Chapter 27

509 20 0
                                    

After ten years...

"MANONG, sa tabi lang po," sabi ni Marjory sa driver ng jeep na sinasakyan. Bumaba siya nang huminto ang jeep. Mahapdi sa balat ang sinag ng araw kasi malapit na magtanghaling tapat at walang dalang payong si Marjory.

Naglakad siya sa tapat ng Philippine Enlightened College. Bagong bukas ang nasabing kolehiyo sa Loyola Heights, Quezon City. Pumasok siya sa malaking kolehiyo. Nagtanong siya sa mga guwardiya kung nasaan ang building ng College of International Humanitarian, and Development Studies. Nagkalat ang mga estudyante sa campus at nagring ang bell, hudyat na matatapos at magsisimula ang mga klase.

Humikab si Marjory at halos mastretch na ang kaniyang bibig. Inaantok siya dahil sa jet lag—11:20 AM sa Pilipinas pero ang body clock niya, late ng limang oras. Sa Mogadishu, Somalia, 6:20 AM pa lang. Kung nasa Somalia siya, kababangon pa lang ni Marjory sa kaniyang kama at saka iinom ng kape. Buhay na buhay na ang mga tao sa pailigid niya. Malapit nang magtanghaling tapat.

Dalawang araw pa lang siyang nasa Pilipinas. Sa hinaba ng mga taon, ngayon lang siya nakabalik sa lupang sinilangan.

Tumira ang pamilya ni Marjory sa Auckland, New Zealand. Pero nawalay siya sa pamilya nang magkolehiyo siya at tumira sa dorm. She stood proud as she finished her degree in Development Studies at Victoria University of Wellington. Kumuha din siya ng Masters on International Relations sa parehas na unibersidad. Nabigyan siya ng scholarship sa kaniyang undergrad at masteral degree ng NGO na sinalihan niya sa New Zealand.

In fairness, hindi niya akalaing namimiss niya ang sumakay ng tricycle at jeep. Walking community ang New Zealand at hindi uso roon ang mga transportasyon na mayroon ang Pilipinas. Napakalamig sa New Zealand tuwing umaga lalo na kapag winter. It was enjoyable to walk on the cold busy streets of Auckland while drinking hot choco to warm her tummy.

Ang pamilya niya, naiwan sa New Zealand. Wala silang balak bumalik sa Pilipinas kasi stable na sila doon. Bumalik lang si Marjory sa Pilipinas matapos ang tatlong taon na humanitarian mission sa Somalia.

Nakita na rin sa wakas ni Marjory ang building ng college department.

Pagpasok niya sa office ng college dean, sinalubong siya ng maliit na babae. Sekretarya siguro ito. Nginitian niya nang matamis ang sekretarya. Ang pangalan nito, Krissel.

"Hello, ako si Marjory Arieta. I'm here to sign some papers," aniya kay Miss Krissel.

Nagningning ang mga mata ni Krissel. "Naku! Matutuwa ang College Dean sa akin. Narito na ang bagong professor! Finally, kinagat mo na rin ang patibong ko, Miss Arieta!"

Marjory giggled. "Ikaw pala ang nagpapadala ng gabundok na sulat sa Somalia para sa akin?"

"Oo, naman! Nahirapan nga ako kasi wala kang email o social media accounts. Kailangan talagang sulatan ka para masabihan ka. Ano nga ulit ang pakay mo sa Somalia?"

"I worked for the UN Assistance Missions to Somalia. Field worker ako. Na-assign ako sa shelter for rape victims," she smiled humbly to Krissel. "Pasensiya na. Wala kasi akong panahon mag-computer at mabagal ang internet connection sa Somalia. Ilang taon na ba 'tong paaralan na 'to?"

"Sampung taon na. Kabubukas lang ng college ni Dean last year. Magkasing tanda lang kayo at parehas ding matalino. Sabi ni dean, schoolmate kayo sa Benedict High School."

"Talaga? Nasaan ba ang College Dean ninyo?" tanong ni Marjory.

Tinuro ni Krissel ang babaeng nasa loob ng kwarto na may glass walls. Nakatayo ang babae sa harap ng tatlong lalaking nakaupo pakatalikod sa direksiyon ni Marjory. Para itong nagrereport kung gumiya.

"May faculty meeting ngayon," sabi ni Krissel. "Matalino si Dean. Crush ko nga siya, eh! Huwag ka maingay, ha?"

Napangiti si Marjory sa kakulitan ni Krissel. Ang gaan agad ng loob nito kay Marjory. Inamin lang nito basta-basta na lesbian ito. Marjory was cool with lesbians. Walang gender ang pag-ibig.

