Part Five

233 5 0
                                    

“STRAWBERRY boy and vanilla girl?” natatawang wika kay Chastity ng best friend niyang si Karen.

Kausap niya sa video call ang kaibigan habang nakatambay siya sa isa mga bench ng eskwelahan. Nainip siya sa paghihintay kay Indigo kaya naisipan niyang tawagan ang kaibigan. Walang pasok si Karen dahil malakas ang ulan sa Maynila dulot ng bagyo. Mula sa screen ng cell phone ay kita niyang nakasandal si Karen sa headboard ng kama nito habang yakap ang paboritong stuffed toy. Ikinuwento niya kay Karen ang tungkol kay Indigo.

Isang linggo na ang nakararaan simula nang una silang magkakilala ni Indigo. Kahit matagal nang tapos ang community service nila ay araw-araw silang nagkikita ng lalaki. Pagkatapos ng klase ay madalas silang tumambay sa convenience store para kumain ng ice cream at doughnuts.

They became close.

“Why are you laughing?” nagtatakang tanong niya kay Karen.

Muli itong tumawa. “Ang corny kasi.”
“Ang cute kaya,” nakangusong kontra niya.

“So, that Indigo, crush mo?” puno ng panunuksong tanong nito.

“No, he's just a friend, Karen.”

“Hoy, Chas. Huwag ako, ah. Kilala kita ‘no.”

Kinagat niya ang ibabang labi. “Fine. Crush ko nga siya,” sa huli ay pag-amin niya.

Narinig niya ang impit na tili ng kaibigan. “OMG, Chas!” tukso nito sa kanya. “So, that Indigo? Guwapo ba?”

KInagat niya ang ibabang labi at pigil ang ngiting tumango rito.

“OMG! Kinikilig ka!” patiling tukso sa kanya ni Karen habang idine-describe niya rito si Indigo.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya pagkatapos nilang mag-usap ng best friend.

“Sinong kausap mo at ang laki ng ngiti mo?” Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses ni Indigo. Naupo sa tabi niya ang lalaki.

“Ang tagal mo, ah.” Madalas ay si Indigo ang naghihintay sa kanya, pero kanina ay nag-text sa kanya ang lalaki na male-late ito ng labas.

“I’m sorry, nag-meeting kasi kami ng mga ka-grupo ko,” paliwanag nito. Ibinaling nito ang tingin sa cell phone niya. “So, sino iyang ka-text mo?”

“My best friend,” sagot niya rito.

Bahagyang umangat ang kilay nito. “Is your bestfriend a girl… or a guy?”

“Girl. Her name’s Karen,” sagot niya. “Wait. I’ll call her.” Muli niyang tinawagan si Karen. Malapad na napangiti siya nang makita ang pagkabigla sa mukha ng kaibigan nang makitang hindi siya nag-iisa.
Ipinakilala niya ang kaibigan kay Indigo.

“Nice to meet you, Karen,” bati ng katabi kay Karen.

Kumaway si Karen mula sa screen ng cellphone niya. “Same here, Indigo.”

Pagkatapos niyang ipakilala ang dalawa sa isa’t-isa ay nagpaalam na rin siya kay Karen. Dumiretso sila ni Indigo sa convenience store sa labas ng eskwelahan kung saan sila madalas tumambay. Habang hinihintay niya si Indigo na kasalukuyang nasa counter ay nakatanggap siya ng text mula kay Karen.

You’re right. He’s gorg! May kahawig siyang Korean actor!

“Sabi ni Karen, may kamukha ka raw na Korean actor,” nakangising wika niya kay Indigo pagdating nito.

Inilapag nito ang tub ng ice strawberry vanilla ice cream sa ibabaw ng mesa at inabot sa kanya ang isang kutsara.

Napansin niya ang bahagyang pagngiwi nito sa sinabi niya. “O, bakit? Ayaw mong may kamukha ka?” natatawang tanong niya habang binubuksan ang ice cream.

How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon