Chapter 40

6 2 0
                                    

SUMMER POV

Nagdaan na ang ilang linggo. Napagusapan naming ipagamot si Louise sa isang Psychiatrist. Every week, tatlong araw kaming pumunta doon.

Si Daddy din ay ipinagpatuloy na ang pag chemotherapy.

Naniniwala naman ako na mapapagaling ng mga Psychiatrist si Louise, pero habang tumatagal siya parang lalo siyang nagiging malala.

Palagi na siyang natutulala. Bilang na din ang mga salitang sinasabi niya.

Pakiramdam ko tuloy, sana hindi na namin siya dinala doon. Sana kami nalang ang nag alaga sakanya.

Nag research ako kung paano mapapagaling ang mga may depression, ang mga lumabas ay; mas mahalaga daw na makasama nito ang kanyang pamilya para ma feel niyang hindi siya nag iisa na may nagmamahal pa sakanya.

Minsan pa nga namamasyal kaming lahat. Minsan wala si Daddy, kasi naka schedule siyang mag pa chemotherapy.

I miss them. I miss the old them. Yung dating Louise na abnormal, hindi yung tahimik. Yung dating daddy na masigla, malusog, hindi yung matamlay at payat.

Tuwing iiyak ako wala ng lumalabas. Baka pag pinilit ko dugo na ang maging luha ko.

Gusto kong umiyak para mailabas lahat. Suko na ako, eh. Pero pag nakikita ko sila lumalakas ako.

Kasi naiisip kong sila nga hindi sumusuko, eh. Ako pa bang nagbibigay lang ng suporta sakanila?

One year past, Si Heather at Mark ay kasal na. Ilamg taon na kaming lahat.

Nag celebrate kami ng birthday na puro iyak walang saya puro lungkot.

Hindi nanamkn pinagpatuloy ang therapy ni Louise. Kami nalang ang nagaalaga sakanya. Binigyan din kami ng dapat inumin na gamot ni Louise para mapabilis ang paggaling niya.

Si daddy? I don't how to explain this. Sobrang payat niya na. Kung nung nakaraan payat na siya ngayon sobrang payat na. Maghapon na siyang na kahiga. Hirap ng tumayo. Hirap na ding magsalita. Pero sabi ng doctor epekto lang daw yun ng chemo.

~~~

"Hoo! Hoo! Ahhh!! Uhmmm!!!" Sigaw ni Heather.

"Sige, iire mo pa ma'am. Malapit na!" Sabi ng doktor.

Npahigpit ang kapit ni Heather saakin.

"Kaya mo yan," bulong ko.

Andito kami ngayon sa hospital dahil ngayon nanganganak si Heather.

Yes, Heather is pregnant.

"Ahhhh!! Asan na ba si MARK!!!! Ahhhh!!!" Sigaw ni Heather.

"E-ewan ko. Tinatawagan na yun nila Allyson." Natatarantang sagot ko.

Its already 3:40 in the morning. Nagulat nalang kami kanina at sumisigaw si Heather, kaya nataranta kami at dumiretso na dito sa Hospital.

Si Mark naman hindi malaman kung nasaan. Kasabay namin siyang pumunta dito kanina.

"Ire lang po ma'am, malapit nang lumabas si Baby." Doktor.

"Ahhhhh! Lagot ka saakin Mark!!!! Ayoko naaaaa!! Ahhhhhh! Arayyyyyyy! Babyyyyy! Labas na!!!!!" Paulit ulit na sigaw ni Heather.

And after a few minutes we hear a baby crying.

Its 3:50 in the morning. December 25, 2027. Manganganak si Heather sa kalagitnaan ng pag c-celebrate namin.

This child is a gift to us by Jesus.

Nanghihinang napangiti si Heather at nakatulog agad dahil sa pagod.

Si baby naman ayun nilinisan muna. Lahat naman kaming pamilya iniwan muna si Heather at sumama kung saan dadalhin ang baby.

"Grabe kamukha ni, Louise." natatawang sabi ni Allyson.

"Paano hindi magiging kamukha, eh, dun naglihi ang nanay." Sagot ko.

Totoong pinaglihian ni Heather si Louise. Grabe pa nga ang pang-gigigil ni Heather kay Louise nun.

Napatingin si Allyson sa hawak niyang cellphone ng makitang tumatawag si Izze.

"Si Izze nagv-video call," si Allyson.

Sinagot niya naman yun.

"Oh, asan kana! Antagal tagal mo! Nakalabas na yung Baby!" Bulyaw ni Allyson kay Izze.

Kitang kita sa background ni Izze ang mga tao sa Airport. Nasa ibang bansa siya for our business. Yup, OUR business. We officially build our Building for our business called 'DREAM'S'. Each letters have meaning to us.

"Sorry naman! Na delayed lang yung flight ko. Kung hindi lang na delayed baka gabi palang andyan na ako!" Ngumuso pa si Izze. "Atsaka hindi ako nakipag video call para makita kayo! Gusto ko makita yung baby!"

Tinapat naman ni Allyson ang camera kay Baby.

"Hala! Kamukha ni Louise!" Sigaw ni Izze.

"Ano pa! Buti nalang at hindi mukhang mataray!" Ako.

"Buti nalang kamo hindi nananapak!" Si Allyson.

"Hindi na nananapak si Louise." Seryosong sabi ni Izze.

Si Allyson naman ay ibinalik samin ang camera.

"Hindi na siya dati diba?" Dagdag pa niya.

"Tama ka," malungkot na sabi ko.

Nagiging madaldal na naman ulit si Louise. Pero parang hindi pa rin siya. Kung dati lahat ng words na sasabihin niya bilang mo, pero ngayon lagpas ng daliri ang mga salitang sinasabi niya.

Hindi na 'Sige' 'K' 'Uhm'.

Its like she is new version of Louise. Smiling but not showing she's real feeling. Hindi na siya marunong mag show ng feelings. Kapag malunglot hindi siya nagpapahalata. Pag masaya hindi nagpapahalata. Kapag natatakot hindi nagpapahalata.

We don't know what do.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now