Chapter 6

2.5K 75 11
                                    

"GUTOM KA na ba, Rafi?" Buhat ni Marjory ang 5-month-old niyang pusa na si Rafi. Kauuwi lang niya sa bahay galing school at tinatawag na siya ng kaniyang nanay na si Hannah para maghapunan. "Namiss kita, Rafi!" Hinimas pa ni Marjory ang tiyan ng pusa. Kulay puti ang mga balahibo ni Rafi at inampon ito ni Marjory sa kanilang kapit-bahay na katatapos lang manganak ng pusa. Rafi would give Marjory demanding gestures to rub his belly as if he was a pig.

Nang makarating si Marjory sa hapag kainan, inilapag niya si Rafi sa tabi ng cat bowl nito na may laman na tuna. Bukas ang television mula sa sala at rinig ang news channel hanggang sa hapag kainan.

"Naku! Nabalita ang bayan natin ngayon sa T.V. Dito sa bayan ng Taytay, may nasunog na bahay ulit. Pangalawang beses na iyan. Sino naman kaya ang gagawa niyan?" gagad ng ama ni Marjory na si Kiko habang naghahapunan sila.

Nabalot ng pag-alala ang bayan ng Taytay matapos marinig ang balita tungkol sa sunog na naganap sa kanilang bayan. Pangalawang beses nang may nasunog na bahay. Ang unang insidente, nangyari noong isang buwan sa bayan din ng Taytay at may nabiktimang isang nanay. Naganap naman ang pangalawang sunog kaninang madaling araw. Tulad ng unang kaso, isang nanay na naman ang nasawi sa sunog.

Nakatitiyak ang mga pulis na parehong isang lalaki ang suspek na nagsimula ng sunog dahil nahuli ito sa CCTV. Pareho din ang uri ng biktima ng suspek. Sinusunog nito nang buhay ang mga biktima. Aali-aligid ang suspek sa labas ng bahay, na parang tinitignan kung mag-isa lang ang target nito. Nang mahuli nitong mag-isa lang sa bahay ang mga biktima, doon ito umaatake. Walang makapagturo o makakilala kung sino ang lalaking suspek kasi bukod sa malabo ang kuha ng CCTV nakatalikod ang suspek sa anggulo, alam na alam ang lokasyon ng camera.

Tahimik ang bayan ng Taytay at hindi kadalasan nagkakaroon ng mga ganitong klase ng krimen. Kaya ganoon na lamang ang pangamba ng mga mamayan ng bayan.

"Mag-iingat ka, Mommy. Lagi kang mag-isa dito sa bahay kaya huwag kang magpapasok o kakausap ng hindi mo kakilala," bilin ni Kiko sa asawa na isang housewife.

"May tsismiss na drug addict daw ang suspek," Beanca, Marjory's sister, butt in, "hindi naman daw kasi 'yan magagawa ng mga taong nasa tamang pag-iisip."

"Tsismis na naman, Beanca? Bakit wala sa balita na drug addict ang suspek? Wala kang ebidensiya. Kapag talaga tsismis, umaandar ang brain capacity mo," ani ni Marjory sa kapatid. "Gamitin mo na lang sana ang talino mo sa pag-aaral para hindi ka na nahuhuling nangongopya sa mga exams."

Si Marjory ang panganay sa kanilang dalawa. Freshmen si Beanca sa Benedict High School.

Sabi ng mga tao, sobrang magkamukha sila—para daw silang kambal; they both had a small heart shaped face with a pouty chin; fair complexion; upturned nose; small thin lips; thin eyebrows that were naturally shaped; honey colored close-set eyes.

Pero malaki naman ang pinagkaiba nila sa ugali. Hindi hilig ni Marjory ang masydong pag-aayos sa katawan at gumamit ng make-up gaya ni Beanca. Hinihikayat ni Beanca ang mga manliligaw nito samantalang si Marjory, hindi pa nanliligaw ang isang lalaki, basted na agad. Sosyalera si Beanca samantalang si Marjory aktibista. Beanca brushed her natural brown hair 2000 times a day while Marjory attended school with her dripping wet hair.

"Papa, si ate putak na naman ng putak!" himutok ni Beanca kay Kiko.

"'Wag na kayong maingay. May magandang balita ang tatay niyo," pagsaway ni Hannah sa magkapatid at halatang na-e-excite.

"Hindi pa kasi ito sigurado. Isa ako sa mga pinipiling maging General Manager ng branch ng Green Architectural Designs sa New Zealand," ani ni Kiko, excited. "Malalaman ang resulta sa February 2017. Kapag napili ako, sa New Zealand na kayong dalawa mag-aaral."

Napatalon sa tuwa si Beanca at lalo na si Marjory. Tumayo si Marjory sa kaniyang upuan at excited na kinuha si Rafi at niyakap ang pusa. Malas ni Rafi dahil enjoy na enjoy ito sa pagkain ng tuna. Binigyan ni Rafi si Marjory ng nasusuklam na tingin. Nagmakaawa ang pusa na bitawan ito ng dalaga.

"Makakakita na rin ako sa wakas ng snow!" Sigaw ni Beanca.

"Sa New Zealand ako magkokolehiyo!" Muntikan nang kalmutin ni Rafi si Marjory dahil sa mahigpit na yakap ng dalaga.

Somewhere Only We KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon