KUMALAT na ang sunog sa labas ng grotto. Nang makatakas si Marjory palabas ng grotto, isinaboy ng taong grasa ang gasolina sa mga puno ng gubat. Sinindihan nito ang kagubatan dahil isang dapo lang ng nagniningas na abo, alam nito, masusunog nang buhay si Marjory.
Tumakbo si Marjory palayo at nadapa siya nang matisod sa batong nakabaon sa lupa. Humabol ang taong grasa sa kaniyang likod. Mabilis kumalat sa magkakatabing sangay ng puno ang sunog. Nagbabagsakan ang mga umaapoy na sanga ng mga narra. Kailangan magmadali ni Marjory. Mababagsakan siya ng umaapoy na sanga kung hindi niya bibilisan.
Tumayo siya sa sariling mga paa. Tumakas si Marjory habang nagsasaboy ng gasolina ang taong grasa. Bago siya umalis, nasaksihan niya kung paano sumiklab ang apoy sa paanan ng Virgin Mary.
"Monica! Monica! Monica!" sigaw ng taong grasa kay Marjory. Sumulpot ang taong grasa mula sa makapal na usok at tinakbo nito ang distansiya kay Marjory.
Out of breath, Marjory ran for her life.
He brought the fire with him. Hindi man lang ito kumurap nang masunog ang kagubatan at ang grotto. Ang taong grasa ang may hawak ng desisyon kung sino at ano ang dapat masunog na para bang kaya nitong bumulong sa elemento ng apoy at utusan iyon na sunugin ang bawat madadaanan.
Ito siguro ang suspek na nagsimula ng sunog sa Taytay at pumatay ng dalawang tao: dalawang babae na nasunog sa loob ng bahay.
Bakit siya nito tinatawag na Monica?
May puwersang humatak kay Marjory habang siya'y tumatakbo. Niyakap siya ng taong grasa nang mahigpit.
Tumawa ito nang pagak malapit sa kaniyang tainga. Hindi kaaya-aya ang amoy ng hininga nito at tumatayo ang mga balahibo ni Marjory nang hingahan siya nito sa mukha. Lumakas ang pagak nitong tawa at nagtalsikan sa kaniyang pisngi ang ilang laway ng taong grasa. "Nadismaya ka ba dahil hindi ako kayang baguhin ng pagmamahal mo? Kaya ka ba sumama kay Randolph?"
"Hindi nga ako si Monica. Please, pakawalan mo 'ko. Hindi ako ang hinahanap mo," tugon ni Marjory sa kabila ng kaniyang takot at panginginig.
Mas lalong nagalit ang taong grasa sa sinabi niya. Sinakal siya nito gamit ang maruming mga kamay. "Gagawin mo pa akong tanga? Ikaw si Monica! Binalaan kita noong una na hindi sapat ang pagmamahal para mabago ang isang kagaya ko. Huli na ang lahat dahil ako na ang asawa mo. Tinali ka sa akin ng Diyos. Sa akin ka lang!! Sa akin ka lang!!" Humigpit ang sakal nito sa leeg ni Marjory.
Tumingala si Marjory. Nanlalabo na ang kaniyang paningin dahil sa mga namumuong luha sa mga mata niya. Pero nakikita niya nang malinaw. Kumakalat na ang sunog sa mga sanga ng puno na nasa kanilang itaas. Humahabol ang mga apoy sa kinatatayuan nila. Nagbabagsakan ang mga ito.
Kinalmot ni Marjory ang maruming mga kamay na nakasakal sa kaniyang leeg habang sinusubukang huminga. Pero walang ubra.
Bumagsak ang mga sanga sa harap nila. Umaapoy ang mga ito at pinagpawisan sila ng taong grasa sa init ng apoy. Desperado si Marjory na ilayo kahit ang dulo ng kaniyang mahabang buhok sa abot ng apoy. Isang dapo lang, kakalat ang buong apoy sa katawan niya. Hindi niya mapigilang mapaiyak habang lumalaban ang kaniyang baga at mga kamay para makalanghap ng hangin.
Maya-maya, tumibok nang malakas ang kaniyang puso—lagpas limang minuto na siyang sinasakal ng taong grasa. Nanlalamig na ang kaniyang mga kamay at unti-onting nawawalan ng hangin ang kaniyang baga. Ito'y naninikip at parang puputok na. Nagsisimula na siyang mangisay sa kawalan ng hangin sa katawan. Pumikit si Marjory matapos manghina.
Ang buong mundo, nagdilim nang isara niya ang mga luhaang mata, tibok ng puso, lumalakas at humihina.
"Marjory!"
BINABASA MO ANG
Somewhere Only We Know
HumorJASON puffed his smoke and looked up the ceiling. Kasalukuyan siyang nakaupo sa ladder step ng fire escape sa fifth floor. Tahimik ngayon sa campus kasi wala pang mga estudyante at napaka-aga pa. Pero matiyagang nag-aantay si Jason para sa isang da...