Sa lumipas na isang linggo, hindi naging dahilan ang warak na puso ni Marjory para itigil niya ang pagdadasal para kay Jason. In fact, Jason needed someone to pray for him now. Pero napalitan nga lang ng Wrecking Ball ni Miley Cirus ang worship song ni Marjory sa fire escape. Hindi niya mapigilan ang sarili. Iyon ang kusang nakakanta niya at ng kaniyang ukulele. Ang damuhong Jason na iyon! Kapag nakakasalubong niya ito sa hallway, nahahalata ni Marjory na nagpipigil ang binata ng tawa. As if he's feasting on a private joke whenever he would see her around.
Pinutol ni Jason ang koneksiyon nito kay Marjory. Sa library na ito nagvovolunteer at hindi na sa Student Council's Office. Buti pa ang mga kaibigan nito, pinapansin si Marjory. Kapag nakakasalubong niya si Jason sa hallway, hindi siya nito kinakausap o binabati kaya dinededma lang din ito ni Marjory.
Ano nga ulit ang kantang 'yon? Oh, yes. You treat me like a stranger and that feels so rough... Now you're just somebody that I used to know.
Walang pinagkaiba si Marjory sa mga babaeng naugnay kay Jason. Pero proud siya dahil mas malayo ang narating niya kay Jason kumpara sa mga babaeng naugnay sa binata. Hindi pa ulit nauugnay si Jason sa ibang babae at hiling niya, hindi na ito mauugnay kung kanino pa. Aba! Kakalbuhin niya si Jason kapag narinig niyang nakipagrelasyon ito sa ibang babae.
"Hanggang kailan pa ba ito sasakit, Peter?"
"Depende kasi sa tao ang pagdadala ng sakit. Pero kung ikaw ang pag-uusapan natin, ngayon ka lang iiyak. Ikaw ang tipo na bihirang magmahal pero todo. Hindi mo basta makakalimutan si Jason. Matatabunan lang siya ng mga advocacies mo, pero nariyan pa rin siya sa puso mo. At kapag maalala mo siya, magagandang bagay ang maaalala mo, hindi ang kirot," Peter said.
BINABASA MO ANG
Somewhere Only We Know
HumorJASON puffed his smoke and looked up the ceiling. Kasalukuyan siyang nakaupo sa ladder step ng fire escape sa fifth floor. Tahimik ngayon sa campus kasi wala pang mga estudyante at napaka-aga pa. Pero matiyagang nag-aantay si Jason para sa isang da...