Part Twenty

447 8 2
                                    

After two years…

Habang papalapag ang eroplanong sinasakyan niya ay hindi mapigilang alalahanin ni Chas ang buhay niya sa Amerika.

The first months of her stay there were good. Araw-araw siyang tinatawagan ni Indigo.

Good morning, baby,” bati sa kanya ni Indigo nang tawagan siya nito. It was morning in Chicago.

“Good evening, baby. I'm sorry I look awful.”

Nagsimula nang malagas ang buhok niya dulot ng chemotheraphy.

“You look beautiful, baby. Maubos man ang buhok mo, walang magbabago, you will always be beautiful for me...”

Pagbalik nito ay may hawak na itong gitara. Nagsimula itong kumanta.

“When I look into your eyes, it's like watching the night sky. All beautiful sunrise, theres so much to hold. And I wont give up on us. Even if the skies get rough us... I’m giving you all my love…”

Walang araw na lumalagpas na hindi tumatawag sa kanya si Indigo.

“I'm sorry, your condition is getting worse.” Malungkot na wika sa kanya ng doktor. Hindi nagre-respond ang katawan niya sa gamot.

Naramdaman niya ang paglala ng kalagayan niya. She was getting weaker and weaker. Ipinangako niya sa sarili na lalaban siya. Subalit dumarating din pala ang panahon kahit anong paglaban niya, wala siyang ibang option kundi ang sumuko.

“I missed you, baby,” wika ni Indigo sa kanya nang tumawag ito sa kanya.

She stared at him. What if she can't make it? Paano kung hindi siya makabalik gaya ng ipinangako niya rito.

She realized she was really a selfish person.

She made him fall for him again...subalit sa huli ay iniwan niya rin ito. Indigo didn't deserve her. Indigo deserve someone who will be there for him. Who can take care of him.

“I'm tired, Indigo,” malamig na wika niya.

Narinig niya ang pag buntong-hininga nito. “I'll call you again tomorrow.”

Pagkatapos niyang isara ang laptop ay saka niya pinakawalan ang luha.I'm sorry, Indigo. I'm sorry.”

Kapag tumatawag sa kanya si Indigo ay hindi na niya ito sinasagot.

Ipinasabi niya kay Karen na tigilan na nito ang pagtawag sa kanya. Na pinuputol na niya ang ugnayan nilang dalawa.

'I'm sorry, Indigo. But this is for your own good, too. Para hindi ka na umasa. Para hindi ka na mas masaktan pa.

She cut all ties with him. She didn't want him to wait for nothing. Ayaw niyang umasa at maghintay ito sa wala.

But…a miracle happened. She didn't expect that she would survive. After two years and six months, she was totally free of cancer.

“Chas!” Napangiti siya nang makita si Karen na naghihintay sa kanya sa airport. Bago siya umuwi ay kinontak niya ang kaibigan.

“I missed you!” Mahigpit na niyakap siya ng kaibigan.

Pagkatapos nilang maghiwalay ng kaibigan ay bumaling siya sa kasama nito. “Mark.”

“We missed you, Chas.”

Dumiretso sila sa sasakyan ni Mark.
“Akala ko ba hindi mo type iyang si Mark, ha?” nanunuksong tanong niya kay Karen.

“Ewan ko nga. Ginayuma yata ako niyan, eh.”

How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon