Chapter 20

4 0 0
                                    

IZZE POV

"Wow" naisabi ko nung makarating kami sa Resort nila Louise.

Hindi ito ang unang beses na nakapunta kami. Pero tuwing pupunta kami, Parang itong ang kaunaunahan. Nakakamangha talaga ang ganda dito sa Resort nila.

At dahil gabi na ay hindi masiyadong enjoy ang tanawin. Pagkababa namin ng sasakyan ay sinalubong agad kami ng napakalakas na hangin.

"Nakakamiss 'tong lugar na ito" si Summer.

"Diko akalain na ganito kaganda dito" si Mark.

"Alam niyo? Dito kami lagi nung mga bata pa kaming anim. Lagi kaming gumagawa ng mga Sand castle dito na napagmumulan ng mga away namin" natatawang kwento ni Summer habang inaalala ang mga memories namin dito "Naiinggit kasi si Louise. Hindi kasi siya marunong. Lagi nalang nasisira yung kanya" dagdag pa niya.

Gusto kong matawa kasi nakatayo lang kami dito. Ayaw ba nilang pumasok? Nangangalay na ako eh!

"Good evening ma'am Louise" bati nung isang lalaking lumapit samin batid kong isa ito sa mga taga pangalaga dito "Tuloy po tayo" inilahad po nito samin ang daan.

Pumasok na kami at yung mga tauhan nalang nila Louise ang kumuha ng mga gamit namin.

Tinanong pa nito kung kumain na kami. Gabi na. Dumiretso kami sa kwarto nakalaan para samin. Habang papunta sa kwarto ay kanya kanya namang bati ang mga tauhan samin.

"Magandang gabi sainyo" bait nung isang matanda bumati din naman kami "Akala ko ay hindi na kayo makakabalik pa dito. Akalain mo nga naman! Ang lalaki niyo na ah! Ikaw nabayan Louise?" Hinawakan pa ang magkabilang pisngi niya ganun din ang ginawa samin "Izze? Ikaw bayan? Aba eh, Ang taray parin ng itsura mo! Hindi talaga kayo nagbago mga bata kayo! Sige na mauna na ako. Magpahingi kayo ng maayos" paalam niya.

Nagpaalam na din kami sakanya. Hindi namin siya matandaan.

Hiwalay ang kwarto ng boys sa girls. Bukas darating daw ang mga pinsan ni Louise sabi ni Tito Jordan. Okay lang naman sakin dahil close din naman namin sila. 4 silang pupunta bukas 3 lalaki 1 babae. Sa kawarto naming mga babae ay 3 ang kwarto at may entertainment din. Dalawa dalawa sa iisang kwarto pero sa isang kwarto ay kailangan tatlo dahil pagdating nung mga pinsan ni Louise ay magiging pito kaming girls. Ganun din daw sa mga boys, pero magiging 5 lang sila sa pagdating nung magpipinsan bukas. Kaya yung isa ay pwedeng magsolo.

Nagsiligo na muna kami bago bumaba at tumambay sa harap ng dagat. Nakakarelax talaga kapag ganito.

Kahit gabi ay maganda parin ang tanawin. Dahil sa mga kubong nakatayo malapit sa hotel, Ay napapalibutan ng kulay dilaw na ilaw. Ang simple pero maganda tignan. May mga nagkalat namang mga flags na ibat iba ang mga kulay. Dahil sa lakas ng hangin ay sayaw iyon ng sayaw. Madami pang mga nilagay na arte para mapaganda ito. Pero ang pinaka maganda ay kapag tumingin ka sa dulo ng dagat makikita mo ang mga ilaw na nagmumula sa siudad. Ang liit tignan pero maganda.

"Grabe, matapos ang mga paghihirap natin sa Kto12 nayan. Makakapagpahingi rin!" Si Louise nahiga pa sa telang inilatag doon para saamin.

"Ang sabi natin kay ma'am aya ay katapusan ng buwan tayo magsisimula magtrabaho. Kaya may ilang araw pa tayo para magrelax" ako.

"Nga pala, Diba aalis kanarin first week before pasukan? Bakit magtratrabaho kapa?" Tanong ni Feather.

"Wala lang. Para may karanasan ako. Kung hindi ako magtratrabaho ay mababagot lang ako sa apartment" sagot ko.

"Sasama kadin sa apartment?" Takang tanong niya.

"Oo. Nagpaalam na ako kila kuya tungkol don. Ikaw bat hindi kapala sumama nung nag apply kami?" Tanong ko kay Feather.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now