“HAPPY birthday, anak,” bati kay Chas ng ina pagkatapos siya nitong ayusan.
Today was her birthday and the day of the Prom.She was wearing a midnight blue dress with a sweetheart neckline. Her hair was tied up in a bun, with loose tendrils framing her face.
Hindi nagtagal ay dumating na si Indigo. Napakaguwapo nito sa suot na black coat and tie. His hair was swept up. He looked very handsome. He was holding a bouquet of red roses.
“Happy birthday, beautiful.”
“Thank you, Indigo,” malaki ang ngiting dinala niya ang mga bulaklak sa ilong.
“Enjoy the party, anak,” wika sa kanya ng mommy niya. Bunaling ito kay Indigo. “Take take care of my daughter, Indigo.”
“I will, Tita. Makakaasa ka po.”
“You’re the most beautiful tonight.” Masuyong wika ni Indigo habang diretsong nakatingin sa kanya. He was looking at her as if he was admiring every detail of her face.
“Ikaw din. Ang guwapo mo pala kapag naka-brush up buhok mo,” puri niya rito.
“Wag na lang kaya tayong um-attend ng party?” baling sa kanya ni Indigo pagdating nila sa labas ng school.
“Ha? Bakit naman?”
“I don’t want other guys to look at you.”
Natawa siya. “Indigo, ang OA mo, ah.”
“Seriously, baby.”
Bahagya siyang natawa. “Tama na, Indigo. Kinikilig na ako.”
Sandali silang naghiwalay ni Indigo pagdating nila sa gym para pumunta sa table ng mga kaklase nila.
“Happy birthday, Chas,” bati sa kanya ng kaklaseng si Nick.“Thank you.”
“Chas, can I have a dance with you?”
Bago pa siya makasagot ay naunahan na siya ni Indigo. “Sorry, she will only dance with me tonight.”
“Indigo, seloso ka pala,” tukso niya sa binata.
Masuyo siya nitong tiningnan sa mga mata. “I’m in love with you, baby. That’s why I’m this jealous.”
Pakiramdam niya ay natunaw ang puso niya nang mga sandaling iyon. Dinala siya ni Indigo sa dance floor.
“Happy birthday, baby,” masuyong wika ng lalaki habang isinasayaw siya nito. Both of his hands were on her waist while hers were on his shoulders.“Where is my gift, Indigo?” biro niya rito.
“Baby, akala ko ba sapat nang regalo ang puso ko?” pilyong sagot nito.
Natawa siya. “Aba!”
Pagdating nila sa gitna ng ballroom ay biglang dumilim ang paligid. Nawala ang tugtog at napalitan ng nagulat ng boses ng mga estudyante.
“Nag-brown out yata,” wika niya kay Indigo.
Sa halip na huminto ay patuloy siyang isinaway ng lalaki.“We keep this love in a photograph. We make these memories for our self.”
Natigilan siya nang marinig ang malamyos na tinig nito. Ipinagpatuloy nito ang kanta.
“Happy birhtday, baby,” sambit nito pagkatapos ihinto ang pagkanta. Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa noo niya. “I…” Bumaba ang labi nito sa ilong niya. “…love...” His lips finally reached her lips. “…you,” pagtatapos nito bago puno ng pagsuyong sinakop ang mga labi niya.
Saktong paghiwalay ng mga labi nila ay saka bumalik ang ilaw.
Hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi Chas habang pauwi sila ni Indigo. Her heart was overflowing with joy. It was the best night of her life.“Thank you, Indigo,” wika niya sa nobyo pagdating nila sa tapat ng bahay nila.
“Wait. Iyong regalo ko, baby.”
BINABASA MO ANG
How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)
RomanceFlying Colors #2 ***To be Published under Precious Hearts Romances