Chapter 28

8 1 0
                                    

LOUISE POV

Hindi ko manlang naramdaman ang paghapdi ng sugat ko. Ngayong sinabi ito ni Tito Jordan naramdaman ko na ang pagmanhid ng kanang braso ko sa sakit.

Hindi ko na napigilan at napikit ko na ang mga mata ko.

SUMMER POV

"Nasaan si Louise!!" inis na sabi ko kay Kuya Ace.

Kanina ko pa siya tinatanong pero ang sinasagot niya lang ay, "Umalis na si Louise." nakayuko lang siya at umiiyak.

"Saan siya pumunta!! Saan?!" ako habang inaalog siya.

Kanina pa nawawala sila Louise at ang pamilya niya. Nung nagtanong tanong ako kung may nakakita ba sakanila sabi ng isang maandang babae na hinihila daw nila Kuya Ace at Tito Jordan si Louise palabas nagpupumiglas daw si Louise hindi lang daw nila matulungan dahil sa takot kay Tito Jordan.

Pagtapos ng paguusap kanina sinugod daw sa ospital si Tito Kiel na tatay daw namin. Nagpaalam nadin sila Mommy at ang iba pa naalis na at ikamusta nalang kay Tito Kiel.

Sobra na kaming nagaalala sakanya.

Sabi din ng doktor kanina ayos lang naman daw ang lagay ni Tito Kiel at sinabing gising na ito.

Pero hindi ko pa din siya handang kausapin kaya bumalik nalang ako sa hotel at inayos na ang gamit ko para makauwi.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Louise.

"I'm sorry. The subscriber is cannot be reach, please try again later."

10 times na akong tumatawag sakanya pero hindi parin siya sumusagot. Gusto kong tumawag kay Tita Lisa pero nahihiya ako.

Lumabas ako at hinanap si Jack. Nakita ko siya kasama si Mark sa kanilang kwarto.

"Jack," tawag ko.

Sabay naman silang napalingon sakin.

"Oh Summer," si Jack at umayos ng upo. "Gising na ba ang daddy niyo? Ano palang kailangan mo?" tanong niya.

"Oo gising na si Tito Kiel. Gusto ko lang sana magpasama. Pupunta sa bahay nila Louise?" ako.

"Oo nga pala, kanina ko pa hindi nakikita si Louise." si Mark.

"Oo ako din. Kaya gusto sana magpasama sa isa sainyo. Since may may sarili kayong sasakyan." ako.

"Ako nalang," prisinta ni Jack.

Naiwan si Mark magisa doon sa kwarto nila. Kami naman ni Jack ay umalis na. Dinala ko narin ang mga gamit ko para diretso uwi na ako. Hindi na ako nagpaalam. Nakakainis ang mga tao ngayon.

LOUISE POV

Nagising akong malinis na ang buong katawan ko at nakasakay parin sa sasakyan. Nanlaki agad ang mga mata ko ng makitang nag pa-park na kami sa parking lot ng airport.

"Mama! Anong ginagawa natin dito?! Saan tayo pupunta?! Ma! Kailangan ako ni Daddy!!!" ako at nagsimula ulit magwala.

"Walang may kailangan sayo, Louise. Ikae ang may kailangan. Kaya umayos ka at paalis na tayo." si Tito Jordan na nasa passenger seat.

"What do you mean?" Kinakabahang tanong ko.

"Kung kailangan ka nila sana kanina pa nila hinahanap. Think about yourself first bago ang iba. Kaka labas mo palang ng ospital eto na agad ang nangyayari sayo," si Mama.

I feel so small sa sinabi ni Mama. Bat ba sila ganto? Naguguluhan na ako. Bakit nila ako nilalayo kay Daddy. Bat hindi manlang nila ako sinabihan.

Anong ibigsabihin nila sa hindi nila ako Kailangan?

Bumaba na kami ng sasakyan. Hindi ako nagpapakita ng ekspresyon para malaman nilang galit ako. Hindi ata galit tong naramdaman ko. Pati pagkalito, basta naghalo halo na ang mga nararamdaman ko.

