Chapter 22

10 0 0
                                    

LOUISE POV

Matapos mag pahinga ay nakiligo narin ako. At dahil madilim na ay hindi na kami pwedeng lumayo.

Andito lang ako nakaupo ang mga paa ay nababasa dahil naabot ng tubig ang mga paa ko. Hindi ata ako magsasawa sa tawing to.

Ang mga kasama ko ay yun lumalangoy. Nagpahinga lang ako saglit dito parang bumigat ang katawan ko.

Maya maya lang din ay gumawa din ako sakanila. Lumapit ako sakanila, ng makalapit ay hanggang balikat ko ang tubig.

"Ang lamig," ako.

"Gumagabi na. Matulog na tayo" yaya ni Kuya Janjan.

"Kakadating ko lang eh! Maya maya konti" ako.

Hindi nanaman siya sumagot. Maya maya lang ay sumisid sila at ako eto dina makagalaw sa lamig.

"Anank ng pusit!" Sigaw ko ng may humawak sa paa ko.

Bigla namang tumaas si Mark at tawang tawang tumitig sakin.

"Bakit mo ko ginulat?!" Inis na sabi ko sakanya at hinampas siya sa braso.

Hindi naman siya nakapagsalita dahil sa tawa niya. At dahil nagulat ako kanina ay inalala ko ang mga pangyayari at kusa akong natawa! Nakakatawa ang itsura ko nun panigurado!

"Tumigil kana," saway ko ng hindi ito mahinto sa pagtawa.

Pero hindi parin siya tumigil. Tinitigan ko lang siya habang tumawa tawa at don ko lang at napansin na sobrang siyang gumagwapo kapag tumatawa. Sa isip ko ay parang nag slow mo ang lahat. Ang pagtawa niya kung paano iyon lumilikha ng malakas niyang halakhak, ewan ko pa kung bakit parang isa iyong musika sa mga pandinig ko. Ang paghampas niya sa tubig sa sobrang niyang pagtawa pakiramdam ko ay napapangiti ako sa giginagawa niya. Ang pagkawala ng mga mata niya sa sabrang saya. At kung paano lumabas ang nagtatago niyang dimple.

"Huy!" Nagulat nalang ako nung inalog niya ako nakahawak siya sa magkabilang balikat ko.

"H-ha?" Natutulirong tanong ko.

"Sabi ko kung ayos kalang? Kanina pa kita tinatanong pero nakangit kalang jan" natatawa pang sabi niya.

"N-nakangiti?" Nahihiyang tanong ko pa.

"Oo anlaki pa nga ng ngiti mo! Kung pwede lang maabot ng ngiti mo ang langit nagawa mo na! Para kang nanalo ng jackpot!" Sagot niya pero sa sarili ko iyon tinatanong.

Sa hiya ay hindi na ako nagsalita pero ramdam kong nakangit pa din ako. Ayaw na atang umalis sa mukha ko.

"Louise! Mark! Halikayo dito! Laro tayo!" Sigaw samin ni Summer na nakaupo sa mga balikat ni Paul.

Sa tingin palang ay alam ko na ang lalaruin.

"Sisisid ako para maka akyat ka sa balikat ko" si Mark.

"W-wag na! Takot ako sa matatas!" Nagaalinlangan kong sagot.

Pag chinuchubabu ang ako naka deretso lang ang mga paa ko kasi natatakot ako sa matataas. Hindi naman sobrang takot feeling ko lang malalaglag ako.

Hindi pumayag si Mark sahalip ay sumisid na siya at tinapik pa ako sa paa dahil hindi ako kumilos. Baka malunod soya kaya sumumpa na ako. Unti unti siyang umangat ako ako eto nadudulas sa likod niya. Muntik ko pa siyang masabunutan dahil sa likot ko habang papalapit kila summer.

Lahat ng babae ay nakaupo sa mga balikat ng lalaki paglalabanin ang bawat isa ang mga babae ay mag tutulakan habang ang mga lalaki ay siyang magiging paa ng mga babae ang matutumba ay talo. ang mga pares ay sina Heather at Jack, Allyson at Kuya Ace, Izze at Kuya Janjan, Summer at Paul, Ako at Mark. Si Feather ay walang pares kaya naman taga cheer nalang namin siya.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now