Chapter 5

16 4 0
                                    

LOUISE POV

Nagising akong namamaga ang mga mata dahil sa kakaiyak kagabi. Mawawala din naman agad to pagtapos kong maligo.

Pagtayo ko ay naligo namuna ako at nagbihis ng uniform at nagayos na para kakain nalang ako.

Bumaba na ako dala ang school bag ko.

"Goodmorning babygirl ko!" Bati ni mama sakin at kiniss ako sa pisngi.

"Goodmorning din ma" Bati ko din.

"Kumain kana bago kapa mahuli sa school mo" sabi ni mama.

Dumiretso na ako sa kusina at nakitang may naka handa ng pancakes at gatas.

Kumain nalang ako at naghanda na para makaalis.

Hinatid na ako ni mama sa school at nakapagpaalam nadin ako tungkol dun sa sleepover namin kila Summer. Pumayag naman siya kasi alam niya naman kung saan nakatira sila Summer at may tiwala na siya sakanila.

Pagkababa ko ng sasakyan. Huminga akong malalim. Isa nanamang araw na kailangan pang harapin.

Last day of school kaya naman practice lang kami para sa graduation. Pagtapos nun magaaya agad akong umuwi katamad dito.

"AYYY PU" Sabi ko ng may bumanga saakin patagilid napatigil lang ako ng makita kung sino yun. Si kuyang pogi. "ta..."

"Sorry" Sabi niya sabay peace sign "Makamura naman"

"Sorry den nagulat lang ako" Natatawa kong sagot. Pano kinikikig nanaman ako.

"Okay. By the way I'm Jack Smith. And you're Anne Louise Cantilado Kim right?" Sabi niya.

Natawa ako ng kunti kase kinilig ako alam niya na pangalan ko. "Paano mo nalamaan ang full name ko Mr. Smith?" Ngiting aso kong tanong.

Baka matuluyan na akong mangisay nito sa kinilig. Grabe kasi ang pogi niya talaga. Yung mukha ko feel ko nagaapoy na sa kilig. Gosh baka na b-blush na ako. Nakakahiya. Tirik na tirik panaman yung araw.

"Diba nung nasa clinic tayo habang ginigising ka nung babae sinisigaw niya yung full name mo. Sakaka ulit ulit niya ayun nakabisado ko na" Simple niyang sagot.

"Ahh si Izze yung babaeng yun!" Sagot ko.

"Nakatakot yung si Izze. Kulang nalang ihampas niya sayo yung makikita niya nung antagal mong magising" Natatawa niyang sabi.

"Oo ganun talaga yun bipolar yun pero alam ko namang concern lang siya" Sagot ko.

"You're G12 student too?" Tanong niya.

"Oo. Ikaw?" Tanong ko pabalik.

"We're same. So pupunta ka nang practice?" Tanong niya.

"Yap" Sagot ko.

Baka yayain niya akong mag sabay na kaming pumunta. Baka mahimatay ulit ako. Aykenat.

"Sabay na tayo" Hindi yun tanong. Parang utos.

Grabe siya ha! Papayag naman ako kahit magtanong siya e. Sakto maipapakilala ko si Heather nito.

"May ipapakilala pala ako sayo" Pangunguna ko.

"Sino?" Tanong niya.

"Naalala mo pa ba yung kasama ko kahapon bago ako madapa at mahimatay?" Tumungo tungo naman siya "Si Heather yun"

Sana naman may naramdaman siyang spark nung nagkita sila dahil kung wala naku sayang lang tong kilig na nararamdaman ko para sakanila.

"So?" Simple niyang sabi.

Forever and ever (Completed)Where stories live. Discover now