Si Tito Jordan ang nagdala ng lahat ibang gamit at si Mama naman sa iba pa. Hindi ko sila tinulungan. Sumunod lang ako. Kaming tatlo lang halos lahat ata ng damit ko anfito kaya ganto kadami. Natatakot akong umalis ng bansa baka hindi na ako makabalik. Nagsimula na akong kabahan kung bakit kami aalis.

SUMMER POV

Nakarating agad kami kila Louise dahil sa bilisng pagmamaneho ni Jack.

"Nasan po sila Louise?" tanong ko sa guard nila.

"Umalis na po sila, ma'am." sagot nito habang nakatingin parin ng deretso parang robot.

"Umalis? Saan, saan sila pumunta!?!" Kinakabahang tanong ko.

"Sabi ni Sir Jordan wala daw po dapat akong pagsabihan, pero..." this time tumingin na fin siya samin at punong puno ng awa ang makikita sa nga mata niya. "Pero ngayon may sasabihan na ako. Ma'am tulungan niyo po si Ma'am Louise. Pumunta po silang airport, sa ibang bansa na po nila papatirahin si Ma'am Louise." sabi niya.

Para naman akong na estatwa dahil don pero pinilit kong umayos.

"B-bakit po? Bakit sa ibang bansa nila papatitahin si Louise?" ako.

"Nilalayo daw po nila si Ma'am Louise sa tatay nito, ma'am umalis na po kayo para maabutan niyo pa po si Ma'am Louise." suhestiyon ng guard.

Hindi na ako nagsalita at agad na sumakay nalang sa sasakyan hindi na bumaba si Jack kanina.

"Jack! Sa airport tayo." natatarantang sabi ko.

Tumungo na lang si Jack. Nag simula ng mangilid ang mga luha ko. Bakit nila nilalayo si Louise?

Ng makarating kami sa airport dito ay huminto ako dahil sa lawak. Paano ko mahahanap agad sila Louise nito?

"Dito ka Jack," tinuro ko ang kaliwang parte. "Dito naman ako," sa may kanan. "Magkita nalang tayo dito." ako at tumungo na sa kanang bahagi.

Kinakabahan ako sa bawat hakbang ko. Natatakot ako sa ano mang pwedeng mangyari. Sa kanang bahagi ng airport ay papunta ng sakayan. Dito na ibibigay ang passport. Magandang pwesto para makita ko agad si Louise.

Nanlaki agad ang mga mata ko ng makita ko si Louise. Sa layo naming dalawa dama ko ang pagiging cold niya. Walang emosyon na makikita sakanya. Sumusunod lang siya kila Tita Lisa.

"Louise!! Louise!!!" Paulit ulit ko siyang tinatawag pero hindi siya lumilingon.

Tumakbo ako habang tinatawag siya. Hindi ko inaalis ang mga mata. Natatakot ako na baka hindi ko na ulit siyang makita.

"Louise!! Andito ako---" napatigil ako ng hinarang ako ng mga bantay.

"Where's your ticket, ma'am?" tanong nito.

"Wala akong ticket! Kailangan ko mahabol ang kaibigan at kapatid ko!!" Ako at nagpumiglas.

Tumingin sa paligid si Louise. "Louise dito!! Wag kang umalis!!" Sigaw ko.

Kulang nalang lumabas na pati lalamunan ko sa nga sigaw ko. Ayaw pa din akong papasukinng mga bantay.

Pero hindi siya lumingon sa gawi ko. Pabagsak na napaupo ako sa sobrang panghihina ng makapasok na sila Louise.

Buti nalang at inalalayan ako ng mga bantay kung hindi sobrang sakit ng pwetan ko nito.

"Louise!!" sigaw ko habang humahagul-gol.

"Summer!" Dinig ko sigaw ni Jack.

"Ako na pong bahala sakanya sir." si Jack at inalalayan ako.

"Jack, umalis na sila." Umiiyak na sabi ko.

"Ano bang nangyayari?" tanong ni Jack ng mai upo niya ako.

Yan din ang tanong ko. Paano ko ba masasagot yan? Hindi ko na soya sinagot at umiyak nalang ako.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now