“CONGRATS, Deanna,” bati ni Chas kay Deanna nang makasabay niya ang babae palabas ng classroom. Kanina ay in-announce ng class adviser nila ang top students sa semester na iyon.
She was ranked number two. And Deanna was number one.“Thanks, Chastity.” Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito. “Looks like effective ang ginawang pag-distract ni Indigo sa 'yo...” Her smiled turned to a smirk.
Naguguluhang tumingin siya sa babae. “I don't know what you're talking about, Deanna.”
Umangat ang isang kilay nito. “Do you really think my cousin Indigo is in love with you, Chastity? I ask him to make you fall for him and distract you.
“You know that I hate you, Chastity. I hate you because you’re always on top of me,” puno ng pait na wika nito. “When I found out that the two of you are friends, inutusan ko si Indigo na magpanggap na gusto ka niya. Inutusan ko si Indigo na paibigin ka…at sa huli, saktan ka.”
“That's not true,” mariing sagot niya rito.
“Naalala mo iyong araw ng final audition natin sa theatre? I ask Indigo to pretend he's sick so you would ditch the audition.”
Natigilan siya. “No… that's not true.” Umiling-iling siya kay Deanna. “Hindi iyon magagawa ni Indigo.”
Naghahamong umangat ng kilay nito. “Why don't you ask him about it?”
“Oh, and one more thing, Chastity. If my cousin really loves you, bakit hindi niya sinabi sa ‘yo na babalik na sila sa Maynila?”Babalik… si Indigo sa Maynila?
“See? He didn’t tell you that, right? Wala siyang planong sabihin sa ‘yo dahil iiwan ka rin naman niya.”
Tulala siya nang iwan siya ni Deanna.
Nanghihina siyang napaupo sa silya.
No. No. Indigo wouldn’t do that to me.“Chas.”
Bumalik siya sa sarili nang marinig ang boses ni Indigo. Hindi niya namalayang nasa harap na niya ang binata.
“I’m sorry I was late,” masuyong wika nito.
Siya na lang ang naiwan sa loob ng classroom. Tumayo siya at sinalubong ng tingin ni Indigo. Tila pinipiga ang puso niya habang inaalala ang lahat ng sinabi ni Deanna.
“Indigo…may sinabi sa akin si Deanna.”
“Chas…” Kitang-kitang niya kung paano ito natigilan. He looked guilty.
Naninikip ang dibdib niya. “Sabi niya… sabi niya inutusan ka niya na magpanggap na may gusto sa ‘kin. Indigo, hindi naman totoo, di ba?”“It’s true, Chas. Totoo na nang nalaman ni Deanna na malapit ako sa ‘yo, kinausap niya ako…”
Pakiramdam niya ay may patalim na tumurak sa puso niya sa narinig. Nag-init ang sulok ng mga mata niya sa galit…sa sakit… “She’s right. You didn’t really love me.”
“Chas, you got it wrong, baby.”. Suminghap ito at hinawakan ang kamay niya. “I’m in love with you from the very start.
Oo, totoo na kinausap ako ni Deanna. Totoo na nakiusap siya sa akin na magpanggap na may gusto sa ‘yo at paibigin ka. Pero hanggang doon lang iyon. I never entertained her idea. I never—”“Shut it, Indigo,” putol niya sa kaharap kasabay ng pagbawi niya ng kamay mula rito.
Naalala mo iyong araw ng audition?
It makes sense. Alam ni Deanna na may sakit si Indigo nang araw na iyon. Subalit nang puntahan niya ang binata ay wala naman itong sakit.
Tuluyang nabasag ang puso niya. Lahat ng ipinakita nito sa kanya ay puro pagpapanggap at kasinungalingan lang.“Chastity, please, listen to me first, baby.”
“Tama na, Indigo. Ayoko nang marinig ang kasinungalingan mo.” Hindi niya alam kung alin sa mga sasabihin nito ang totoo sa hindi. “Kung talagang totoo ang nararamdaman mo, bakit hindi mo man lang sinabi sakin na aalis ka na. Na babalik ka ng Maynila?”
“My dad wants us to go back to Manila. Hindi ko sinabi sa ‘yo dahil wala akong balak na umalis. Wala akong balak na sumama sa kanya—”
“O baka hindi mo sinabi sa kin dahil balak mo naman talaga akong iwan?” sansala niya rito.
“Why don’t you listen to me first?” Tumaas ang boses nito. “Don’t you trust me?”
“Let’s break up.” Hindi niya alam kung paano nagawang salubungin ang mga mata ni Indigo at sabihin iyon sa harap ng lalaki sa kabila ng nadudurog na puso niya.
“Baby, no, no! Listen to me, first.”
“Ganoon na lang? Ganoon na lang kadali sa yo na pakawalan ako? Ganoon ba kababaw ang nararamdamam mo para sa ‘kin?”
“Siguro nga. Siguro nga hindi naman malalim itong nararamdaman ko sa ‘yo.”
“GO way, Indigo,” marahas na pagtataboy ni Chas kay Indigo nang makita niya ito sa labas ng classroom nila.
“Chas, let’s talk—”
“I don’t need your explanation. I don’t need you. You’re already out of my life.”
Lumabas ang kaklaseng si Nick at hinawakan ang kamay niya.
“Ano’ng… ibig sabihin nito?” Magkasalubong ang kilay ni Indigo habang nakatingin sa kamay niyang hawak ni Nick. “Chas…”
“I have a date with Nick. He’s courting me,” diretsong sagot niya kay Indigo. “Go away, Indigo.” Nakita niya ang magkahalong sakit, panunumbat at galit ang mga mata nito.
Iyon ang huling araw na nakita niya si Indigo. Pagkatapos ng araw na iyon ay wala ng Indigo na naghihintay sa labas ng classroom niya…
Isang araw ay nilapitan siya ni Deanna. “Chas, lets talk,” mapagkumbabang wika nito, malayo sa tonong ginamit nito nong huli silang mag-usap.
“Wala tayong dapat pag-usapan.” Nilagpasan niya ito.
“Indigo loves you, Chas.”
Natigilan sa narinig.
“I’m sorry...I lied to you.”
Hinarap niya si Deanna.“I’m sorry, Chas. I just really hate you that much.” Nakita niya ang pamumula ng mga mata nito. “Noong nalaman ko na magkaibigan kayo, I ask him to pretend he’s in love with you and play with your feelings. Pero hindi siya pumayag. Noong nalaman ko na kayo na, akala ko nagbago ang desisyon niya. Pero sinabi niya sa akin na totoong mahal ka niya. He even told me to stop on hating you, because you’re a kind and wonderful person.
“Iyong araw ng final audition natin, wala kaming usapan ni Indigo no’n. Iyong araw na iyon, alam ko talaga na hindi siya papasok. That day was his mother’s death anniversary…”Bumagsak ang luha mula sa mga mata nito. “Indigo really loves you, Chas... I’m sorry for lying… I’m sorry for being a bitch.”

BINABASA MO ANG
How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)
RomanceFlying Colors #2 ***To be Published under Precious Hearts Romances