Chapter 21

6 0 0
                                    

LOUISE POV

Natulog na kami matapos tumahan ni mark kagabi. Sobrang nakakahawa yung emosyon niya kaya halos lahat kami ay naiyak. Nakakawa siya. Kinuwento niya din samin yung mga memories nila. Hindi pa man nawawala yung tatay niya pero kung umiyak siya kagabi parang wala na.

Nagising ako ngayon sa panggigising sakin ng babae sa labas. Dumating na daw kasi ang mga pinsan ko sabi nung mga tauhan dito. Sila din ang gumising samin!

"Ma'am Louise! Gumising na po kayo! Andito na ang mga pinsan mo!" Sigaw nung babaeng nasa labas pilit akong ginigising.

Gising ng gising! eh! Hindi ba nila mapapasok yun? Anlalaki ng nang mga yun! Kaya na nilamg asikasuhin ang mga sarili nila.

"Gising na po ako! Paki sabi saglit lang!" Sigaw ko.

Kumilos na ako at bumaba sa lobby para harapin ang mga kakadating lang na mga pinsan ko. Naiwan sa kwarto sila Summer.

Paglabas ko ng elevator ay nakita agad ako ng mga pinsan ko. Sobrang saya nila nung makita ako ang tatamis ng mga ngiti, sinuklian ko naman iyon.

"Hey, cousin!" Tawag sakin ni Paul at sinalubong ako ng hakap, sobrang higpit halos di na ako makahinga.

"Paul ano ba!" Asik ko at natatawang hinahampas siya sa braso.

Masaya naman siyang bumitaw. "Kakagising mo lang?"

"Yup! At sobrang saya ko dahil kayo agad ang nakasama ko" masiglang sabi ko.

"Hi, to our baby princess!" Si kuya Ace na niyakap din ako.

"Baby princess ka diyan! Malaki na ako! See, Graduate na ako!" Reklamo ko.

"Awww! Our baby princess is a big girl already!" Napahawak pa sa dibdib na parang nasasaktan.

Hindi na ako sumagot. Nilingon ko nalang si kuya janjan.

"Nasan si Ate Veronica?" Tanong kong hinahanap ang isa ko pang pinsan.

"Wala busy pa. Nasa bahay niyo siya kasama si mommy at daddy. Hindi ba masaya ang baby princess namin na nadito kami?" nakangusong tanong ni Kuya Ace.

"Masaya! Ang daya wala si Ate Veronica! Ang saya panaman dito!" Nakalabing sabi ko.

"Andito naman kami eh" si Kuya Ace.

"Pasalubong?" Tumagilid ako at taas noong nakapikit habang nakalahad ang kamay ko para sa pasalubong nila.

Maigi ng sabihinng maaga baka makalimutan ko!

Galing silang America dun sila nagaaral pero matatas mag tagalog ang mga ito.

Pero lumipas na ang ilang minutong nasa ganon akong pwesto ng wala pa rin akong natatanggap. Inis ko silang nilingon. At sa itsura palang nila alam kona.

"Bakit kinalimutan niyo yun!" Singhal ko.

"Joke! Hahahahaha. Ikaw talaga baby princess! Eto ang pasalubong ko sayo!" si Kuya Ace.

Agad ko namang binuksan ang bag na ibinigay niya. At gulat ako ng makitang puro kpop posters yun!

"I love you talaga Kuya Ace!" Masayang sabi ko.

"Buksan mo ng maige para makita mo yung iba pa" nakangiting dagdag niya.

Ginawa ko naman at laking gulat ko ng makitang may kasama pala iyong mga kpop merchandise! May mga light stick ng mga bias group ko! Yung super junior, bigbang, exo, shinee, at iba pa! May mga headbands din doon na umiilaw parang light stick lang din.

"Ikaw talaga ang paborito ko, Kuya Ace!" Biro ko.

"Syempre ako pa ba naman wala?" Si Paul naagad inabot sakin ang isang bag din.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now