Chapter 4

12 4 0
                                    

LOUISE POV

"Oy sino yun te bat ganun kapogi?!" Kinikilig na tanong ni Summer. "Sana pagnadapa din ako ganun ka pogi den"

Malanding babae to! Aagawan pa si Heather. Kakalis lang ni kuyang pogi e nagtanong na agad.

"Diko nga din alam yung pangalan e. Pero kay Heather yun!" Sinabi ko na agad para naman malaman niya bago maagawan tong si Heather.

"At paano naging sakanya?" Kunot noong tanong ni Summer.

Ayun naikwento ko kay Summer lahat ng nangyari kung paano namin siya nahanap at anong connect nun sa pagpunta ko dito sa clinic.

"Grabe" Yan lang ang nasabi niya.

"Naku Heather sa wakas nakakita na tayo ng para sayo!" Masayang sabi ni Allyson "So anong plan?"

"Saglit lang halika dito Heather" Sabi ko.

Kala niya nakalimutan ko yung sugat ko? Puwes hindi. OA na kung OA ayaw kolang talaga sa mga peklat.

Saktong paglapit nga piningot ko siya napapatingkayad siya sa sakit "Ano sakit diba? Ganyan kasakit yung ginawa mo sa tuhod ko"

Binitawan ko na yung tenga niya pagtapos kong magsalita tawa naman ng tawa sila Izze.

"That's my girl" Sabi pa sakin ni Izze.

"Ansakit naman nun Louise!" Reklamo ni Heather.

"Masakit? Gusto mo pa?"

"Ewan ko sayo!" Sabi niya at pabirong umirap.

"Ano na yung plano?" Tanong ulit ni Allyson.

"Pwede uwi muna tayo at dun nalang magusap sa bahay namin?" Sabi ko naman.

"Sige na tara" Sabi ni Allyson.

"Wait. Ano palang nangyari kanina habang tulog ako? May nagalit bang teacher sakin Heather?" Tarantang tanong ko.

Mamaya hindi pa ako maka-graduate nito e!

"Wala namang nagalit sayo. Excuse ka sa mga natirang subjects natin" Sagot ni Heather.

Napabuntong hininga nalang ako. Salamat naman.

~~~

3 days

"Nga pala bukas na last day of school na. Kamusta naman yung ipon natin dun sa mga mura natin?" Tanong ni Allyson.

Andito na kami ngayon sa bahay. Siguro nasa 5k+ nayun sinimulan namin yung nung pasukan eh tapos 20 pa kada mura.

"Last na bilang ko nasa 9,460" Sagot ni Heather "Wala nanamang nadagdag kaya yun parin yung bilang"

"Wow grabe anlake naman! Akala ko nasa 5k+ lang yan" Mangha kong sabi.

"Last day na parang last day nalang din natin makakasama sa school si Izze. Hindi na araw araw baka pag nagpasukan na ulit di na natin siya kasama" Malungkot na sabi ni Summer.

"Kainis ka naman Summer eh! Nakalimutan ko na pinaalala mo pa" Sabi ko.

"Oyy ano ba kayo andito pa ako huy! Mga first week bago pa naman mag pasukan ako aalis eh! Grabe kayo" Si Izze.

Sa ibang bansa kase mag-aaral si Izze. Matagal niya nang sinabi samin to pero di parin talaga kami ready. Siya lang yung hindi namin kasama mag apartment. Nakakalungkot kasi wala nakaming makakasamang bipolar.

"Paano na yan wala kami dito sa summer eh di hindi tayo makakapag bonding" Malungkot kong sabi.

Kainis naman eh. Mamismiss ko talaga tong si izze ahhh naiiyak ako.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now