ALAS nuwebe ng umaga nang makarating sila sa camping site.
Pagkatapos nilang magpahinga ay iginurupo sila para malaman kung sino ang makakasama nila sa tent. gumawa sila ng tent.“Chastity, may boyfriend ka na pala,” tukso sa kanya ng kaklaseng si Jana. Ito ang isa sa mga kasama niya sa tent.
“Ha?”
“Iyong guwapong katabi mo sa bus!”
Si Indigo? “Hindi ko boyfriend iyon,” tanggi niya..
“Jusko, ang sweet niya. Pinagsabihan niya iyong mga kaklase natin na huwag maingay kasi baka magising ka,” kuwento nito.
“Ginawa niya iyon?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango-tango si Jana. “Ang sweet nga, eh,” kinikilig na wika nito. “Grabe, parang katulad niya iyong mga bida sa kdrama na pinapanuod ko.”
Kinagat niya ang ibabang labi para pigilang mapangiti. Hindi niya maitanggi ang kilig na bumalot sa puso niya.
Napangiti siya nang makita si Indigo. Subalit unti-unting nawala ang ngiti niya nang mapagtantong hindi nag-iisa si Indigo.
He was talking to a girl. At pamilyar sa kanya ang babae. It was Deanna.
Hindi niya alam na magkakilala pala ang dalawa. Tila may kumurot sa puso niya nang makita ang paghawak ni Deanna sa braso ni Indigo.
She was wrong. Mukhang hindi lang basta magkakilala ang dalawa.
Tumalikod siya at bumalik sa loob ng tent. Kung kanina ay tila lumobo ang puso niya sa kilig. Ngayon ay tila may mga aspileng tumutusok doon. Hindi niya maitanggi ang panibughong nararamdaman niya.
Normal lang iyon dahil crush niya si Indigo.Crush lang, Chas?
Fine. I like him. pag-amin niya sa sarili.
She liked him. More than a friend. Unang kita pa lang niya kay Indigo at hindi na niya maikaila ang atraksyng naramdaman para rito.
“Chas, nasa labas iyong jowa mo,” nakangising wika ni Jana pagpasok nito sa tent.
“Hindi ko siya jowa no!” nakaismid na sagot niya rito.
“Asus! Pa-showbiz pa itong si Chas.” Tukso ni Jana sa kanya. “Chas, labasin mo na.”
“Hmp. Hayaan mo siya.”
Pero hindi rin niya napanindigan ang sinabi dahil maya-maya ay tumayo siya at lumabas ng tent.
There he was. Standing in front of their tent. Subalit sa halip na pansinin ang lalaki ay dire-diretso siyang naglakad at nilagpasan niya ito.
“Chas... Saan ka pupunta?”
“Maglalakad-lakad lang.” Nilagpasan niya ang lalaki subalit naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya.
“Chas, is there something wrong?”
“Nothing,” sagot niya, hindi nililingon ang lalaki.
“Galit ka ba sa 'kin?”
Sa pagkakataong iyon ay huminto siya at kunot-noong nilingon ang lalaki. “Hindi. Bakit naman ako magagalit sa 'yo?”
She was being unreasonable. Gusto niyang sabihin na naiinis siya dahil nakipag-usap ito sa ibang babae, pero ano ba ang karapatan niya?
For him, she was just a friend. Siya lang naman itong may lihim na pagtingin kay Indigo. Siya lang itong mahilig maglagay ng malisya sa friendship nila…Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Galit ka nga sa 'kin.”
Huminto siya at hinarap ito. “Hindi nga sabi ako galit,” giit niya. “Bakit mo ba ako sinusundan? Makipag-usap ka na lang doon kay Deanna.”

BINABASA MO ANG
How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)
RomanceFlying Colors #2 ***To be Published under Precious Hearts Romances