ABSENT si Miss Aguas kaya maagang natapos ang klase ni Chas nang araw na iyon. Nagpasya siyang pumunta sa building ng Grade 12 at doon hintayin si Indigo. Habang nakaupo sa bench ay nag-text siya sa lalaki.
Hi, Indigo. Nandito ako sa labas ng Grade 12 building. I'll wait for you here.
Hindi niya inaasahang mag-reply sa kanya ang lalaki dahil nasa klase ito. Subalit ilang minuto ang lumipas ay tumunog ang cell phone niya.
Sorry for keeping you waiting. I’ll be out in a while.
Labinlimang minuto ang lumipas ay natanaw na niya si Indigo. Napangiti siya. Pero bahagya siyang natigilan nang mapansin ang babaeng kasabay nitong naglalakad. Parehong malaki ang ngiti ng dalawa habang nag-uusap.
Girlfriend kaya nito ang babaeng iyon?
Kunsabagay, sa hitsura ng lalaki ay hindi na nakapagtatakang may girlfriend ito. Patuloy niyang pinagmamasdan ang dalawa nang bumaling sa kanya si Indigo. He smiled at her. Sa pagkabigla ay hindi siya nakaganti ng ngiti sa lalaki.
Bumaling ito sa babaeng kasama at tila may sinabi rito bago naghiwalay ng landas ang dalawa. Bumalik ang babae sa loob ng building habang si Indigo ay dumiretso sa kanya.
Tumayo siya nang makalapit ang lalaki.“Hi, Chas. Sorry, pinaghintay kita,” sinserong paumanhin nito.
“Okay lang.” Sa pagkakataong iyon ay nagawa na niyang ngumiti sa lalaki. Subalit habang nag naglalakad sila papunta sa library ay hindi mawala sa isip niya ang babaeng kausap nito kanina. “Uh, iyong babaeng kausap mo kanina. Girlfriend mo?” Hindi niya napigilang itanong kay Indigo.
“Girlfriend?” tila nabiglang gagad nito. “Uh, no. Kaklase ko iyon.”
“Ah,” pasimpleng tumango siya. Hindi niya alam kung bakit nasiyahan ang isang parte niya sa sagot ni Indigo.
“What makes you think she’s my girlfriend?”
“Ha?” Siya naman ang nabigla sa tanong na iyon ni Indigo. “Ano kasi…uhm, akala ko lang.”
“Ah,” pasimple rin itong tumango. Sa kabila niyon ay napansin niya ang bahagyang ng isang sulok ng mga labi nito.
Sa library sila naglinis. Dahil hapon na ay iilan lang ang estudyante sa library. Napupuno lang ng estudyante ang library kapag malapit na ang exams. Dahil malinis naman ang library, inutusan lang sila ng librarian na ayusin ang mga libro sa shelf. Naghiwalay sila ni Indigo upang mabilis silang matapos.
Wala pang isang oras ay tapos na siya.
Kinuha niya ang isa mga paboritong libro at sumalampak sa sahig. Sumandal siya sa bookshelf at nagsimulang magbasa.“Harry Potter and the Goblet of Fire.”
Hindi niya namalayang nasa tabi na niya si Indigo. Naupo ito sa tabi niya. “So, you like Harry Potter.”“No. I love Harry Potter,” pagtatama niya rito. Isinara niya ang libro at bumaling dito. “I’m a certified Potterhead,” proud na wika niya. “Ikaw, nabasa mo na ba ito?”
Tumango ito. “But I have to say I like Percy Jackson more.”
“I like Percy Jackson, too,” mabilis na sagot niya rito. “Pero, syempre, para sa ‘kin wala pa ring tatalo dito sa HP.”
“I didn’t know you’re a dork.”
Napanguso siya. “Compliment ba iyan o insulto?”
He looked at her and smiled. “Compliment syempre. Because you’re a very cute dork.”
Muntik na niyang mabitawan ang hawak na libro. Sa isang iglap ay bumilis ang tibok ng puso niya. Tila may mga paru-parong nabuhay sa loob ng tiyan niya.
Hindi pa siya nakakabawi ay tumayo ito at naglahad ng kamay sa kanya. “Let’s go?”
Walang pag-aalinlangang tinanggap niya ang kamay nito. “Thank you.”
“You're welcome, Chas. Ice cream tayo pagkatapos nito?”
“GOODBYE, class.”
Hindi tulad ng mga nakaraang araw na halos makipag-unahan si Chas sa teacher palabas ng clasroom, isa siya sa mga huling lumabas ng silid-aralan.
Tapos na kahapon ang tatlong araw na punishment nila ni Indigo. Napanguso siya. Dapat pala ay ginawa na lang na dalawang linggo ni Miss Mariano ang parusa sa kanila nang sa gayon ay matagal pa niyang makasama si Indigo.Kinuha niya ang cell phone, umaasang may text doon galing kay Indigo.
Bakit ka naman niya ite-text, eh tapos na kayong maglinis?
Gusto niyang i-text si Indigo subalit hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin dito. Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makita si Indigo sa labas ng classroom nila.
“Indigo!”
Inalis nito ang suot na earphone sa tainga. “Hi, Chas.”
“Kanina ka pa dito? Hindi mo ako tinext?” sunod-sunod na tanong niya sa lalaki.
“Kadarating ko lang. Hindi kita na-itext. Naiwan ko cell phone ko sa bahay.”
Kinagat niya ang ibabang labi para pigilang mapangiti. “Uh, ano’ng ginagawa mo rito?”
He stared at her. His chinky eyes were intensely staring at her. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa tingin ng lalaki. Nagsimulang magwala ang mga paru-paro sa loob ng tiyan niya.
“I want to ask if want to eat doughnut and ice cream with me?”
“Uh, okay…” Tumikhim siya para kalmahin ang nagwawalang sistema. “I mean, let’s go, SB?” Hindi niya napigilan ang ngiting kumawala sa mga labi.
BINABASA MO ANG
How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)
عاطفيةFlying Colors #2 ***To be Published under Precious Hearts Romances