KAILAN mo sasabihin kay Indigo, Chas?” tanong kay Chas ni Karen habang hinihintay niya ang pagdating ni Indigo. May date sila ng nobyo nang gabing iyon.
“Humahanap ako ng tamang pagkakataon, Karen.”
“Huwag mo na sanang patagalin, Chas. He needs to know.”
Tumango siya sa kaibigan. Pagkatapos ng gabing iyon, sasabihin na niya kay Indigo ang lahat.
Sa halip na si Indigo ay si Red ang sumalubong sa kanya. “Hi, Chas. Nautusan ako ni Indigo na sunduin ka.”
Habang nasa byahe ay biglang sumama ang pakiramdam niya. Napahawak siya sa ulo niya.
“Chas, are you okay? Are you sick?” baling sa kanya ni Red.
“No.” Umiling-iling siya. “Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko.”
Dinala siya ni Red sa isang restaurant sa Laguna. Subalit sa halip na dumiretso sa loob ay giniya siya ni Red sa likod ng restaurant.
Tumambad sa kanya ang malawak na graden na punong-puno ng ibat-ibang uri ng halaman at bulaklak. Sa gitna niyon ay nakatayo si Indigo. He was holding an acoustic guitar and very handsome on his white long sleeve polo and dark slacks.
Bago siya makalapit kay Indigo at nagsimula itong kumanta habang tumutugtog ng gitara.“You and I, were like fireworks and symphonies exploding in the sky. With you, I’m alive. Like all the missing pieces of my heart, they finally collide...”
“So stop time right here in the moonlight. Cause I don’t ever wanna close my eyes.”
Kinagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng mga mata. Ibinaba nito ang gitara at lumapit sa kanya.
“I will make up for the harsh thing I've said to you. For the days and nights that I ignored you... Today was supposedly our third anniversary. So, happy anniversary, baby.”
Inilahad nito ang kamay sa kanya. “Number four, Chas. Dance under the stars,” masuyong bulong nito sa kanya.
Napatingin siya sa langit. The sky was full of stars. “You remembered,” naluluhang wika niya kay Indigo.
“I never forget, baby.” Isinayaw siya nito sa ilalim ng libo-libong mga bituin sa langit. Nang mga sandaling iyon ay wala na siyang ibang mahihiling pa.
“I love you, Chas.”Bago pa siya makasagot ay nawalan siya ng malay.
PUTING kisame ng ospital ang bumungad kay Chas. Nakaupo si Indigo sa tabi niya, nakayukyok ang ulo sa gilid niya.
“Chas.” Hindi niya namalayang kasama niya sa kwarto si Karen. Ibibalik niya ang tingin sa natutulog na si Indigo bago muling tiningnan ang kaibigan.
“Does he...know?”
Naluluhang tumango ang kaibigan. “I’m sorry, Chas.”
Gunalaw si Indigo bago ito dahan-dahang nag-angat ng tingin. Sumalubong sa kanya ang namumukang mga mata ng binata.
“Hi.” Isang ngiti ang ibinigay niya rito.
Hinawakan nito ang kamay niya.
“Baby, how are you feeling? May masakit ba sa yo?” puno ng pag-aalalang tanong nito.Umiling siya.
Naramdaman niya ang paglabas ni Karen.“Im sorry, Indigo,” wika nya sa binata nang maiwan silang mag-isa sa silid niya.
“Bakit hindi mo agad mo sinabi?”
“I’m sorry. Ayokong mahalin mo ulit ako dahil lang naaawa ka sakin.”
“I'm sorry for being selfish. I don't want to die without having you in my arms again.”
BINABASA MO ANG
How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)
RomansaFlying Colors #2 ***To be Published under Precious Hearts Romances