“CHAS, sigurado ka ba talaga sa gagawin mo?”
Malungkot na napangiti si Chas matapos alalahanin ang nakaraan nila ni Indigo.
Pinagsisihan niya ang lahat ng sinabi kay Indigo. Pinagsisihan niya na hindi siya nakinig dito. Pinagsisihan niya na inuna niya ang galit. Pinagsisihan niya na itinaboy niya ito. Gusto man niyang bawiin ang lahat ng nasabi kay Indigo ay huli na ang lahat. Indigo was already back in Manila.
Pagkatapos niyang malaman na bumalik na si Indigo ng Maynila, tuluyan na siyang nawalan ng balita mula sa lalaki. He doesn’t have any social media accounts… Isang araw ay sinabi na lang sa kanya ni Karen na schoolmate nito si Indigo sa Montello.
He was taking up Civil Engineering. Si Karen din ang nagbalita sa kanya na miyembro ng isang campus band si Indigo at ngayon ay sikat na sikat na ito sa buong unibersidad.“Chas, don’t you think it’s too late. Two years had passed. Paano kung naka-move on na siya? Paano kung may girlfriend na?”
Bumalik sa kanya ang babaeng nakita niyang kasama ni Indigo kahapon. She was tall and beautiful… Malaki ang tsansa na girfriend ni Indigo ang babaeng iyon.
“I would do everything it takes to win him back...” determinadong wika niya.
“If that's the case, then you need a plan.”
Tumango siya. Kailangan niyang makausap si Indigo. Marami siyang gustong sabihin dito.
“Don’t worry, I’ll help you, Chas.”
Bumaling siya kay Karen at ngumiti. “Thank you, K.”
“Hi!” Nag-angat si Chas ng tingin sa lalaking katabi.
Dahil unang araw ng klase ay maagang nag-dismiss ang mga professor.“I'm Mark.” nakangiting pakilala sa kanya ng lalaking katabi. Pasimpleng pinagmasdan niya ang mukha nito. Guwapo ito at mukha namang mabait.
“Chastity,” pakilala niya rito.
“You're a transferee?”
Tumango siya. “I'm from Ateneo de Davao.”
Habang kausap niya si Mark ay nag-vibrate ang cell phone niya. It was a text from Karen.
I’m here outside your room.
Bumaling siya sa labas ng nakabukas na pinto ng classroom. Nakita niya roon si Karen. Ibinalik niya ang tingin kay Mark. Napansin na nakatingin din ito sa labas ng pinto. “I have to go,” paalam niya kay Mark. “Nandyan na iyong kaibigan ko.”
“Karen is your friend?”
“Kilala mo si Karen?” balik-tanong niya rito.
Umangat ang isang sulok ng labi nito. “She was my classmate before.”
“Talaga?” Small world, huh.
Tumango ito at ngumiti. “See you around, Chastity.”
“Kaklase mo si Mark?” Iyon agad ang tanong sa kanya ni Karen nang makalapit siya sa kaibigan.
Tumango siya. “Kilala ka niya. Magkaklase daw kayo dati?”
“'Wag kang lalapit sa lalaking iyon.”
“Bakit? Mukha naman siyang mabait.”
Umikot ang mga mata nito. “Mabait my ass. Hmp, bakit ba natin pinag-uusapan ang unggoy na iyon.”
Dumiretso sila sa cafeteria. Habang naglalakad papunta sa cafetria ay hindi mapigilan ni Chastity na mapalingon-lingon. Umaasa siyang mahahagip ng tingin si Indigo. Subalit bigo siya.
Malayo ang Engineering building sa Arts building. Sa lawak ng unibersidad nila ay hindi niya basta-basta magkikita ni Indigo. Limitado lang ang mga impormasyong alam niya sa dating nobyo.
Habang kumakain ay isang papel ang ibinigay sa kanya ni Karen. It was an invitation.
“My classmate invited me to her debut tomorrow. And I heard she invited the Flying Colors...” Ngumiti sa kanya ang kaibigan. “It’s your chance to see and talk to him.”
HINDI na mahabol ni Chas ang tibok ng puso niya pagdating nila ni Karen sa bahay ng kaklase nito.
Halos buong gabi siyang hindi nakatulog sa kakaisip sa magiging paghaharap nila ni Indigo.
