Chapter 3

12 3 0
                                    

Louise POV

Andito kami ngayon sa canteen. Kakatapos lang ng klase. Siyempre dahil lunes tinamad agad ako.

Pagtapos naming kumuha ng pagkain umupo agad kami sa lagi naming inuupuan.

"Buset kanina inantok ako" Reklamo ko ng may bigla akong naalala at napatakip agad sa bibig.

"Oyy! Narinig ko, akin na 20!" Sigaw ni Summer.

"Kainis to dinaman sinasadya!" Sabay kuha ng benta sa bulsa.

Pagnagmura kase kailangan magbayad ng 20 tapos yung maiipon namin hindi pa namin alam ang gagawin doon.

12 na ngayon ng tanghalian mamaya pa pasok namin ni Heather. Parehas kasi kami course diba? Nabutan kasi kami ng K to 12.

Pero di ko pa talaga alam yung gusto kong course gusto ko lang kasama si Heather kaya yun na rin kinuha ko. Ang hirap kaya magisip ng gusto mo. Parang lahat gusto ko. Gusto kong maging designer, military, teacher, etc. Ang hirap pumili kaya HRM nalang para madali.

Medyo wala nanaman ginagawa sa school ngayon kasi isang linggo nalang graduate na kami.

Yes! That's true! Malapit na kaming mag apartment! Yipieeeeee. Excited na me!. Yung feeling na di na kayo mapapakialaman ng sinuman.

Kaming dalawa nalang ngayon ni heather at naglalakad lakad sa may oval.

"Heather may naisip ako!"

"Ano nanaman yan? Baka naman kaanuhan yan ha!" si Heather.

"Naisip ko lang para magkaroon ka man lang ng experience sa pagibig"

Di pa kase yan nakakaranas ng pagibig. Arte niyan!

"Ano?! Hindi ayoko gusto ko yung magiging boyfi ko yun na yung first and last" nakatingin siya sa kawalan nung sinabe niya yan naparang nagniningning pa yung mata.

"Hoy neng! Dinauso yun diba nga moto mo 'Walang forever'? Anong nangyari?"

"Wala lang gusto ko lang ganun katulad nung mga naiimagine ko"

"IMAGINATION MO TALAGA ANG LIMIT" Gigil ako nito nagd-daydream nanaman. "Magsabi ka saken ng maiisip mo ngayon"

Para lang sa sign malay niyo nga magkatotoo. Sayang yun kaya dapat di pinapalagpas yung mga gantong pangyayari eh.

"Oyy ano dali! Yung mga gusto mo?"

"Favorite ko black so gusto ko ng lalaking nakablack t-shirt"

Hinila ko siya papuntang gate para may makita kaming lalaking naka black.

"Ayan masid masid na tayo ng mga pogi na naka black!" Excited kong sabi.

Tahimik lang kaming nakatingin sa mga dumadaan. Yung guard nga nawiwerduhan na samin.

"Heather! Tingnan mo yung lalaki. Gosh naka itim siya! Itim na damit itim na sumbrero itim na ba...lat" Natatawa kong sabi.

Diko agad napansin yung skin color niya kasi nakatingin lang ako sa mga damit nila hahaha jusme.

"Naku Louise! Wala namang poging nakaitim na t-shirt eh!" Reklamo ni heather.

Makapagreklamo tong baklang to kalamo di siya yung makikinabang!

Napalingon ako sa may entrance gate at may pumasok na isang lalaking nakaitim na damit, gray shorts, white shoes, at ang pogi niya mga bakla!

Natatarantang tinuro ko ito kay Heather. Mistulang naging puso naman ang mga mata ni Heather.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now