“I'M so glad, you made time to see me...”
Mahinang pagkanta ni Chastity habang kinakalabit ang hawak na gitara. Hiniram niya ang gitara sa kapatid ni Karen na si Lucky.
Hindi pumasok ang professor niya sa isang subject, ginamit niya ang pagkakataong iyon para mag-practice para sa audition. Balak niyang mag-audition sa Montello's Got Talent.
“Nag-audition ka sa Montello's Got Talent?” tanong kay Chas nang best friend niyang si Karen.
Talent show na ginaganap tuwing ng foundation day ng Montello University ang Montello's Got Talent. Nang malaman niyang isa sa panel of judges ang apat na miyembro ng Flying Colors ay nagpalista siya.
“Ano’ng talent mo, Chas?”
“Chastity.”
Nag-angat siya ng tingin kay Mark.
“Hey,” bati niya rito.Ibinaba nito ang tingin sa hawak niyang gitara. “Hindi nakatono ang gitara mo.”
Kaya pala pakiramdam niya ay may mali. “Marunong ka?”
Kinuha nito ang gitara sa kanya. Pagkatapos nitong itono ang gitara ay ibinalik nito iyon sa kanya. “Here.”
“Thank you, Mark.”
“Thank you lang?” Umangat ang kilay nito. “How about you treat me to lunch?”
“Okay,” pagpayag niya sa binata.
Sabay silang nagpunta sa cafeteria ni Mark.“So, you’re Karen’s bestfriend?” tanong sa kanya ng binata habang nakapila sila sa counter ng cafeteria. Self-service ang cafeteria sa Montello.
Tumango siya. “May ginawa ka bang kasalanan kay Karen?” curious na tanong niya rito.
“Why?”
“Uh, ang laki ng galit niya sa 'yo, eh.”
Ngumisi ito. “Siya itong may kasalanan sa akin, Chas.”
“He rejected me.”
Napaawang ang mga labi niya. “May gusto ka kay Karen?”Isang ngiti lang ang isinagot nito sa kanya bago ito bumaling sa mga pagkaing nakahilera sa harap nila. “Ano'ng gusto mo?”
She ordered one cup of rice and a serving of chopseuy.
“Sigurado ka, gulay lang ang kakainin mo?” tanong ni Mark sa kanya. “Kaya pala ang payat mo.”
“I’m fine with this,” sagot niya sabay sulyap sa pagkain. Ibinalik niya ang tingin sa lalaki. “Grabe ka makapayat, sexy ang tawag diyan,” pabirong sagot niya rito.
“You call that body sexy?”
“Ang sama mo, ah. No wonder, binasted ka ni Karen,” nakangusong sagot niya rito. “Maghanap ka na lang ng bakanteng table.”
Pagkatapos magbayad ay sinundan niya si Mark.
“Chastity!”
Hinanap niya ang boses na tumawag sa kanya. Tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Red. Sa hindi kalayuang mesa ay naroon ito kasama sina Blue, Grey at Indigo.
All of them were looking at her, including Indigo. Ibinaling niya ang tingin sa lalaki. Their eyes met. But unlike Red, wala siyang mabasang ekspresyon sa mga mata nito.
She smiled at him. He didn’t smile back. Sa halip ay malamig na iniwas nito ang tingin sa kanya. Sa kabila niyon ay lumapit siya sa mesa ng mga ito.
“Hi, Chastity,” bati sa kanya ni Red. Binati rin siya ni Blue. Pagkatapos niyang gantihan ng bati ang mga ito ay ipinakilala siya ni Red kay Grey.

BINABASA MO ANG
How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)
RomansaFlying Colors #2 ***To be Published under Precious Hearts Romances