Naisip din ni Marjory na bumalik ng Pilipinas pagkatapos niya mag-aral. Pero nag-aalangan siya dahil sa isang lalaki. Tama si Peter. Matatabunan lang si Jason ng kaniyang mga advocacies sa buhay pero hindi ito mawawala kailan man sa puso niya dahil bihira lang siya magmahal pero todo.

For ten years, she would reminisce of those days she spent with Jason inside the grotto. Naalala niya ang mga alitaptap at mga bulaklak. Ang himig ng mga ibon at ang matamis na hangin. Hindi niya masyadong namiss ang grotto kasi 'pag wala siyang ginagawa, pumipikit siya at nilalaro sa isip ang daan tungo sa grotto.

She was back in the country beause it's time to meet him. Siguro naman, sapat na ang sampung taon para matutunan nitong mahalin ang sarili.

At habang narito siya, pinatulan na niya ang offer ng Philippine Enlightened College na maging professor sa bagong bukas na college department. Hindi tumigil ang college department na magpadala ng sulat sa kaniya sa Somalia sa loob ng isang taon. Inaabutan siya ng offer ng maging college professor.

Naputol ang kaniyang trail of thoughts nang magsalita si Krissel, "Alam mo bang studyante pa lang sa UP nang itayo ni Dean ang sariling NGO, ang Tahanan Rehabilitation Center? Pinondohan iyon ng principal niyo sa Benedict High School."

"Pinondohan ni Sir Randolph? Tungkol saan ba ang NGO ng Dean?"

"Isa 'tong Human Rights NGO. Nagbibigay sila ng tulong sa mga biktima ng kalamidad, survivor ng armed conflict, biktima ng rape at child abuse."

Napakunot ang noo ni Marjory. "Wait, Tahanan Rehab Center? Parang narinig ko na 'yan. May email pa ako noong nag-aaral ako sa college. They keep sending me emails to be a volunteer at Mindanao. Hindi naman pwede kasi wala ako sa Pinas."

Buti pa ang NGO at ang paaralan na 'to, kinokontak si Marjory sa malayo. Samantalang hindi man lang nagpaparamdam sa kaniya si Jason sa nakalipas na sampung taon. Paano kung nagpakasal ito? Naku! Babalatan niya nang buhay si Jason at ang asawa nito!

Pero paano kung hindi siya nito kinontak o sinulatan dahil galit pa rin ito sa mundo? Bumuntong hininga si Marjory. Huwag naman sana.

"Talaga? Sabi ko naman sa 'yo, idol ka ni Dean kaya ka siguro niya sinendan ng imbitasyon," sabi ni Krissel.

"Hindi ko namumukhaan ang Dean niyo. Sigurado ka bang ako ang hinahanap niyo? It's actually surprising that you don't want me to undergo interview and screening test. Ang sabi niyo lang, pumunta ako dito at pumirma, pwede na ako magturo," sabi niya kay Krissel, may himig pagdududa.

"Hindi mo mamukhaan si Dean?"

Tinignan ni Marjory ang babaeng nasa loob ng Faculty meeting at umiling siya kay Krissel.

"Sa bagay nasa abroad ka kasi. Lagi siyang laman ng TV kasi sikat ang NGO niya. Napili siya na maging Dean ng College President dahil mabango ang credentials niya. Suma Cum Laude siya nang gumraduate sa kursong Social Work sa UP. May Masterya pa siya ng Social Development sa Ateneo. Kasalukuyan siyang nag-aaral para sa doctoral degree niya sa UP. Hindi mo talaga siya kilala? Pinakita pa niya sa akin ang picture mo. Ang ganda mo pala sa personal."

Napangiti siya nang pilit kay Krissel. "Salamat. Feeling ko, umitim ako dahil sa weather sa Somalia."

Nahimas ni Marjory ang baba habang tinitignan ang babaeng Dean. Hmm... Hindi naman nakapagtataka na kilala siya ng Dean kung schoolmate niya ito sa Benedict High School. Siya ang President ng Student Council noon kaya malamang, kilala siya ng lahat ng estudyante. Baka binoto siya nito at nagustuhan nito ang mga campaigns nila.

"Okay. I rest my case. Saan ako pipirma? Hindi ko na maaantay ang Dean niyo kasi mukhang kasisimula pa lang ng meeting nila. Balik na lang ako bukas para pag-usapan namin ng Dean ang curriculum. I'm late. I need to meet my old friends. Pakisabi na lang sa kaniya." sabi ni Marjory kay Krissel. 

Somewhere Only We KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon