Chapter 8

8 4 0
                                    

LOUISE POV

Pagkabalik nila jack at heather nag-aya na akong umuwi late na din kasi.

Ewan ko nga dun kay jack eh. Parang anlaki ng galit sa mundo. Kulang nalang sabihin niya na ayaw niya na sa earth!

Nung nakauwi na kami. Sinalubong naman ako ni mother ng mala gloc 9. Bat daw ngayon lang ako. San daw ba ako galing. Naku ma! Malaki na ako!

Natulog nalang agad ako. Diko na sinilip yung mga alaga ko aba pagod na ako e.

~~~

Nagising ako ng mga 10 ng umaga. Syempre pagod ako kagabi tapos sinalubong pa ako ni gloc 9.

Naligo na ako at bumaba na para nag almusal. Ako nalang ang hindi pa kumakain. Si Lorence ayun nag lalaro na sa sala. Grade 7 na yan sa pasukan. 12 na sa August 17. Si te Lara naman panigurado nag aaral yun. 4rth year college na si te lara ABM yung course niya. Mag 21 na siya sa October 12. Naabutan pa kasi siya ng Kto12 kaya 4rth year college palang siya na dapat ay graduate na. Si te Lauren naman 1st year college na ngayon. Pag nag pasukan 2nd year college na siya. 19 na siya sa August 19. Wanna know about me? Hahahaha.

At ako si Anne Louise C. Kim 1st year college sa pasukan! Turning 18 on October 23. At imbitado kayo sa debu ko! Hahahaha.

Si mama wala yun nasa trabaho. Pero tuwing linggo halftime lang siya. Yung business nila mama at tita Cherry (mommy ni summer). Yap! Partners sila!. Si tito Jordan (Stepfather ko) naman nasa business trip. Mga tatlong araw pa yung balik niya.

Ayan nasabi ko na kung anong pinagkakaabalahan nila ngayon. Hahaha.

Sa aming mag kakapatid ako lang yung naiibang tatay. Na rape daw si mama isang taon matapos niyang ipanganak si te Lauren. Dun ako nabuo. Dapat nga daw ipapalaglag ako ni mama. Kaso pinigilan siya ni tito Jordan, Wala naman daw akong kasalan. Totoo naman.

Buti nga naging kamukha ko si mama. Panget daw kasi yung tatay ko sabi ni mama. Ang itim dawwww.

Surname ni tito Jordan yung dinala ko. Half korean at filipina si mama. Si tito Jordan koreano. Dito sila ikinasal sa pilipinas.

My mom's name is Lisa M. Cantilado. M is for Min. Yung mother kasi ni mama korean tapos yung tatay niya pilipino. Kaya ang aking pangalan ay Anne Louise C. Kim.

Sabi ni mama black american daw yung ng rape sakanya. Tinanong ko kung napakulong ba nila sabi naman ni mama oo daw kaso nakalaya kasi mayaman daw. Super. Ni isang litrato ng tatay ko wala akong nakita. Kahit mukha man lang niya gusto kong makita. Tatay ko parin yun.

Nung nagkaroon na ako ng isip dun na sinabi sakin ni tito Jordan. Pinaintindi niya sakin lahat. Syempre dati diko masiyadong tanggap. Dahil nabuo lang ako dahil doon. Pero ayos kasi nag karoon ako ng Stepfather na katulad ni tito Jordan. Sobrang bait niya lahat na ng mahahanap mong ugali ng tatay na sakanya na. Kaya nga thankful ako kasi tinanggap niya parin ako.

Si Summer Park. Panganay siya sakanilang tatlong magkakapatid. Pagkapanganak sakanya ni tita Cherry inawan naman sila nung tatay niya. Nung nakapag asawa ulit nagkaroon naman ng dalawa pang anak. Pero hinawalayan din di kalaunan. Di niya din nakita yung tatay niya. Just same sakin. Dala niyang surname sa nanay niya. Sa dalawang kapatid niya dun sa mga tatay nila na Arsenio. Korean din siya. Pero wala siyang alam ni isang katangian nung tatay niya o kung tagasaan man. Ayaw kasing mag kwento ni tita Cherry.

Si Heather Caryl Lopez at Feather Caress Lopez. Silang kambal lang. Wala ng ibang kapatid (Dipa sure baka may iba na tatay niya eh. Katulad nung nakita namin sa mcdo). Yung mama nila namatay na. Dahil don naiwan sila sa tatay nila kaso binigay naman sila nung tatay dun sa tita nila (Kapatid ng nanay). May kinakasama na kasing iba yung tatay niya. Pilipina yung nanay niya yung tatay black american din. Naiingit nga ako sakanya eh kasi buti pa siya nakita niya yung tatay niya e kami? Hindi. Kahit sa picture lang. Wala padin.

Si Jhancey Allyson Dee. A half Chinese girl not so sure. Hahaha. Dalawang silang magkakapatid. Si kuya Roi yung kuya niya. Medyo close din namin. Chinese si tita Weng mama ni Allyson. Magkaiba sila ng tatay na magkapatid. Si kuya Roi si tito Sherman. Nung naipanganak si kuya Roi iniwan sila ni tito Sherman. Si Allyson din ganun. Kaso nung 2 years old na si Allyson nagkabalikan si Tita Weng at Tito Sherman. Kaya ayun ang dalang surname ni kuya roi yung kay tito Sherman na Pakingan. Si allyson yung kay Tita Weng ang dala. Same to me and summer, Hindi niya alam kung sino yung tatay niya. Buti nga ako alam kong black american si papa.

Si Izze Kasumi. Japanese. Patay na din yung mama dahil sa katandaan. May dalawang kuya. Isang pulis si kuya Christian, May asawa't anak na. Si kuya Vincent naman may problema sa pandinig. Parang si Kuya Christian na yung tumatayong nanay at tatay sakanila. Japanese yung nanay niya. Yung tatay nila magkakaiba sila kuya Christian at kuya Vincent same farher at yun yung kasama nila ngayon kasi minsan lang umuuwi. Si Izze naman dimalaman kung sino tatay. Yung tatay lang nila kuya Christian ang nakakaalm ayaw pang sabihin. Binilin daw kasi kasi yun nung nanay ni Izze sakanya.

Funny. All of us walang tatay? Grabe. Kaya siguro kami pinagtagpo tagpo kasi meant to be kaming maging magkakaibigan.

Naalala ko nung elementary palang ako. Family day kailangang magdala ng mga magulang. Kasama ko nun si mama at tito Jordan. Dapat masaya kami nun kasi andami naming pweding salihang activities. Kaso nung makita ko yung mga classmate's ko na complete family sila. Complete din naman kami e. Alam kong totoong tatay nila yung mga kasama nila nun. Kaya umiyak ako nun. Hirap na hirap pa nga sila mama patahanin ako eh. Umuwi nalang kami agad.

Ang hirap kaya ng walang tatay. Kaso yung hirap na yun nawala ng dahil kay tito Jordan. Sana talaga siya nalang yung naging tunay kong tatay.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now