Part One

724 16 0
                                    

“WHAT? You’re already here in Manila?!” halos mabingi si Chastity sa lakas ng boses ng kaibigang si Karen sa mula sa kabilang linya. Pagdating niya sa NAIA ay agad niyang tinawagan si Karen.

    “Akala ko ba, bukas pa ang flight mo?”

“I wanted to surprise you, Karen,” sagot niya sa kaibigan.

“OMG!” tili nito mula sa kabilang linya. Narinig niya ang pagkalabog ng pintuan. “Lucky, get up. We need to go to the airport.”

“No need to pick me up, Karen. Mag-tataxi na lang ako,” wika niya rito.

“No, Chas! We’ll pick you up. Basta, hintayin mo kami diyan sa airport. We’ll be there in thirty.”

Habang hinihintay ang kaibigan ay tumambay siya sa isang coffee shop sa loob ng airport. Umorder siya ng paboritong frappe at naupo sa mesa malapit sa entrance.

After living in Davao for eight years, she was back and going to live again in Manila.

Wala pang tatlumpung minuto ang nakalipas ay natanaw na niya ang kaibigan at ang nakababatang kapatid nito.

“Chas! I missed you!” tili ni Karen sabay yakap ng mahigpit sa kaibigan. Tumalon-talon ito habang nakayakap sa kanya.

“I missed you, Karen.”

“Welcome back to Manila, Ate Chas,” bati sa kanya ni Lucky, ang nakababatang kapatid ni Karen. Tatlong taon ang tanda nila ni Karen sa binatilyo.

“Lucky.” Malaki ang ngiting niyakap niya ito. “Grabe, ang tangkad mo na!” Hanggang balikat lang siya ng lalaki.

“Grabe, you tricked me!” nakangusong wika ni Karen pagkatapos niyang yakapin si Luke. “Sabi mo bukas pa ang flight mo. Hindi na tuloy ako nakapagbihis sa pagmamadali.”

Karen was only wearing a maong shorts and a spaghetti strap blouse. Ang kapatid nitong si Luke ay naka-cargo shorts at puting t-shirt lang. Bahagyang magulo nito na tila kagigising lang.

“Sorry, guys. Sabi ko naman kasi, magtataxi na lang ako.”

“Sus, baka maligaw ka pa,” sagot ni Karen.

“Grabe ka, Karen. Eight years man akong wala sa Maynila, alam ko pa rin naman kung saan ang bahay niyo.”

Natatawang muli siya nitong niyakap. “I’ve really missed you, Chas.”

Karen was her childhood friend. Bukod sa parehong magkaibigan ang mga magulang nila ay magkapitbahay din sila noong dito pa sila sa Maynila nakatira. Karen was the sister she never had.

She was thirteen years old when her family moved to Davao. Her father was from Davao. Nang mamatay ang lolo niya sa side ng ama ay sa daddy niya ipinamana ang lahat ng negosyo at ari-arian sa Davao. Ibinenta ng mga magulang niya ang bahay nila sa Maynila.

Kahit sa Davao na sila nakatira ay hindi pa rin naputol ang komunikasyon nila ni Karen.

“I really can’t believe you’re here. And we’re gonna be schoolmates,” excited na sambit nito habang nasa sasakyan. Si Lucky ang nagmamaneho habang sila ni Karen ay magkatabi sila ng huli sa backseat.

“Mabuti, pinayagan ka ni Tita na mag-transfer dito sa Manila.”

She was a second-year Communication Arts student in Ateneo de Davao. Plano niyang mag-transfer ngayong second sem sa Montello University, isang sikat na unibersidad sa Manila kung saan nag-aaral si Karen.

Pinayagan siya ng mga magulang na pansamantalang manirahan sa Maynila basta doon siya makikitira kina Karen. Bago siya lumuwas ng Maynila ay ipinagpaalam na siya ng mommy niya sa mga magulang ni Karen na doon siya pansamantalang tutuloy sa bahay ng mga ito.

“Ate, ang ingay mo.”

