Chapter 38

9 2 0
                                    

SUMMER POV

Hindi ako makatulog dahil sa mga nalaman ko.

Umuwi na kanina sila Tito Jordan binilin nila si Louise kay Brian.

Hindi ko pa nasasabi kila Heather ang nangyari dahil ayoko madagdagan ang problema nila ni Mark.

Nakatitig lang ako sa kisame.

Hindi ko maisip kung bakit nga ba hindi namin siya hinanap?

Marami ng teknolohiya ngayon.

Meronng facebook pero hindi manalang namin siya hinanap kahit doon.

Ang dami ng tumatakbo sa isip ko.

Tumayo nalang ako at lumabas ng kwarto namin.

Paglabas ko tumingin ako sa pinto ng kwarto nila Louise at Brian.

Tumingin muna ako sa paligid tsaka lumapit sa harap ng pinto nila at binuksan ito.

Buti nalang at hindi naka lock.

Konti lang ang pagbukas ko ng pinto sapat na para makita si Louise.

Napatakip ako ng bibig para hindi marinig ako hikbi ko.

Madilim ang kwarto nila pero may liwanag pa galing sa labas kaya naaninag ko pa si Louise na umiiyak habang tinatakpan ang magkabila niyang tenga. Tumitingin din siya sa paligid niya at pipikit na para bang may bumubulong sakanya.

Pinananonood ko lang siya.

Mayamaya ay umupo siya ng indian seat at tumulala sa harap ng salamin.

Hindi na niya tinatakpan ang tenga niya. Patuloy parin siya sa pagiyak.

Hindi ko kayang mapanood siyang ganto kaya sinara ko nalang ang pinti at bumalik sa kwarto namin.

Pero papasok na sana ako ng may nagsalita.

"Don't just watch her. Instead help her. "Si Brian at pumasok sa kwarto nila.

Natulala lang ako. Hindi ko alam ko alam kung paano siya tutulungan.

KINABUKASAN mukha na akong bangag. Hindi ako nakatulog in short Mukhang Zombie.

Andito kami ngayon sa resto ng hotel at kumakain ng almusal.

Ako, Feather, Allyson, Izze, Daddy, Louise, Brian, Mark and his friends.

Hindi sumabay si Heather dahil hindi pa siya handang humarap kay Mark.

Walang gusto magsalita. Sobrang tahimik. Awkward. Super. Lalo na siguro kay Brian at dun sa kaibigan ni Mark na si Vince.

Natapos kaming kumain ng walang nagsasalita. Pumunta din kami sa kwarto naming ng walang nagsasalita.

Hanggang din hindi pa sinasabi samin ni Heather ang dahilan kung bakit tinanggihan niya si Mark.

LOUISE POV

Nagaagaw na ang dilim at liwanag ng humaba ako para maglibot. Hindi na sumana si Brian.

Ng makalabas ako ng hotel nakita ko si Mark.

Nakaupo siya sa seashore. Yakap ang binti niya. Mukhang malalim ang iniisip.

"Hi," bati ko sakanya at umupo sa tabi niya.

Ngumiti lang siya. Yung nguting sobrang lungkot.

Naalala ko yung sinabi sakin ni Brian kagabi. Tumanggi daw si Heather kay Mark kagabi.

What's wrong with her?

"If you have a problem, you can tell it." I suggest. "Wag mong sarilihin. Baka kase mamaya niyan bigla kanalang mapuno't sumabog."

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now