Chapter 10

2.1K 77 14
                                    

PAGOD NA umupo sa sahig ng pergola sina Marjory at Jason. Pinaypay ni Jason gamit ng kamay ang mukha dahil sa matinding pagod at init ng tanghaling iyon. Sabado ng tanghali at katatapos lang nila ni Marjory na magbunot ng damo at magwalis ng mga natuyong dahon na nagkalat sa mga damuhan ng grotto. Mamaya, pipinturahan naman nila ng kulay puti ang altar.

Nakipaghabulan si Marjory sa mga angkan ng daga na nanirahan sa loob ng grotto. Kung gaya lang siya ng ibang tao na takot sa daga, baka nagtitili siya habang inaalis ang mga ito sa lugar. Tinanggal naman ni Jason ang mga patay na sanga ng mga halaman.

Marjory and Jason were tired in a good way. The whole time they were gardening, they enthusiastically used the scope of their imagination on how to improve the grotto. Napagdesisyunan nila na magdagdag ng mga bulaklak at flowerbeds. Wala pa silang desisyon kung anong mga bulaklak ang itatanim nila.

Jason didn't find the place too girly and stupid. Sa kabila ng reputasyon ni Jason, hindi nito tinago ang kagustuhan na alagaan ang grotto kasama. Lihim na natuwa ang dalaga. Pakiramdam niya, nawala ang kaniyang inis sa binata matapos siyang bastusin nito noong isang araaw. Sa totoo lang, kabaliwan ang magkimkim ng galit kapag nasa ganitong kagandang lugar ang isang tao.

"Did you bring lunch? Sabi ko, tutulungan kita ngayong Sabado basta dadalhan mo ako ng packed lunch."

Pinunasan ni Marjory ng bimpo ang pawis na tumulo sa kaniyang noo. "Nagluto ako kaninang umaga ng chicken adobo para baon natin ngayon. You're not as bad as you think you are. You may as well drop your stupid reputation in front of me. Alam kong may pakialam ka sa grotto at wala kang planong dalhin ang mga kaibigan mo rito."

"Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi mo. I'm a tattle tale," ani ni Jason. "Nasaan na ang packed lunch?"

Bakit ba excited ito masyado sa kanin at ulam na hinanda niya?

Nagtatakang tinignan lang ito ni Marjory habang nilalabas ang baong pagkain. "Lagot ka sa akin kapag pinagtawanan mo ang luto ko," pagbabanta niya. Inabutan niya si Jason ng isang glass tupperware at spoon and fork. Jason was trying his best to contain the anticipation on his face when she gave him his lunch.

"Kahit pangit ang lasa ng luto mo, mauubos ko 'yan kasi gutom ako. 'Di ba, ganoon naman lagi?" Binuksan ni Jason takip ng baunan. Kakain na sana ito pero pinitpit ni Marjory ang kamay ni Jason.

"Magdasal ka muna bago kumain," ani niya.

"I'm a self-proclaimed atheist. Praying? I don't think so."

Pinanood lang siya ni Jason na magdasal.

"Hindi ka ba talaga Katoliko?" ani ni Marjory pagkatapos magdasal.

"Iiwasan mo ba ako kapag sinabi kong hindi ako Katoliko? Hindi ko maintindihan kung bakit laging disapointed ang mga Katoliko kapag may nakita silang hindi Katoliko sa paligid," he said, frowning. "Nabinyagan akong Katoliko pero hindi pa ako nakakatapak ng simbahan simula nang kumuha ako ng Sacrament of Confirmation dahil school requirement. Now, can I eat?" naaalibadbaarang tugon nito. Jason took his first bite, and then another.

Hindi niya tatanungin ang kumag kung masarap ang luto niya kasi tiyak na hindi ito magsasabi ng totoo at iinsultihin lang siya. Pero wala itong naging reklamo o patutsada tungkol sa luto niya.

Nang makontento siya sa naging reaksiyon ni Jason, inilabas ni Marjory ang kasalukuyang librong binabasa niya. Sa sobrang busy, isinisingit niya ang pagbabasa ng libro habang kumakain at nagbibiyahe. She started eating while reading the book.

"Slaughter-house Five by Kurt Vonnegut," ani ni Jason habang ngumunguya. "Anong paborito mong part ng libro?"

Marjory looked at him. "As if namang makaka-relate ka. Aren't you too busy making others pee on their pants to read a book?"

Somewhere Only We KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon