Chapter 27

7 1 0
                                    

LOUISE POV

Pumasok na kami ni Mark sa loob. Hindi ko alam kung bakit pero naka ngiti lang ako habang naglalakad kami.

"Oy, louise! Tawag na tayo ni Tita Lisa!" tawag ni Heather.

Ewan ko kung bakit pero marinig ko lang ang boses niya, nagwawala na ang nasa loob ko.

Pilit akong ngumiti kay Mark. "Una na ako ha? Mamaya nalang!" pilit ko ding pinasisigla ang boses ko.

"Sige, mamaya nalang. See you." nakangit din siya sakin.

Kaya napangit nanaman ako ng tunay at lumingon kay Heather. Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso sakanya.

"Ano nga palang nangyari sa pag uusap niyo ni Mark?" tanong ni Heather habang naglalakad kami papuntang kwarto kung nasaan sila.

Bakit gusto niyang malaman? "W-wala naman. Ayos lang. Wala siyang gusto sakin. Ayos lang." Kahit hindi.

"Sure ka ba diyan? Mamaya kinikimkim mo yang sakit. Wag ganon, ha? Sabihin mo samin." pangungumbinsi niya.

"Okay." pilit kong pinasigla ang boses ko.

Hindi na siya nagsalita pa hanggang makarating kami sa kwarto.

Laking gulat ko ng makitang kompleto na ang lahat.

Andun sina Feather, Summer, Allyson, Izze Mama, Tito Jordan, Daddy, Tita Weng, Kuya Roi, Tito Sherman, Tita Cherry, Sila Rainy at Cheska mga kapatid ni Summer. Nagulat pa ako ng makita si Tito Randy ang tatay ni Izze andun din sina Kuya Christian at Kiya Vincent. At ang mga pinsan ko.

In short nandito lahat ang pamilya naming magkakaibigan. Ang tanong bakit?

"A-ano pong meron?" Naguguluhang tanong ko

"Maupo ka muna," si Mama ang sumagot.

Sumunod naman ako. Umupo ako sa gitna nila Mama at Tito Jordan.

Nakaupo si Daddy sa tabi nila Heather.

My blood boil just saying her name. Ano kaba louise! Kapatid mo siya! Tsaka hindi niya kasalanan na siya ang gusto ni Mark!

"Ako ang tatay niyong lahat," biglang nagsalita si Daddy.

Napatitig naman ang lahat sakanya.

"Anong ibig sabihin mo dad?" ako.

"I'm sorry, I mean sila Lisa na ang mag sasabi." Sagot ni daddy.

Napatingin naman kami kay Mama. Inis siyang tumingin kay Daddy bago tumingin samin.

"Paano ko ba to uumpisahan?" bulong ni Mama sa sarili niya.

"Ako na ang mag ku-kwento," prisinta ni Tita Weng. "Dati kaming magkakaibigan nila Lisa, Cherry, Marri (Nanay ni Izze), Sheena (Nanay nila Heather at Feather). College kami ng makilala namin si Kiel. May gusto siya kay Lisa una palang pero may gusto na si Lisa kay Jordan. Lumipas ang taonmay komikasyon parin kami kay Kiel nag karoon na ng dalawang anak si Marri sina Christian at Vincent ng may nangyari sakanilang dalawa ni Kiel at si Izze ang nabup doon," ibigsabihin kapatid ko rin si Izze? "Sinekreto namin yon. Pagtapos non ay nag karoonna din ako ng anak si Roi ng may namagitan samin ni Kiel ng magkagiwalay kami ni Sherman kaya nabuo din si Allyson," Kapatid din namin siya? "Pero hindi rin kami nagtagal kaya naghiwalay kami at bumalik naman si Sherman at tinuring na tunay na anak si Allyson. Nabalitaan nalang namin na nagkaanak din siya kay Cherry, si Summer. Sumunod non ay nagkita sila Lisa at Kiel dahil sa reunion at doon na rape si Lisa dun din nabuo si Louise. Ilang buwan palang ang nakalipas nagkaroon siya ng kambal na anak kay Sheena sila Heather at Feather." pagtatapos niya.

Ramdam ko ang pangingilid ng mga luha sa mga mata ko.

Sa isang araw na to parang taon ang nagdaan sa dami ng inpormasyon. Magkakapatid kami.

Katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Siguro lahat kami nagulat. Kitang kita kung paano lumuha si Summer habang nakatingin ng nasama kay Daddy. Mag katapat lang kami kaya kitang kita ko.

"This can't be," nagsalita si Summer.

"Anong ibig mong sabihin?" Ako.

Naiinis ako sakanya. Bakit ganyan siya? Ayaw niya bang maging kapatid kami?

"Ayaw kong nag karoonng tatay na rapist! Kadiri! Nakakahiya ka! Anlakas mo pang magpakita dito! Hindi ko kailangan ng tatay na katulad mong ra---" hindi ko na siya pinatapos dahil tumayo ako at sinampal siya.

Gulat naman siyang tumingin sakin. "Pagsalitaan mo na ang lahat wag lang ang tatay ko, naten." madiin na sabi ko.

Inalis niya ang pagkakahawak noya sa pisngi niya na nasampal ko.

"Ha!" Pekeng tawa niya. "At talagang pinagtatanggol mo pa siya? Siya nga yung dahilan kung bakit na rape si Tita Lisa! Tapos ano? Yung mga nanay namin pinagsabay sabay niya! Una si Izze ano? Tapos tumigil siya ng isang taon siguro? Tapos ano buwan lang ang pagitan nating iba? Nakadiri!" sigaw niya at lumabas.

Dahil sa inis ko sinundan ko siya at hinila sa pulso.

"Ano bang nangyayari sayo?! Eto na nga ditba hindi nalang tayo bestfriends mag sisters pa tayo?" nagsimula na akong umiyak. "Eto yung gusto natin diba? Yung makita natin yung tatay natin? Eto na yun oh. Nakita na natin." Dagdag ko.

Hindi na siya nagsalita at iniwan ako dun habang umiiyak. Napaluhod na lang ako sa sobrang iyak. Anong bang nangyayari sakanya?

"Louise! Si Daddy! Tumawag ka ng ambulansiya!" napalingon agad ako sa tumawag sakin.

At doon nakita ko si Daddy buhat ng mga pinsan ko at walang malay.

Sa sobrang taranta ko napatakbo ako sa isa sa nga staff at nagpatawag ng tulong.

"Anong nangyari!?!" tarantang tanong ko ng makarating kami ng hospital.

"Bigla nalang nawalan ng nalay si Tito. Ewan ko bakit." si Kuya Ace.

Hindi na ako nagsalita ng nakarating na din sila mama at Tito Jordan. Nagtaka ako ng hindi nila kasama ang iba pa. Siguro nagpaiwan na lang.

Nangmakalapit sila sakin laking gulat ko ng hinawakan ako ni Tito Jordan sa kanang braso ko sakto lang ang pagkawak noya para masaktan ang medyo gumagaling na tahi ko. Hunawak din si Kuya Ace sa kaliwang braso ko.

Ang mas kinagulat ko ng hilain nila akong dalawa paalis.

"Bitiwan niyo ko! San niyo ko dadalhin tito?! Kuya Ace! Kailangan ako ni Daddy! Bitiwan niyo ko!" nagsimula na akong umiyak habang nagpupumiglas.

Si mama ang nasa unahan namin. Napapatingin lahat ng tao sa ospital saamin. Dahil ata sa pagpupumiglas ko kaya naagaw namin ang atensyion nila.

Pero ni isa sa mga tumingin ay hindi ako tinulungan.

"Tulong! Tulungan niyo ako!!!" nagsisigaw ako pero hindi nila ako pinapansin.

Yung mga tingin nila parang awang awa. Hanggang sa makarating kami sa sasakyan. Wala rin sila Allyson.

Pinag gitnaan ako ni Mama at Tito Jordan.

"Sorry Louise," paalam ni Kuya Ace bago magsara ang pinto.

Napahagulgul nalang ako sa loob ng magsimulang umandar ang sasakyan. Alam kong hindi ito papuntang hotel. Paalis na kami.

"Lisa nagdudugo ang sugat ni Louise!" si Tito Jordan.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now