Chapter 14

474 22 0
                                    

"PAANO mo nagawa sa akin 'to, Beh? Akala ko ba, ayaw mo kay Jason? Inagaw mo siya sa 'kin. Ahas!" pabirong sikmat ni Peter kay Marjory sa loob ng Student Council's office, sinulit ang pagkakataon na wala si Jason sa office. "Sa iyo na itong friendship bracelet mo! Friendship over na tayo," drama ng bakla at pabirong tinanggal ang bracelet sa braso nito.

Nakamot ni Marjory ang kaniyang bumbunan. Kumalat na parang apoy sa campus ang usap-usapan tungkol sa kaniya at kay Jason. Nakuhanan ng litrato at video ang muntikan na first kiss ni Marjory. Laman sila ngayon ng mga tsismis tuwing lunch at klase. Boyfriend daw niya si Jason! Pakiramdam tuloy ni Marjory, wala siyang pinagkaiba sa bilang ng mga babae na nauugnay sa lalaki.

"Pati ba naman ikaw, Peter? Binunggo ako kanina ni Jana Domingo. Tinignan pa ako ng bruha nang masama! Inagaw ko daw sa kaniya si Jason," ani ni Marjory habang hinihilot ang kaniyang sentido. "Hindi ko nga siya boyfriend!"

May inabot na mga tsokolate si Peter kay Marjory. "Galing 'yan kay Aeron. Kahit ang manliligaw mo, nawiwindang sa kumakalat na tsismis. Alam mo bang kapag nagkikita kami ni Aeron, kumukulo ang dugo ko? Wala siyang ibang bukang bibig kundi ikaw. Hindi man lang siya curious kung single ako." Peter pouted his glossy lips. "Eh, bakit parang gusto mo siyang halikan? Kitang-kita sa mga video! Bakit hindi mo siya tinulak o sinuntok gaya ng ginagawa mo sa ibang mga nagtatangka sa 'yo? Para nga kayong may sariling mundo." Dinuro pa siya nito ng nail file.

Napayuko si Marjory sa kaniyang lamesa. "Tinukso ako ng demonyo. Ginugulo nila ako para mas lalong kumalat ang extra judicial killings sa Pilipinas. Gusto nila akong mabigo."

"Sinisisi mo pa ang maligno? Grabe na talaga ang mga kabataan ngayon." Umiling-iling pa ito.

Simula ng mangyari ang demonstration noong Lunes, may kakaibang nangyayari sa kaniya. Siya ang bida sa pelikula na Exorcism of Marjory Arieta. Kagagawan ito ni Lucifer. Namumula siya kapag nakikita niya si Jason. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod kapag napapalitan ng ngiti ang sambakol na mukha ni Jason tuwing silang dalawa lang sa grotto.

She was rarely bothered about sex. Diring-diri si Marjory sa intimacy, at hindi iyon biro o exageration lamang. Iyon ang dahilan kung bakit wala siyang boyfriend. Kapag nagtatangka ang mga manliligaw niya na akbayan siya, ikinagagalit niya 'yon. Ayaw na ayaw niya na hinahawakan siya ng isang lalaki kahit sa dulo ng daliri niya. Hindi siya mahilig magbilang ng mga ex-boyfriend tulad ng kapatid niyang si Beanca.

Anong nagbago nang makilala niya ng husto si Jason? Ngayon, parang gusto niyang ihagis ang sarili sa fuckboy na 'yon. Higit pa roon, may tiwala siya kay Jason. Totoo 'yon kasi magaan ang loob niya kapag silang dalawa lang sa grotto.

"Oo nga pala, Marjory. Tumawag ang Build Peace Movement kanina at hinahanap ka. Tinatanong nila kung kumpirmado ba na sasama ka sa Mamasapano, Maguindanao sa susunod na buwan. Pinayagan ka na ba ni Tito Kiko na magvolunteer ng isang linggo sa Mindanao?"

"Tatanungin ko pa lang siya ngayong weekend. Sana talaga payagan niya ako. Hindi niya ako pinayagan na sumama noon," himutok ni Marjory. Hihingin ni Marjory na regalo para sa kaniyang 18th birthday in two weeks ang permiso ng kaniyang ama na payagan siyang magvolunteer ng isang linggo sa Mindanao. Kung ang ibang debutante, gusto ng bonggang debut, si Marjory naman gustong makipagsapalaran sa rehabilitation center sa Mamasapano at magvolunteer.

Maya-maya, kumagat na ang dilim at nagdesisyon na sina Marjory at Peter na umuwi. Sinara na nila ang office at naglakad na palabas ng campus. Naiwang mag-isa si Marjory nang maghiwalay na sila ng landas ni Peter.

Palabas na si Marjory ng gate ng campus nang may humarang na braso sa harap niya. Akala niya, snatcher. Sisigaw sana siya. Kaso inabutan siya nito ng helmet. Nawala ang kaba niya nang makita si Jason.

Somewhere Only We KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon