Chapter 1

45 5 1
                                    

LOUISE POV

"Ma alis ako mamaya ha! Punta kami kila Heather." sabi ko.

"Ano nanaman gagawin niyo? Nung isang araw practice, tapos kahapon groupings, Ano ngayon?" tanong ni Mama.

Ang galing kong magdahilan no? Pati yan diko napalagpas. Syempre kailangan gumawa ng paraan para maka layas ng bahay! Di naman nila ako papayagan pagdiko yan sinabi.

Di naman ako tarantado. Sadyang mas gusto ko lang kasama ang mga kaibigan ko kesa sa kanila.

"Practice ulit. Ang hirap kaya nung sinasayaw namin!" sagot ko naman.

"Bahala ka!" sabi ni mama.

"Okay!"

Susunduin naman ako ni Allyson eh. Kaya hindi nila ako pwedeng di payagan. 2pm pa yun pupunta 10am palang sabado kasi ngayon.

May project naman kami talagang gagawin ay di pala project homework na naging groupings. Ang galing diba? Sagot ng isa sagot ng lahat.

Makaligo na nga lang habang wala pa si Allyson.

Pagtapos ng mahabang ritual na laging ginagawa ng mga kababaihan tulad ko ay nag bihis na at nagayos.

Tapos kumain na ako ng tanghalian. Ayan ilang minuto nalang padating nayun. 2 na ilang minuto pa yun bago dumating. Yan sila 2 usapan 2:30 ang dating galing talaga.

"Louise? Louise?" may narinig akong tumatawag sakin. Boses palang alam ko ng siya na yan.

"Mabuti naman nakarating kana! After so many damn hours! Di mo alam kung gaano na ako kabagot dito kakaupo tayo sa paghihintay sayo!" sabi ko.

"Uy wait lang nagenglish ka! Ilang taon nanaman?" hawak baba pa para kunwari nagiisip "Ah! 10years grabe ka talaga ang galing mo!"

"Syempre inaral ko talaga yung words na yun bawat letra kung paano nabuo yung salita kailangan yun!" proud kong sabi.

Wala lang yun eshing eshing lang. Yung kunwari bobo kayo? Tapos biglang nag english yung isa sasabihin nila kung ilang taon mong napagaralan.

"Ma! Alis na kami" paalam ko.

Lumabas na kami ni Allyson ng bahay papunta na to kila Summer. Si Izze nauna na yun kila Heather yun pa ubod ng katamaran yun!

"Bayad po" sabi ko sa driver ng jeep.

"Allyson ikaw nalang sumundo kay Summer? O baba nako kila Heather?" tanong ko kay Allyson.

Tinatamaan nanaman kasi ako ng sakit na katams. Gusto ko na humiga agad.

"Ikaw bahala"

"Sige baba na ko kila Heather!" Salamat naman pumayag siya!

Matapos ang maikling biyahe bumaba na ako kila Heather. Si Allyson ayun papunta na kila Summer.

Si Allyson mabait yan. Matanda lang sakin ng ilang buwan. Medyo mataba? Ay mataba siya.

"Heather?" tawag ko.

Nakakaisang tawag palang ako nagbukas na agad ang pinto. At si Izze talaga ang nagbukas at sinalubong ako ng bat-ngayon-ka-lang look. Katakot.

"Si Allyson kasi eh! Anong oras na nakarating! Ayun sinundo niya pa si Summer" paliwanag ko. Sana pala sumama nalang ako sa pagsundo kesa mauna dito.

Di na siya nagsalita dumertso na agad siya sa loob kaya sumunod nalang ako.

Ganyan yang si Izze. Strict minsan baliw. Bipolar. Siya pinakamatanda samen. Mga 1year.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now