Part Nine

183 3 0
                                    

MAY program para sa lahat ng senior high students sa gym nang araw na iyon. Lahat ng mga estudyante ng teachers ay nagtipon sa gym.
Sinubukan niyang hanapin si Indigo subalit sa dami ng tao ay nabigo rin siya.

Eyes on the stage, baby.

Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang text sa kanya ni Indigo.

Where are you?

Hindi na ito nag-reply sa kanya. pinilit niyang itinuon ang atensyon sa speaker na nasa stage subalit nabagot siya. Kinuha niya ang notebook at ballpen sa bag. Naalala niya ang isang eksena sa Korean drama na pilit ipinanood sa kanya ng kaibigang si Karen. Isinulat ng bidang babae ang mga bagay na gusto nitong gawin kasama ang magiging boyfriend nito.
Inilista niya sa likod ng notebook ang mga bagay na gusto niyang gawin kasama si Indigo.

“Hi, baby.”

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nasa tabi na niya ang binata. “Indigo!”

“What’s that, baby?” wika nito habang nakatingin sa notebook niya.

“Ha? Wala.” Mabilis niyang isinara ang notebook. Pero bago pa niya mailayo ay nakuha na iyon sa kanya ni Indigo.

“Indigo!”

“Baby, ano’ng meron dito na ayaw mong ipabasa sa 'kin?”

“Basta...just give that to me, baby.” Kinagat niya ang ibabang labi nang mapatingin sa kanila ang ilan sa mga kaklase niya.

“I'll just take a look.”

Sa huli ay sumuko siya. Kagat-kagat niya ang ibabang labi. Kahit hindi siya tumingin sa salamin ay siguradong kasingpula na ng kamatis ang mukha niya.

“Things I want to do with Indigo,” basa nito sa nakasulat sa notebook niya. “First, go on an extreme ride.”

“Extreme ride?” Bumaling ito sa kanya. Parehong nakaangat ang isang kilay at isang sulok ng mga labi nito.

“Rollercoaster, or puwede ring zipline, or bungee jumping, mga ganoon.” Nagkibit-balikat siya at pilit initago ang kahihiyang nararamdaman.

Tumango ito bago ibinaling ang tingin sa hawak na papel. “Go on a roadtrip. Watch the sunrise. Dance under the stars. Kiss under the fireworks.” Nakita niya kung paano umangat ang labi nito. “I like the fifth the most.”

Lalong nag-init ang mukha niya.
“You're blushing hard, baby.”

“Your fault.”

Nabigla siya nang kintalan nito ng halik ang pisngi niya. 
“Indigo!”

Puno ng pagsuyong ngumiti ito sa kanya. “Let's do this one by one, okay?”

“READY, baby?” tanong kay Chas ni Indigo nang sunduin siya nito para sa kanilang date.

He was wearing a white v-neck shirt, ripped jeans and a black converse shoes.  His diamond earring looked perfect on him.

“You look like a rockstar,” puri niya sa binata.

Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa mga labi nito. “And you look like mine.”

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilang mapangiti sa kilig.

“Where do you want to go?” tanong nito sa kanya.

Gusto sana niyang maglunta sa advebture park pero kailangan din niyang i-consider ang gusto ng nobyo. Hindi pa rin niya mapigilang hindi mapangiti kapag ginagamit ang salitang nobyo kay Indigo. “Hmm, ikaw?” balik-tanong niya rito.

“Let’s go ziplining.” He smiled and winked at her.

Nagpunta sila sa sikat na adventure park. Hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi niya. Pero habang kinakabitan sila ng harness ay napansin niya ang pamumutla ni Indigo. “Sigurado ka, Indigo? Hindi ka ba takot sa heights?”

How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon