TUMAKBO nang matulin si Marjory at tinahak niya ang daan papunta sa basketball court para hanapin si Jason. Hindi niya alintana ang paghingal at pananakit ng mga paa. Ramdam niya ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso habang tumatakbo. Kailangan niyang makita agad si Jason.
May nadiskubre siyang sikreto.
Pumunta kanina si Marjory sa loob ng office ni Mr. Randolph para magpasa ng financial transparency record. Wala ito kaya ibinigay lang niya sa sekretarya ang paperwork, at palabas na siya ng office nang mabunggo niya ang altar ng opisina. Bumagsak ang bibliya at nahulog sa sahig ang isang litrato na gumulat kay Marjory.
Isang batang babae ang nasa litrato. Ang tuwid nitong buhok, basa ng pawis at may putik ang suot nitong pantalon, berdeng t-shrit at rubber gloves. May hawak na trowel at nasa akto ng pagbubungkal ng lupa at may katabi itong watering can. Nasisinagan ng tirik na araw ang malaking ngiti sa mga labi ng bata.
Pero hindi ang masayang ngiti ng bata ang nakahuli sa atensiyon ni Marjory. Pamilyar ang altar na nasa background ng litrato. Isang buwan nang nakikita ni Marjory ang altar na 'yon kaya sigurado siya na sa loob ng kanilang grotto kinuha ang litrato. Hindi siya maaring magkamali. Kitang-kita sa litrato ang altar na nasa loob ng grotto nila Marjory at Jason.
May nakasulat na taon sa likod ng litrato. Mula pa noong 1993, buhay na ang grotto.
Kailangan nilang pag-usapan ni Jason kung dapat ba nilang kausapin si Mr. Randolph tungkol sa grotto. Tiyak na kakilala ng Principal ang babae sa litrato at alam nito ang sikretong grotto. Pero nag-aalala si Marjory na kapag sinabi nila may Mr. Randolph ang tungkol sa abandonadong lugar, hindi na sila papayagang tumambay doon. Dapat nilang pag-isipang mabuti ang gagawin.
Nang makapasok si Marjory sa loob ng court, nakita niyang nakikipaglaro sina Jason at mga kaibigan nito sa varisty players ng basketball team. Hindi pwede maging parte ng varsity sila Jason. Pero niyaya sila ng coach na sumali sa mga training ng varsity team. Nakikita pala ng coach ng team kung paano maglaro sina Jason. Malinis at puno ng koordinasyon. Naisip ng coach na baka maging useful sina Jason para mapabuti ang team kaya niyaya niya ang apat na maging parte ng training.
Hinahabol ni Marjory ang hininga habang pinapanood niyang naglalaro si Jason. Napangiti siya. Pawis na pawis ito at napakakisig nitong tignan sa jersey shirt na binigay ng coach.
It had been three fleeting weeks since they shared a kiss inside the grotto. At hanggang ngayon, hindi pa rin nila napag-uusapan ang status ng kanilang relasyon.
Okay, lang 'yan! Mapag-uusapan din namin 'yon. Ang importante, mahal niya ako.
Hindi magawa ni Marjory na i-ungkat kay Jason ang estado ng relasyon nila dahil natatakot siya. Sinubukan niyang kausapin si Jason kaso gustong gawin ni Jason na taboo ang topic na iyon. Iniiba nito ang usapan at mas lalong nagiging sweet sa kaniya. Natakot noon si Marjory. Pero nakampante siya dahil ramdam niya ang pagmamahal sa bawat halik at kilos ng binata sa kaniya.
Nakwento na rin niya kay Peter ang nangyari sa kanila ni Jason, at inudyukan siya nito na kausapin si Jason tungkol sa relasyon nila dahil kung hindi, baka maging kagaya siya ng ibang mga babae na nadawit lang sa pangalan ni Jason. She appreciated Peter's concern, pero confident siya na hindi gagawin ni Jason iyon sa kaniya. She's not just any girl that he used to fill up his void. Mahal siya nito kahit hindi pa sila nagsasabihan ng I love you. Mahal siya nito.
Lumiwanag ang mukha ng binata at umangat ang sulok ng mga labi nito nang magtama ang kanilang paningin. He excused himself from the game and ran towards her. He planted a soft gentle peck on her lips as a way to say hello. Kinantiyawan sila ng mga players at sumimangot si Aeron. Nahihiyang napangiti ang dalawa.
"Kamusta ang first day ninyo sa training?"
"Well, I love it. Matagal nang gustong sumali nila Jackson sa team kaso hindi naman pwede." Pinunasan nito ng bimpo ang pawis na namuo sa noo. "Bakit parang hinihingal ka?"
Bumalik ang excitement sa mga mata ni Marjory. "May good news ako. Kilala ko na kung sino ang iba pang nakakaalam ng grotto. Hindi natin naisip na baka alam ni Mr. Randolph." Nabigla si Jason sa kaniyang sinabi. Inilabas ni Marjory ang litrato mula sa kaniyang bag at inabot kay Jason. "Nakita ko ang litratong 'yan sa loob ng bible ni Mr. Randolph. Sa taong 1993, buhay na ang grotto."
Nalaglag ang bimpong hawak ni Jason nang makita nito ang litrato. Bumakas ang matinding pagkagulat sa mukha nito. Hinaplos nito ang batang babae sa litrato.
"Dapat ba nating sabihin kay Mr. Randolph na inalagaan natin ang grotto? Naiisip ko kasi, baka itaboy niya tayo."
Hindi sumagot si Jason at nakadikit ang attention nito sa litrato. Pumikit si Jason nang mariin at pagdilat, nag-angat ito ng tingin kay Marjory.
"Nakikinig ka ba, Jason?"
Napalunok si Jason. Mas lalong lumalim ang simangot sa mukha nito.
"Anong problema?" She reached out to touch his cheek but Jason deflected her touch.
"Mommy ko ang batang babae na nasa litrato. She was thirteen when this was taken."
Umuwang ang bibig ni Marjory at bumagsak ang mga balikat.
BINABASA MO ANG
Somewhere Only We Know
HumorJASON puffed his smoke and looked up the ceiling. Kasalukuyan siyang nakaupo sa ladder step ng fire escape sa fifth floor. Tahimik ngayon sa campus kasi wala pang mga estudyante at napaka-aga pa. Pero matiyagang nag-aantay si Jason para sa isang da...