Chapter 16

423 21 0
                                    

"YOU WHAT? Iniimbitahan mo kami sa debut mo next week?" bulalas ni Jackson kay Marjory.

Kasalukuyan silang nasa tambayan ng mga ito sa bleacher ng basketball court. Pinuntahan ni Marjory sina Jason para imbitahan ang mga ito sa debut niya next week. "Oo. Gusto ko kayong pumunta."

"Kasama ba kami sa 18 roses mo? Wala ka sigurong makuhang 18 na lalaki," ani ni Boggart.

"Sorry, Miss President. Allergic ako sa cottilions," baliwalang tugon ni Paolo.

Marjory giggled. "No one's dancing 18 roses kasi hindi ako magkocottilion. I'm going to celebrate my birthday sa Pampanga kasama ang mga indigenous people. Doon ako lagi nagdiriwang ng birthday ko ever since I was fifteen. Jason is going to come. Kaya naisip ko na imbitahan na rin kayo."

Nagdududang tinignan ni Jackson sina Marjory at Jason. "Umamin nga kayong dalawa. Kayo na ba? Totoo ba ang tsismis ngayon na magjowa na kayo?"

Nginisian ni Jason si Marjory nang tumikhim ang dalaga para itago ang hiya sa naging tanong ni Jackson. Then, Jason spoke to his friends, "Gusto niyo bang sumama o hindi? Napakasimple ng tanong ni Marjory. Masyado kayong pakipot."

"Kung hindi ako magsusuot ng formal clothes, sasama ako," gagad ni Paolo.

Napangiti si Marjory. Dahil hindi siya pinayagan ng ama na pumunta sa Mindanao at magvolunteer, susundin na lang niya ang usual birthday plan niya, which was to conduct an outreach program in Porac, Pampanga kasama ang mga indigenous people. Inimbitahan niya ang Student Council officers, malalapit na kaibigan, si Jason at mga kaibigan nito. Pumayag na sina Jackson na sumama sa birthday niya next week.

"Marjory!"

Napalingon si Marjory sa pinaggalingan ng boses. "Uy! Hi, Aeron," bati niya sa binatang lumapit sa kaniya. Nakasuot ito ng basketball playing attire. Ginawaran niya ito ng ngiti.

"Nakuha mo ba ang mga chocolates ko? Sabi ko kay Peter, ibigay sa 'yo," ani ni Aeron.

Napakamot si Marjory sa kaniyang ulo. Hindi siya cold hearted sa mga manliligaw niya. Walang masyadong kaibigang lalaki si Marjory dahil kinakaibigan lang naman siya ng mga lalaki para ligawan din sa huli. Kapag nahahalata na niyang nagbabalak ang isang lalaking pumorma ng ligaw sa kaniya, umiiwas na siya para hindi na umabot sa rejection ng mga tsokolate at bulaklak.

Sasagutin sana niya si Aeron nang may tumamang bola ng basketball sa mukha nito. Napasinghap siya at nilingon kung saan nanggaling ang bola.

Pintado ng sarkasmo ang mukha ni Jason at tumayo ito kasama ang mga kaibigan. Jason & friends were looking down on Aeron who was too small to be the basketball team captain. Kung suntukan lang, 'di hamak na alanganin si Aeron laban sa mga kapre.

Lord, ayoko na pong marinig ang katagang 'pee on your pants'.

Nasapo ni Aeron ang mukha at tumingala. "Anong problema mo, pare?" sikmat niya kay Jason.

"Kaya pala tumataba si Marjory. Binibigyan siya ng mga pipitsugin na tsokolate ng mga manliligaw niya." Tumawa nang malakas ang mga kaibigan ni Jason.

"Hindi ako natatakot sa 'yo, Velasquez! Hindi ako maiihi sa pantalon tulad ng mga biktima mo!" bulalas ni Aeron.

Kinuwelyuhan ni Jason si Aeron. His lips twitched due to annoyance. "Sinong nagsabing iihi ka sa pantalon mo? Mas malala ang gagawin ko sa 'yo. Dudurugin kita sa court sa harap ng team mates mong walang kuwenta."

"Ang angas mo, ah! Bakit? Boyfriend ka ba ni Marjory?" sigaw ni Aeron.

Umangat ang sulok ng labi ni Jason. "We're getting there. Huwag mo kaming pangunahan. At kapag natalo ka, ipapakain ko sa 'yo lahat ang chocolates na inabot mo kay Marjory."

Tinapatan ni Aeron ang titig ni Jason. "Bakit hindi mo i-sama sa laro natin ang tatlong patapon mong mga kaibigan? Kapag natalo kayo hindi na kayo tatambay sa court namin. I can't stand you!"

"Wrong move. Hindi mo na sila dapat dinamay dahil matagal ka na nilang gustong durugin. Ang tanga mo kasi mag-shoot," he said, releasing his collar. "Game! It's my friends against your five midget friends." Padabog na umalis si Aeron papunta sa mga varsity players.

Kumpiyansa si Jason. Hilig ng barakada nila ang maglaro ng basketball.

Oo nga! Ngayon lang naisip ni Marjory na baka kaya laging tumatambay ang mga ito sa basketball court. Gusto nila mapabilang sa varsity team. Pero hindi sila pasok sa standards. Masyadong mahaba ang disciplinary records nilang apat at pulos mababa ang grades.

"Tinutulungan mo ba akong tanggihan si Aeron? Ako na. 'Wag niyo nang ituloy ang laro."

He flashed his white perfect teeth as he smiled. "'Di ba ilang beses mo na siyang tinatanggihan? Sasagutin ni God ang dasal mo dahil pagkatapos ng araw na 'to, kusa nang titigil si Aeron sa panliligaw sa 'yo." Kinindatan siya ni Jason at hinarap nito ang mga kaibigan.

"Ayos! Pakitaan natin siya ng moves," sabi ni Paolo.

Paano nito nalaman na pinagdadasal niya na kusang tumigil si Aeron sa panliligaw sa kaniya?

Nagsimulang maglaro ang mga ito. Apat laban sa lima. Magaling ang koordinasyon nila Jason at ng mga kaibigan nito. Ang mga team mates ni Aeron, hindi nakakapagdunk dahil typical Filipino height lang ang taas ng mga ito. Hindi kagaya nila Jason na maya't-maya kung magpakitang gilas sa dunking.

Nakita ni Marjory ang mga ngiti at tawa ni Jason sa tuwing sila, nakakashoot.

Naiintindihan na niya ang kwento sa kabila ng makulimlim nitong mukha. And she never found anything more royally beautiful than his smile. Dahil bihira lang pala itong ngumiti, totoo at mahalaga ang bawat ngiti ni Jason. It melted her heart knowing that his face lit up whenever she was around.

Natapos ang laro. Tataba si Aeron dahil kakainin nito ang chocolates na ibinigay kay Marjory.

There it was again, that funny ache in her heart. Mas lalong nahulog angloob ni Marjory sa binata matapos niyang marinig ang kwento nito. He neededlove while Marjory had so much love to give. Bagay sila! Perhaps, her lovewould serve as Jason's saving grace. Mamahalin niya si Jason at makakalimutannito na may oras sa buhay nito na hindi ito minahal at inalagaan.

Somewhere Only We KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon