Chapter 10

10 3 0
                                    

Matapos naming kumain ay nagpahinga kami sa sala. Kumuha din ako nung binili naming Cookie's kanina. Yun ang kinain namin habang nanood ng movie. Kamukha pa nga ni Charlie Puth yung bida. Ang pogi.

Nung malapit ng matapos yung pinapanood namin tumayo na si Summer para icheck kung nakasara yung gate at nilock na rin ang pinto at sinara ang mga bintana.

Hanggang ngayon dipa rin ako inaantok. Nakatakot naman kung ako lang yung magisa matitirang gising. Di talaga ako makatulog kasi di naman ako sanay dito.

"Inaantok na kayo?" Tanong ko.

"Oo inaantok na ako! Tara tulog na para hindi tayo antokin bukas kasi gagala tayo!" Masayang sabi ni summer.

"Talaga saan?!" Nakakaexcite naman to!

"Kahit saan! Hahahahaha" tawa pa niya "kaya tara na!"

Anubayan! Dipa ako inaantok! Natatakot na tuloy ako!

Biglang tumakbo si Heather sa taas "Una na ako sainyo sa banyo!" Natatawang sigaw niya at dumiretso na sa kwarto ni summer.

"Una na din ako!" Sigaw ni summer at tumakbo papunta sa isa pang banyo sa tabi ng kusina.

"Ang daya niyo!" Sigaw naming tatlo.

Nakakahiya naman kung makikibanyo pa kami sa banyo dun sa may ibang kwarto. Mag aantay nalang ako.

"Ako next tapos ni summer!" Reserve ko sa sarili ko. Hehehe.

"Tapos ako ni Heather!" Si allyson.

"Syempre ako nalang ang next kung sino maunang matapos sainyo!" Sabi ni Izze.

Natapos naman agad si Summer kaya nakapag shower din ako at ginawa na yung iba pa.

Pagtapos ko ay lumabas na ako ng naka pantulog. Sando at pajama. Wala naman si Izze kaya patakbo akong umakyat nakakatakot ako nalang pala magisa dito sa baba. Pagpasok ko sa kwarto ni summer kumpleto na sila.

"Grabe talaga wala ng mas tatagal pa sayo sa banyo!" Si Izze.

"Syempre gusto ko yung super duper ultra mega linis ko! Nakakairita kaya kapag madumi" sabi ko naman.

Malaki ang kwarto ni summer. Inurong nila yung kama papuntang dulo dahil naka pwesto ito sa gitna. Naglatag lang ng malaking kama para saamin. Sa sahig kami naglatag.

Ang pwesto namin. Sa dulo si Izze sumunod si Heather, ako, Summer at Allyson. Nakahiga nakaming lahat.

"Mga mars matutulog na kayo?" Tanong ko.

Syempre matatakutin talaga ako. Sa totoo lang may sarili rin naman akong kwarto pero minsan pagtakot ako nakikitulog ako sa kwarto ni mama. hehehehe.

"Oo matulog kana Louise habang gising pa kami!" Si Allyson.

"Patulugin niyo muna ako ha? Wait lang" sabi ko at kinuha yung favorite kong unan "Matutulog na ako. Wag muna kayong matulog"

"Oo na. Matulog kana" sabi nila.

Nakabukas ang ilaw ng kwarto. Takot ako e. Pero baka daw mamaya patayin nila ang ilaw pag tulog na ako.

~~~

Nagising ako dahil naramdaman kong may umuuga sakin. Minulat ko naman ang mga mata ko para malaman kung sino yun si Heather lang pala. Tumayo na ako at naligo pagtapos ko ay lahat kami ay nagsusuklay.

"Mars! Mga mars!" Tawag samin ni Summer tinitigan lang namin siya habang siya ay nakatingin lang sa phone niya "May joke ako! Makinig kayo dali!"

Pagsabi niya nun ay nagsipag unahan kami sa paglabas sa kwarto.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now