“DALAWA lang ang ibig sabihin niyon, Chas. It's either may feelings pa rin siya sa 'yo o talagang naka-move on na siya.”
Nakatambay sila sa Hugot Cafe, isang coffee shop sa labas ng Montello University.
She didn't expect that Indigo would greet her with arms wide open. She had hurt him. Big time. But she didn't expect he would treated her like he doesn't knew her. At that hurt her the most. Pakiramdam niya ay tinarakan ng patalim ang puso niya.
The look on his face tells her that she was nothing to him now. Like he doesn't care about her anymore.
Two years have passed. He was finally move on now.But so what if he's moved on now, I'd make him fall in love with me again.
“Nalaman ko kung sino ang babaeng kasama niya,” wika ni Karen.
“Kassandra Imperial. Grey's best friend.”“The drummer?”
Tumango ito. “Chas… what if girlfriend nga ni Indigo ang Kassandra na iyon? Don't tell me you will break them apart?”
“Didn't I tell you that I would do everything?”
“Then let's just hope that Kassandra's not his girlfriend, then.” Wika ni Karen bago ito sumimsim ng wintermelon tea.
Yumuko siya, isang papel ang nakita niya sa paanan niya.
Sinundan niya ng tingin ang babaeng dumaan sa gilid ng mesa. Ito marahil ang nakalaglag ng naturang papel dahil wala naman iyon kanina.“Miss!” Tumayo siya at hinabol niya ang babae subalit paglabas niya ng cafe ay nawala na ito sa paningin niya.
Ibinaba niya ang tingin sa hawak na papel. Kumunot ang noo niya nang makita ang nakasulat doon.
Sinundan siya ni Karen. Kinuha nito ang papel na hawak niya.“What's this? How to get your ex fall for you again...”
HOW to make your ex fall for you again?
“Step one: Start a connection.”
Hawak ni Chas ang napulot na papel sa Hugot Café kahapon. Nakasulat sa naturang papel ang limang steps kung paano mo mapapabalik sa ‘yo ang ex mo.
Ayon kay Karen ay baka raw guradian angel niya na nagkatawang tao ang naghulog niyon. Gusto niyang magpasalamat sa kung sinoman ang may-ari ng papel na napulot niya.
“You need to start a connection with Indigo,” wika ni Karen sa kanya.
“How? He's avoiding me...” Ni hindi siya gustong makausap ng lalaki.“Get his number.”
“How?”
“Paano nga ba?” Tinapik-tapik ni Karen ang mesa. Mannerism nito kapag nag-iisip ng malalim. Kapagkuway nanlaki ang mga mata nito nang ibaling ang tingin sa entrance ng coffee shop. “OMG! Alam ko na. You see that girl?” Pasimple nitong itinuro sa kanya ang babaeng kakapasok lang sa coffee shop.
Sinundan nila ito ng tingin habang papunta ito sa counter.“That's Cashmere. Blue dela Merced's sister.” wika ni Karen. “Siguradong meron siyang number ni Indigo.”
“How could I get Indigo's number from her?”
Hindi malayo na marami na ring babae ang lumapit dito para magtanong ng impormasyon sa apat na lalaki. She doubted if she would give her Indigo's number.
“I have a plan...”
“Do you think it will work?” tanong niya matapos ibulong sa kanya ni Karen ang naisip nitong plano.
“Sa 'yo nakasalalay, kaya galingan mo ang pag-arte.”
Humugot siya ng malalim na hininga bago tumayo at lumapit sa babae. The girl sat two tables from them.
“Uhm, excuse me.
“Yes?” Nag-angat sa kanya ng tingin ang babae. She was very pretty. Mukha rin itong mabait.
Indigo. The things I'd do to get you back.
“Uh, pasensya na sa abala. Ano kasi...naubusan ako ng load. May importante kasi akong kailangang i-text...” Itinuro niya si Karen. “Iyong best friend ko kasi, dead bat na. Puwede bang maki-text?”
Nakita niya ang pag-aalangan sa mukha ng babae.
“Please…”
“Uh, okay,” sagot nito. Binuksan nito ang cell phone at inilahad sa kanya.
“Thank you, thank you.”
Pumunta siya sa contacts at hinanap ang pangalan ni Indigo. Something her heart when he saw his name.Kuya Indigo 0917375****
Mabilis na finorward niya ang number ni Indigo sa sariling number niya. Bago pa niya maibalik ang cell phone sa kaharap ay nag-ring iyon sa kamay. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang tumatawag. Indigo!
“M-may tumatawag...” Mabilis na ibinalik niya ang cell phone kay Cashmere.
Sinagot nito ang tawag. “Hello, Kuya Indigo?”
Bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang pangalan ni Indigo. Sa halip na umalis ay nanatili siya sa kinatatayuan.
Indigo was talking to the other line. Darn. She wanted to hear his voice.
“Nandito ako sa Hugot Café,” wika ni Cashmere pagkatapos nitong pakinggan ang sinabi ng kausap sa kabilang linya.“Sige, Kuya I. Pupunta ako, bye.” wika ni Cashmere bago nito ibaba ang cell phone.
“Uh, thank you so much.” aniya sa babae.
She smiled at her. “No prob.”
Tumayo ang babae hawak ang inorder nitong frappe. “Uhm, mauna na ako.”
Isang beses pa niyang pinasalamatan ang babae bago bumalik kay Karen.“What? Did you get it?” tanong ni Karen.
Tumango siya at ngumiti.

BINABASA MO ANG
How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)
RomanceFlying Colors #2 ***To be Published under Precious Hearts Romances