Prologue

1.1K 20 0
                                    

Dear Mike,

You're the one that got away.

Pam

Les,

Matagal na kitang crush, sana mapansin mo na ako.

Miss Invisible Girl

Dear Red,

I love you to the moon and back. Sa akin ka na lang, pls!

From your number #1 fan.

Nakatayo si Jastinne sa isang bahagi ng Hugot Cafe habang abala sa pagbabasa ng mga post-it na nakadikit sa message wall ng cafeteria.

   Bagong pakulo ng coffee shop ang 'message wall' kung saan puwede mong isulat ang mensahe mo para sa isang tao. Habang hinihintay niya ang best friend na si Celestine ay inabala niya ang sarili sa pagbabasa sa mga mensaheng nakadikit doon.

Naaaliw siyang basahin ang mga mensaheng nakadikit doon. Halos karamihan sa mga nababasa niya ang mga love confession.

Natigil siya sa pagbabasa nang isang babae ang tumabi sa kanya. Sa gilid ng mga mata ay nakita niya ang isang post-it na idinikit nito sa pader. Bumaling siya rito.

Nagkatinginan sila ng babae. Jastinne smiled at her. Gumanti ito ng ngiti sa kanya. Subalit napansin niya na may halong lungkot ang ngiti nito.

Sinundan niya ng tingin ang papalayong babae bago ibinaling ang tingin sa post-it na idinikit nito sa ‘message wall.’

Dear I,

I love you...then and now. Even if I die, my love for you will never say goodbye.

C

How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon