Chapter 26

6 1 0
                                    

ALLYSON POV

Mahigit dalawang lingo ang pamamalagi ni Louise dito sa ospital. Pwede na siyang umuwi ngayon. Hilom na ang mga sugat niya pati ang tahi sa kanang braso. Peklat nalang, nagtanong pa si Louise kung ano ba daw ang maganda gamitin para daw nawala agad yung mga peklat niya sa doktor.

Wala na atang mas sasaya pa kay Louise nun. Akalain niyo nga naman naak-sidente kalang nakilala mo na yung tatay mo? Kapatid mo pa ang dalawang kaibigan mo. Mahusay.

Lahat kami ay naghahanda na sa pagalis ni Louise dito sa ospital. Kumpleto kami ngayon andito sina Tita Lisa, Tito Jordan, Si Tita Cherry pero pinaiwan ang dalawang kapatid ni Summer sa mga yaya nung mga yun, Si Mama siya lang din dahil busy si Papa Sherman, Si Kuya Christian, Si Tito Kiel ang tatay nila Louise, Heather at Feather. Si Mark, Jack, Summer, Heather, Feather, Kuya Ace, Kuya Janjan, Paul at Ako. Andami namin ngayon. Kaya kami nandito na sa parking lot hinihintay sila Tita Lisa.

Ewan ko ba kung bakit kailangan nandito ang lahat hindi naman natuluyan si Louise eh.

Pagbabanila lumapit na agad sila samin. Dahil labing anim kaming lahat ay dalawang van ang dala namin. Mga sasakyan lang to dun sa hotel.

Nung makarating kami sa hotel dumiretso kami sa restaurant doon dahil tanghali na din.

Malaki naman ang resto dito kaya nagkasiya pa din kami kahit na may iba pang customer dito. Pinadala na din sa mga kwarto namin ang nga gamit ni Louise.

Nagumpisa na kaming magsikain.

"Mamaya may paguusapan tayo," sabi ni Tita Lisa sa ginta ng pagkain namin.

Ano bang nangyari? Anseryoso nang lahat parang ang hirap tuloy ngumiti.

"Daddy, gusto ko po ng ice cream," tawag ni Louise sa tatay niya.

"Ang isip bata mo," sabi ko inirapan niya lang ako.

"Sige mamaya" nakangiting sabi ni Tito Kiel.

Napatingin naman ako kay Tito Jordan. Kung dati sakanya lang ganto si Louise ngayon hindi na sakanya kay Tito Kiel na.

"Sige po!" Masiglang sabi ni Louise at nagsimula ulit kumain.

Alam ko naman na parang tunay na anak na din ang turing ni Tito Jordan kay Louise. Malamang nakakaramdam siya ngayon ng selos dahil hindi na siya ang ginaganito ni Louise.

Hindi ko din naman masisi si Louise. Syempre magkakaganyan iyan ngayon niya lang nakita ang tatay niya eh.

Deadma na muna ako kain muna bago yang isipan na yan gutom na gutom ako. Lagi naman akong gutom. Perk iba ngayon andami namin kaya masarap kumain.

Naging tahimik padin habang kumakain kami tanging ingay lang ng mga kasabayan naming bakasyonista ang maririnig.

Mga tunog lang ng pagkuskus ng kutsara't tinidor ang naibabahagi namin sa ingay.

Deadma nalang ulit. Kumain nalang ng kumain mamaya maubusan ako ng mga kasama ko malalakas panaman magsikain tong mga to.

Nung matapos naming kumain ay may nagserve samin ng ice cream. Diko manlang napansin na inutos nila to. Ang Louise naman tuwang tuwa. Simula ata nung naaksidente siya naging isip bata na.

"Yehey! Thanks you daddy!" Masayang masayang si Louise.

"Basta para sa anak ko" masaya ding sabi ng tatay niya.

Naging desert namin ang ice cream na yun. Masarap naman home made ice cream kasi yun.

Matapos kumain ay nagpahinga na kami umakyat na sa nga kwarto nila ang mga magulang namin kami naman ay nagpaiwan dito sa tapat ng dagat.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now