Inirapan ni Karen ang kapatid. “Shut up, Lucky. Mag-drive ka na lang.”

“THIS is the campus library.”

    Itinuro sa kanya ni Karen ang tatlong palapag na gusali na katabi ng Business Ad building.

Montello University had a huge campus. Pagkatapos niyang mag-enroll ay inilibot siya ni Karen sa unibersidad.

“Ang layo ng Business Ad building sa College of Arts and Letters,” reklamo ni Karen habang kumakain sila sa cafeteria. Her friend was taking up Marketing Management. Nasa magkabilang dulo ng campus ang College of Business at College of Arts and Letters.

“Magkaiba rin tayo ng schedule ng klase,” wika nito habang tinitingnan ang registration card niya.

“Chas.”

“Hmm?”

Nag-aalinlangan ito habang nakatingin sa kanya. “Alam mo naman na…dito rin nag-aaral iyong ex mo di ba?”

Natigilan siya sa pag-inom ng iced tea.

Nagkibit ito ng balikat. “Kunsabagay, sa laki nitong Montello, hindi naman kayo basta-basta magkikita no'n.”

Bago sila umuwi sa bahay ay dumaan sila sa mall. Nanood sila ng sine at kumain ng pizza. Bago sila umuwi ay niyaya niya si Karen sa bookstore.

“Oh, shucks!” Impit na tili ni Karen nang makita ang standee ng paborito nitong kpop idol na nakadisplay sa cosmetic shop na katabi ng bookstore. “Si G-Dragon!”

Karen was a Kpop fan. Napailing na lang siya nang makitang inilabas ni Karen ang cell phone at nag-selfie kasama ang standee ng idol nito. Lalo pa yatang lumala ang addiction nito sa Kpop.

Sa halip na sundan ang kaibigan ay pinuntahan ang bookstore. She was a bibliophile at heart. In fact, mayroon siyang sariling library sa bahay nila sa Davao.

Natigilan siya nang mahagip ng tingin ang naka-display na libro sa entrance ng bookstore. It was the new Harry Potter book. Harry Potter and the Cursed Child.

Habang nakatingin sa libro ay isang ala-ala ang bumalik sa isip niya. Mapait siyang napangiti bago inalis ang tingin sa naturang libro.

Natigilan siya nang mapatingin sa boutique na katapat ng bookstore. Isang pamilyar na lalaki ang nakatayo sa labas niyon.

“Indigo...” Ikinurap-kurap niya ang mga mata subalit hindi siya dinadaya ng paningin. It was really him.

Sa isang iglap ay bumilis ang tibok ng kanyang puso. Sa isang iglap ay tila huminto ang kanyang paghinga.

He was wearing a white v-neck shirt and dark pants. He was taller and way more handsome than before. The last two years did him good.

Pakiramdam niya ay huminto ang tibok ng puso niya nang gumalaw ang lalaki at bumaling sa direksiyon niya. Subalit bago pa magtama ang mga mata nila ay isang babae ang lumapit dito at kumapit sa braso nito.

Mabilis na nag-iwas siya ng tingin.

Pakiramdam niya ay may kumurot sa puso niya habang sinusundan ang mga ito ng tingin.

“Chas...” Hindi niya namalayang nasa tabi na niya si Karen.

Sinundan nito ng tingin ang tinitingnan ng mga mata niya. Narinig niya ang mahinang pagsinghap ni Karen sa tabi niya. “Is that... Indigo?”

Karen knew about Indigo. Her best friend knew everything that's happened between them.

“Chas…” Seryoso siyang tiningnan ni Karen habang lulan sila ng taxi pauwi. “Why did you really transfer to Montello? Please, don’t tell me it has something to do with Indigo.”

Her best friend knew her well. Sa hindi niya pagsagot ay nakumpirma na nito ang sagot sa tanong nito.

“Chas... why?”

“You know I still love him, Karen. I never stopped loving him. Two years ago, I made the biggest mistake in my life. Now, I came here to claim him back. I want him back, Karen.”

How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon