga lungsod at bayan ng Taytay, halos hindi makaabot sa loob ng kanilang paaralan.

Napadaan si Marjory sa basketball court ng campus at nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita si Jason & friends. Naglalaro ang mga ito ng basketball hangga't wala pa ang mga varsity players. Sambakol ang mukha ni Jason habang nag-shoot ito ng bola.

She stomped her feet whenever she remembered what an asshole Jason was. Pakiramdam niya, sasabog siya tulad ng Mt. Vesuvius tuwing naalala niya kung paano siya tinrato ni Jason noong isang araw.

"Hindi ako nanununtok ng babae. Therefore, if you try to hurt me, I will give you a kiss. Girls like kisses after all," ani ni Jason.

"You, sexist pig! I will obliterate you!" Iniangat niya ang kamay para sampalin ang ngisi sa mukha nito. Kaso hinuli ng binata ang kaniyang kamay at tinaniman iyon ng banayad na halik.

"How is this for a violent act?" Maingat na pinisil ni Jason ang kaniyang kamay. "Sabihin na lang natin na hardinero ako, pero hindi ako nagtatanim ng galit. Masama 'yon. Kaya tataniman ko na lang ang kamay mo ng mga halik. Pwede din sa pisngi kung gusto mo."

Napuna ni Marjory ang mahaba nitong mga pilik-mata nang kumurap-kurap ang binata sa kaniya habang nakangiti.

Madasaling tao si Marjory. Hindi Catholic School ang Benedict High School kaya wala silang chapel. Hindi makahanap si Marjory ng payapang prayer ground. Abala ang office at puno lagi ito ng tao kaya hindi niya makuhang magdasal doon. Umabot sa punto na sa kubeta niya naisipan magdasal. Obviously, hindi siya nakatagal doon kasi overwhelming ang amoy. Hindi niya maituloy ang sasabihin kay God kapag may naririnig siyang situation sa kabilang cubicle.

Hindi tumagal, nadiskubre ni Marjory ang magandang scenery sa fire escape. Walang tao doon kapag umaga. Tahimik ang lugar at kitang-kita doon ang mga building sa Ortigas Center at Makati. Ang fire escape ang naging meeting place nila ni God. At kaninag umaga, isinumbong ni Marjory kay God ang kalapastangan na ginawa ni Jason sa kaniya. Divine intervention na ang bahala kay Jason!

Nagtama ang mga mata nila ni Jason nang tumingin ang binata sa gawi niya. Sa sandaling matunghayan siya ni Jason, lubusang nawala ang kulimlim sa mukha nito. Nag-init ang pisngi ni Marjory sa galit nang gawaran siya ng kindat at ngiti ng binata. Pawis na pawis ito sa kalalaro at hinihingal pa, pero tumigil ito sandali para habulin ang hinga at titigan siya.

Nasapo ni Marjory ang pisngi kung saan siya hinalikan ng binata. Lumukot ang mukha niya sa kaisipan na malapit na niya maging first kiss iyon. Sabi nga ng first love niyang si Mahatma Gandhi, hate the sin but not the sinner. Marjory followed Ghandi's philosophy almost all the time. But seeing Jason now there was no denying that she hated the sin and also the sinner.

Inismiran lang niya si Jason at nagsimula na muling maglakad. She arched an eyebrow, lifted her proud chin and walked tall. 

Somewhere Only We KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon