Chapter 9

9 4 0
                                    

Linggo ngayon kaya walang practice ng graduation. Sa April 6 ang graduation namin. April 3 naman yung mag moving up. April 1 palang naman ngayon. Tsaka bukas may sleepover kami kila Summer. One week din yun.

Nag bukas muna ako ng messenger para maichat sila.

Sisters 💕

AsdfLOUISEghjkl (Ako): Woyy! Ano na bukas?
      Seen by Asawa ni Taehyung💕 (Si Heather)

Asawa ni Taehyung💕: Tuloy parin naman. Asan ba si Summer?

Sorry you can't reply to this conversation. Learn more. (Si Summer): Tuloy mga te! Punta na kayo dito mamayang 5. Punta tayong grocery para bumili ng mga gusto natin!

AsdfLOUISEghjkl: Sige sige. Maya nalang handa ko lang gamit ko. Sabihan niyo na din sila Allyson!

Sorry you can't reply to this conversation. Learn more: Sige.

Katulad nga nung paalam ko hinanda na ko yung mga damit ko. Mga isang maleta ata dala ko? Hinanda ko rin yung mga lotion ko at yung mga abubut ko pa. Mukha akong maglalayas.

Piling ko kulang pa yung damit ko. Syempre pantulog ko. Tsaka yung pambahay. Tapos yung pangalis pa. Kastress talaga maki sleepover. Second time ko palang ata maki sleepover? Kasi nung una kila Allyson. Three days lang naman. Kaya keri ko pa. Pero ngayon one week? Hays.

Nung nag tanghali dumating na si mama. Kaya nasabi ko na ngayon na yung alis ko kasi mamimili pa kami. Okay naman. Tiningnan niya pa yung mga dala ko kung sakto ba o kulang. Dami niya pang pinadagdag. Kaya ayoko nakiki sleepover e. OA ni mama! Pinadala niya rin sakin yung favorite pillow ko para daw hindi ako mahirap makatulog. Lagi ko kasi yun niyayakap para makatulog. Pag wala yun? Naku hindi ako makakatulog.

Nung mga 4 na naligo nalang ako. Ang suot ko ay black t-shirt at pantalon na tinupi ko ng kaunti at white Adidas. Simple. Mag commute lang kasi ako. Trip ko lang.

Bumuba na ako dala ang maleta ko. May dala rin akong sling bag. Nakalagay lahat ng importante don.

"Louise! Bat ka lalayas? Wag mo kaming iwan. Pwede pa namam natin tong pagusapan! Bakit kailangayon humantong sa ganito. Bakit?!" Si te Lauren.

Ano nanaman kaya nahithit nito? "Ewan ko sayo te Lauren! Makikisleepover lang ako kila Summer! Ang OA nito!" Natatawa kong sabi.

"Ay kala ko lalayas kana e" umayos siya ng pagkakaupo "Ingat ka ha?"

"Sige. Asan si mama?" Tanong ko nalang.

"Nasa kwarto niya. Baka tulog na yun pagod e" sagot niya.

"Ahhh. Sige pakisabi nalang umalis na ako. Mag text nalang kamo ako" sabi ko at umalis na.

Paglabas ko ng gate ay tumingin muna ako sa bahay. Feeling ko umalis ako kasi lilipat na kami sa apartment namin! Hahahaha.

Dahil subdivision to. Naghanap muna ako ng masasakyan hangang sa gate. Sakto naman nakita ko si mang toni!

"Mang toni!" Tawag ko sa trycicle driver.

Medyo close ko na siya. Tumigil sa harap ko "Oh Louise. Lalayas ka?!" Takang tanong niya.

"Naku! Hindi po. May sleepover lang po kami nung mga kaibigan ko"

"Ah ganon ba. Sakay kana" sumakay naman ako.

"Bat dika nalang nagpahatid sa mama mo?" Tanong niya habang nabiyahe papuntang gate.

"Pagod po kasi yun. Kanina nga po pinipilit na ihatid niya na ako kaso sabi ko wag nalang para makapag pahinga in siya" sagot ko.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now