Pinaghandaan niya ang araw na iyon. Pinasadahan niya ng kamay ang palda ng suot na dress.Come on, Chas.
Umalingawngaw sa kanila ang mellow rock music pagdating nila sa malawak na garden kung saan ginaganap ang party.
“Happy birthday, Clarisse,” bati ni Karen sa babaeng sumalubong sa kanya. Ipinakilala siya ng best friend sa birthday celebrant.
Pagkatapos silang iwan ni Clarisse para asikasuhin ang ibang bisita ay hinila siya ni Karen sa buffet table. Sa halip na pansinin ang pagkain ay
Ibinaling niya ang tingin sa makeshift stage kung saan tumutugtog ang isang banda na binubuo ng apat na lalaki. One of them was Indigo.“That’s the Flying Colors,” wika ni Karen matapos nitong isubo ang marsmallow na idinip nito sa chocolate fountain.
“That is Blue.” Itinuro sa kanya ni Karen ang lalaking nasa gitna at may hawak ng mic. “Hes the bands vocalist. “Iyon naman si Red.” She pointed the guy holding a guitar. “He's the lead guitarist of the band. Blue and Red are cousins.” Itinuro naman nito ang lalaki na nakapuwesto sa likod ng drumset. “That one's Grey. The band's drummer.” And of course, Indigo, the bassist.”
“I want to breathe you in like you’re vapor. I want to be the one you remember. I want to feel your love like the weather, all over me, all over me…”
Isa-isa niyang tiningnan ang apat na lalaki sa stage. Simula sa vocalist na si Blue.
“Gosh, nakaka-in love talaga ang Flying Colors.”
Narinig niya ang impit na tili ng mga babaeng katabi nila. Ibinalik niya ang tingin sa lalaking nagmamay ari ng puso niya.
He was wearing black pants, a white long sleeved that rolled up to his elbows, a purple necktie and his signature diamond earring on his right ear.
His eyes were closed while he was playing the bass.Pagkatapos ng dalawang taon, iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang tumugtog si Indigo. Nag-init ang sulok ng mga mata niya.
God. She missed him.
She stared at him for as long as it seems like forever. She watched him opened his eyes. His chinky eyes scanned the crowd and that's when they met each other's eyes.
Kitang-kita niya ang matinding pagkabigla sa mukha ni Indigo. Natigil ito sa pagtugtog ng hawak na instrumento.Pakiramdam niya ay pansamantalang huminto sa pagtibok ang puso niya.
Pumikit ito ng mariin at mabilis na nag-iwas ng tingin. He never looked at her direction again.“Thank you, everyone,” wika ng vocalist na si Blue. “Again, happy birthday, Clarisse. Enjoy the rest of the party.”
Isa-isang nagsibabaan ng stage ang apat na lalaki.
Indigo was the first one to go down on stage. Nanatili siyang nakatulos sa kinatatayuan habang sinusundan ng tingin ang lalaki.“Chas, go,” wika sa kanya ni Karen na nakalimutan niyang nasa tabi niya. “Go and talk to him.”
Humugot siya ng malalim na hininga at tumango sa kaibigan. Nakita niya ang mga kabanda ni Indigo subalit hindi ang lalaki. Nilagpasan niya ang vocalist ng grupo at hinanap si Indigo.
Nakita niya ito sa isang sulok na bahagi ng garden. He was alone. Bahagya itong nakatingala na tila nakatingin sa madilim na langit.
Bago pa siya tuluyang makalapit kay Indigo ay isang babae ang lumapit sa lalaki. It was the same girl she saw with him on the bookstore.
Hindi siya makapagpasya kung tutuloy o tatalikod. Pinanood niya itong umalis sa kinatatayuan kasama ang babaeng lumapit dito. Bago pa ito mawala sa paningin niya ay hinabol niya ito.Come on, Chas.
She swallowed the lump in her throat and called his name. “Indigo.”
Sabay na lumingon sa kanya si Indigo at ang babae.“I-indigo, I...c-can we talk?”
Indigo stared at her with indifference. “I'm sorry, Miss. But I don't talk to strangers.”

BINABASA MO ANG
How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)
RomanceFlying Colors #2 ***To be Published under Precious Hearts Romances