Chapter 36

12 2 1
                                    

SUMMER POV

"Drink this," si Brian kakarating niya lang. "Your ten minutes late. You should drink this 1 in the afternoon!" Inis na sabi niya.

Siya na ang naglagay ng tubig sa baso ni Louise at siya na din ang kumuha sa lalagyan nito pati pag subo ng gamot siya na din.

Hindi ko alam kung ano ang iniinom ni Louise. Dahil nakalagay lang ito sa lalagyan. May sticky note pa na na kalagay ang oras na dapat iinomin nito.

"Anong gamot yan? At para saan?" Seryosong tanong ni Daddy.

Nagsimula naman akong kabahan. May sakit si Louise.

Tumingin lang sakanya si Louise at walang sinabi pati narin si Brian.

"Stop eating sweets too," seryosong sabi ni Brian ng akmang susubo na ulit si Louise ng ice cream.

"Remember, to much sweets is bad for you." Si Brian.

Parang kanina lang ang saya saya nila. Pero ng maalala ni Brian ang tungkol sa gamot ni Louise bigla nalang siyang naging seryoso.

Natapos na ang lahat kumain ng tahimik padin.

Si Louise naman nakayuko lang at tahimik.

Mukhang napakalaki ng nagawa niya para maging ganyan siya ka guilty.

Ano ba kasi yung gamot na yun.

"Huy," sabi ko kay Louise ng makalapit ako sakanya. "Dadaanan ka na lang namin ha?" Ako.

Tumango tango lang siya at pumasok na sa kwarto nila Brian.

Si Brian din tahimik lang at napaka seryoso. Sobrang hawig niya talaga si Zayn. Grabe sa gwapo.

Mga hapon na at naka tulog si Heather siguro dahil sa pagod na din. Dahil minadali niya ang pagtapos ng mga papeles niya kahapon para wala ng sagabal ngayon.

Ayos na yon para hindi niya malaman ang hinahanda namin para sakanya.

Lumabas na kami at dinaanan ko muna si Louise. Nauna na sila sa baba.

"Louise? Louise?" Ako habang kumakatok.

Bumukas naman agad ang pinto. Naka dress ulit siya. Ganun parin ang style pero iba naman ang kulay. Yellow na. Pero ang kinaibahan lang hindi na palda ang kapareha nito parang naging square pants naman.

"Isama mo na din si Brian dahil may paguusapan tayong lahat." Nakangiting sabi ko.

"Okay." Matamlay niyang sabi at pumasok ulit.

Paglabas niya ay kasama niya na si Brian na top less.

Napangiti ako kitang kita ko kase kung gaano na namumula si Louise.

G9 palang kami alam ko ng weakness ni Louise yang V line na yan. Never siyang na attract sa mga abs lang. Pero oag may V line super attract siya. Kahit ako din naman pero na ko-control ko pa naman.

Nang makababa kami. Kumpleto na ang lahat. Andun na si Mark, Jack, Daddy, Feather, Allyson, Izze, Ako, Si Louise at Brian at ang mga kaibigan ni Mark.

Pinag-usapan na namin ang lahat. Naayos na din ang dapat ayusin. Ginagawa palang namin naiiyak na ako sa tuwa eh.

Binigay nadinnamin ang mga dapat na susuotin mamaya.

LOUISE POV

Tapos na kami sa paghahanda at bumalik na sa mga kwarto namin. Maya maya lang ay bumaba kaming lahat para kumain naman ng dinner. Konting oras nalang ay magaganap na ang pinaka ayokong makita.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now