Chapter 19

413 20 1
                                    

PAUWI na si Marjory pagsapit ng hapon. Tapos na ang huling klase niya at pati na rin ang ginagawa niya sa office. Palubog na ang araw nang maglakad siya pauwi sa sidewalk ng main entrance ng campus. Tulad ng nakagawian niya, pinapanood niya ang pagbagsak ng mga puting bulaklak ng kalachuchi.

Sunddenly, a tall boy blocked her way. Natigil si Marjory. At kuminang ang kaniyang mga mata nang makita kung sino ang nasa harap niya.

Namumula ang mukha nito. Nakayuko at iniiwasan ang tingin ni Marjory, nahihiya. At hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi nito—as if he's feasting on a private joke. Para itong kinikilig kung umakto. Sinisipa nito ang munting bato sa sidewalk. Panaka-naka ang tingin na ginagawad nito sa dalaga.

"Para kang nilalagnat. Namumula ang mukha mo," gagad ni Marjory.

"Pwede mo ba akong samahan sa grotto? Bumagsak ang pergola."

"Huh? Anong nangyari?" bulalas ni Marjory.

Hinatak nito ang pulsuhan ni Marjory at nagsimulang maglakad. "Kinain ng anay ang pundasyon ng pergola kaya bumagsak. Halika na." Jason's hand went down from her wrist to her hand. Hawak-kamay na maingat nilang pinasok ang gubat, umaasang walang makakakita sa pagpasok nila.

Tumigil sila sa tapat ng lihim na pintuan. Inudyukan siya ni Jason na buksan ang pinto. Bakit bumagsak ang pergola? Paano nila aayusin ni Jason iyon?

She twisted the doorknob, and the door opened creakily. Tumapak siya sa loob at gumala ang paningin niya sa lugar, hinahanap ang malaking pinsala.

Nasapo ni Marjory ang bibig. Walang bumagsak na pergola.

Lit candles inside glass jars were illuminating each flower with its weak glow. Gumawa si Jason ng pillow fort sa tabi ng pergola. A battery-run lamp was on inside, glowing the whole tent with its yellowish light.

Tumayo si Jason sa harap niya at pinagbuhol ang kanilang mga kamay. "Sinira ko ang 18th birthday mo. Pasensiya na at pinaiyak kita gamit ang boring kong kwento," sabi nito. "I want to redo your birthday. Gusto ko din sana magpasalamat sa 'yo...para sa lahat."

"'Wag mong tatawagin ang kwento mo na boring." Lumapad ang ngiti ni Marjory.

"Bibigyan kita ng cotillion ngayon." Magkatabi silang naglakad sa wooden boardwalk papunta sa pergola at ang mga kamay nila, ayaw maghiwalay.

Walang kuryente sa loob ng grotto kaya ang ilaw ng mga kandila ang tanging nagbibigay liwanag sa loob nang pumatak ang dilim. May nakahandang romantic dinner table for two sa kabilang gilid ng pergola at puno iyon ng mga platong may takip.

Tumayo sina Marjory at Jason sa gitna ng pergola.

"I didn't know you could be so charming sometimes," biro niya.

Nakamot ni Jason ang buhok. "Palagi naman akong charming sa 'yo. Ikaw lang 'tong parang terorista. Masungit," tugon ni Jason.

Tumawa lang siya.

"Hindi kumpleto ang debut kapag walang mga 18 something, 'di ba? Halika dito." They walked towards the side of pergola. May binuhat si Jason na isang basket na puno ng 18 brown paper bags.

"18 peanuts? Kasoy? Garlic flavored nuts?" panghuhula ni Marjory.

Jason giggled, shaking his head. "18 flowers. Gusto ko, sabay natin sila itanim."

"18 flower seeds?" bulalas ni Marjory, hindi maitago ang ngiti.

Ibinaba ni Jason ang basket at kinuha naman nito ang isang kahon na mukhang treasure chest. Jason opened the chest. Punung-puno ito ng libro.

Somewhere Only We KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon