Part Three

401 12 1
                                    

“MA’AM, promise! Wala kaming ginagawang masama,” wika ni Chastity sa principal na si Miss Mariano.

    Pagkatapos silang maabutan ng principal sa hindi kaaya-ayang posisyon ay ipinatawag sila nito sa principal’s office. Magkatabi silang nakatayo ng lalaki sa harap ni Miss Mariano.

“Hindi iyon ang eksenang naabutan ko, Miss Palma,” nakataas ang kilay na wika ng matandang principal.

“Eh, ma’am—”

“It is written in the student handbook that public display of affection is prohibited inside the campus.”

Nahihiyang bumaling siya sa lalaking katabi. Kahit hindi niya tingnan ang mukha sa salamin ay sigurado siyang kasimpula na ng strawberry ang mukha niya. “Sorry.” She mouthed at him.

Isang ngiti ang isinagot nito sa kanya.

Holy cow. Pakiramdam niya ay natunaw ang puso niya. Sa iglap ay nakalimutan niya kung nasaan sila. Sa isang iglap ay nakalimutan niya na kaharap nila ang dragonesang principal nila.

“Akala ko ba hindi kayo magkakilala, eh, bakit ganyan kayo kung magtinginang dalawa?”

Natauhan siya nang marinig ang boses ng principal. Mabilis niyang ibinalik ang tingin dito.

Bumuntong-hininga ito. “Dahil minor offense lang ito, magaan lang ang parusang ipapataw ko sa inyo.”

Tatlong araw silang maglilinis ng campus. Iyon ang punishment na ibinigay sa kanila ni Miss Mariano. Alas tres ng hapon natatapos ang klase ng mga senior high. Sa loob ng tatlong araw ay kailangan nilang maglaan ng dalawang oras pagkatapos ng klase upang maglinis.

    Bago sila lumabas ay narinig niya ang pagpalatak nito. “Ang mga kabataan talaga ngayon.”

“I'm sorry,” nahihiyang wika ni Chas sa lalaki paglabas nila sa principal's office. “Nagkaroon ka ng bad record dahil sa akin.”

“Don't apologize. Wala ka namang kasalanan,” wika nito. “Besides, hindi naman tayo na-suspend,” balewalang dugtong nito.

Ngumuso siya. “Nakakainis naman kasi si Miss Mariano. Palibhasa walang asawa kaya masungit, eh.”

Narinig niya ang mahinang pagtawa ng katabi. Muntik na siyang matulala. Hindi lang pala boses ang maganda, pati pagtawa nito ay nakakatulala rin.

Muli siyang bumaling dito. “Sorry ulit, ah.” Kinagat niya ang ibabang labi.

“Instead of saying sorry, why don’t you just tell me your name?”

“Ha?”

Name raw, Chas!

“Uh, Chastity,” mabilis na wika niya rito. “Chastity Louisse Palma. But you can call me, Chas.” Ngumiti siya. “Ikaw?”

“My name’s Indigo. Indigo dela Vega.”

“Indigo?” gagad niya. “As in the color?”

Ngumiti ito sa kanya. “I had weird parents, thus the weird name.”

“Hindi naman weird ang name mo. Ang cool nga, eh.” Parang ikaw.

Sabay silang naglakad papunta sa gate ng school. Napag-alaman niya na Grade 12 na ito. Matanda ito sa kanya ng isang taon. She was in Grade 11. Transferee student ito mula sa Manila.

“I’m from Manila, too,” nakangiting wika niya rito. “Grade 7 ako nang lumipat kami dito sa Davao.”

“Sasakay ka ng jeep?” tanong sa kanya ni Indigo pagdating nila sa labas ng campus.

How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon