Chapter 11

10 2 2
                                    

Bali walo kami ngayon sa sasakyan. Buti nalang van to. Limang line ang meron kay dalwa dalawa nalang ginawa namin. Para naman walang siksikan. Si Izze ay nakaupo sa passenger seat pwede naman tatlo sila dun sa harap kaso ayaw niya daw ng may katabi. Sa pangalawang line naman ay si Heather at Jack. Hehehe ako talaga nagtabi sakanilang dalawa. Sa pangatlong line ay ako sympre gusto ko sa may bintana at ito namang si Mark tumabi sakin. Kinikilig ako hehehe. Si Summer at Allyson naman sa pang apat na line.

At ayun nga dumiretso kaming manila at dahil taga Tanza kami. Umabot ng oras yung byahe. At kung sususwertihin naabutan pa kami ng traffic. Tanghali na kaya medyo traffic. Sana pala maaga nalang kami umalis para sana ngayon nag hahanap nalang kami.

Nilingon ko sila Summer at Allyson pero nakatulog na. Pati sila Heather ay sinilip ko pero busy silang dalawa kakausap ni jack e. Si Izze naman nag c-cellphone. Eto namang si Mark antahimik. Lalagnatin na ata ako sa tahimik ko. Eto naman kasi si Summer natulog pa e. Alam naman kaming dalawa lang maingay dito.

"Manong wala po bang ibang daan? Nagugutom napo kasi ako e. Hehe" tanong ko kay manong.

"Meron po ma'am kaso dina tayo makakalis dito e sobrang sikip ng mga daan" paliwanag niya "Ayun ma'am mcdo! Pwede tayong mag drive thru. Kung gusto niyo ma'am" sabi niya habang nakaturo dun sa mcdo.

"Sige po manong. Kayo nalang po umorder basta po madami. Kinakain naman namin lahat e. Tsaka manong pakidagdag po yung fries at sundae ko!"

"Sige ma'am"

"Nakay Izze po yung pera!" Pahabol ko.

"Grabe talaga" si Izze.

"Nasayo naman talaga e. hehehe"

Umupo na ako atsaka pinagmasdan ang mga sasakyan. Halos hindi na umaandar. Napatingin ako kay mark. Seryoso pa din.

"Huy!" Uga ko sakanya.

"H-ha bakit?" Tanong niya.

"Kanina ka pa jan tahimik. Ayos ka lang?"

"Actually hindi" malungkot na sabi niya.

"Bakit? Anong nangyari sayo? Nababakla kana ba kay Jack?" Natatwa kong sabi. Pero di manlang siya natawa tinitgan niya lang ako.

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita "Si dad kasi pangalawag beses ng inatake kahapon" malungkot noyang sabi.

Naawa naman ako sakanya "Bat sumama kapa? Dapat inalagaan mo nalang yung papa mo"

"Ayokong makita sila mom na umiiyak kayo sumama nalang ako. Naka confine ngayon si dad. Baka daw atakihin daw siya ulit sabi nung mga doctor. Siguro dahil daw yun sa init"

Tango tango nalang yung nasagot ko sakanya. Wala akong masagot e.

Naramdaman kong tunigil yung sasakyan kaya panigurado umuorder na si manong kaya naman tumingin ukit ako kay mark. Seryoso padin.

"Nagaalala ka parin ba?"

"Diko maiwasan e" sabi niya at bahagyang tumingin sakin at pilit na ngumiti.

"Okay lang yan gagaling din yung daddy mo" nginitian ko siya

"Salamat"

"Nga pala ilan kayong magkakapatid?" Tanong ko para maiba naman.

"Only child ako. Ayaw daw kasi ni mama ng may mga nag seselos kaya isa nalang daw"

"Buti di ka nalulungkot?" Nakakalungkot naman talaga ng walang kapatid e.

"Nalungkot pero ayos na din kasi ramdan na ramdan ko yung pagmamahal sakin nila mommy at daddy. Tsaka marami naman akong pinsan na parang mga kapatid ko narin" sagot niya "Kayo ilan kayong magkakapatid?"

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now