Part Two

377 15 0
                                    

Two years ago…

“HANGGANG dito ba naman, Chastity?” nakataas ang kilay na tanong kay Chastity ng kaklaseng si Deanna nang magkita sila sa theater room. “Kinokompetensya mo ako?”

Hindi siya nagdalawang-isip na mag-audition nang ianunsyo na magkakaroon ng Harry Potter play sa shool nila. She was a big fan of Harry Potter.

    Ngayong araw ang first audition para sa mga mag-aaral na nagnanais maging bahagi ng play.

Sa halip na sagutin ang sinabi ni Deanna ay nilagpasan lang niya ito.

“Kahit kailan talaga, insecure iyang si Deanna,” wika sa kanya ng kaklase at kaibigang si Maddy. “Assumera pa. Anong akala niya, kaya ka nag-audition dahil sa kanya?”

Taliwas sa sinabi ni Deanna ay hindi siya nakikipagkompetensya sa babae. Hindi niya alam na mag-o-audition din si Deanna sa role ni Hermione.

Ayon sa ilang kaklase ay na-iinsecure sa kanya si Deanna. She was consistent number one on class. Habang si Deanna ay consistent ding number two. Mainit ang dugo sa kanya ng naturang kaklase dahil lagi niya itong nauungusan sa mga quiz at exam.

Hindi naman niya kasalanan na kahit hindi siya mag-review ay perfect siya sa mga exam. Namana niya ang katalinuhan sa ama. Her father was a lawyer and a BAR topnotcher.  Subalit wala siyang balak sundan ang yapak ng ama. She was into writing, like her mother.

Suportado siya ng mga magulang sa kung anomang gusto niya sa buhay. Ni minsan ay hindi siya p-in-ressure ng mga magulang sa kanyang pag-aaral.

“Hayaan mo siya,” kibit-balikat na sagot niya kay Maddy. Hindi siya iyong tipo ng tao na pumapatol sa mga tulad ni Deanna. Siya lang ang maii-stress kapag pinatulan niya ang babae.

Kinuha niya ang cell phone sa bulsa. Natigilan siya nang makitang nawawala ang keychain na nakasabit sa bag niya. Importante sa kanya ang keychain na iyon dahil bigay iyon ng best friend niyang si Karen.

Bago siya umalis sa theater room kanina ay nandoon pa ang keychain niya. Siguradong nailaglag niya iyon sa daan. Binalikan niya ang dinaanan niya kanina.

Habang naglalakad sa hallway ay natigilan siya nang marinig ang tunog ng gitara. It was coming from one of the rooms.

“Making my way downtown, walking fast, faces pass, and I’m homebound…”

Napaawang ang mga labi niya nang sunod niyang marinig ang malamig na boses ng isang lalaki.

Mula sa nakaawang na pinto ng music room ay sinilip niya ang may-ari ng magandang boses. Pakiwari niya ay nilipad ang panga niya nang masilayan ang mukha ng lalaki. He was handsome. Matangos ang ilong, mapulang mga labi. Ang pinakanakatawag ng atensiyon niya ay ang singkit nitong mga mata.

Holy cow!

“If I could fall into the sky, do you think time could pass me by? 'Cause you know I’d walk a thousand miles, if I could just see you tonight…”

Gosh! She could listen to his voice for forever.

Mula sa guwapong mukha ng lalaki ay ibinaba niya ang tingin sa kamay nito na abala sa pagtipa ng gitara. Hindi lang ito guwapo at mala-anghel kumanta, biniyayaan din ito ng talento sa paggigitara.

Nanlaki ang mga mata niya nang tumunog ang cell phone niya. Nagmamadali niyang kinapa ang bulsa ng palda niya. Nanigas siya nang huminto sa pagkanta ang lalaki at bumaling sa direksiyon niya.

Nagtama ang mga mata nila. Sa isang iglap ay bumilis ang tibok ng puso niya.

Ibinaba nito ang hawak na gitara. Tumayo ito at nagsimulang lumapit papunta sa kanya.

Oh my gosh!

Habang lumiliit ang distansya nila ng lalaki ay lalo ring bumibilis ang tibok ng puso niya. Gusto niyang umalis subalit hindi siya makagalaw sa kinatatayuan.

Lalo pa niyang napatunayan kung gaano kaguwapo ang lalaki nang mapagmasdan ito sa malapitan.

His lips were naturally pink. He has a diamond earing on his left ear. His slightly chinky eyes were the warmest shade of brown she'd ever seen on her life. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang natutunaw sa tingin nito.

“U-uhm, I’m sorry...” mahinang wika niya.

Iyon ang unang pagkakataon na nautal siya sa harap ng isang lalaki.

“For disturbing you… and uh, for watching you.”

At talagang inamin mo sa kanya na kanina mo pa siya pinapanood?

“Uh, napadaan lang ako. Hinahanap ko kasi iyong keychain ko. Sige, pasensya na sa istorbo.”

Pumihit siya patalikod, paghakbang niya ay may natapakan siya dahilan upang mawalan siya ng mawalan siya ng balanse.

Hinawakan ng lalaki upang pigilan siyang matumba, subalit sa huli ay pareho lang silang bumagsak sa sahig.

Bumagsak siya sa ibabaw ng lalaki. Their faces were just inches away from each other. Nagwala ang puso niya nang dumilat ito at nagsalubong ang mga mata nila.

“Uhm...”

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong nito. Naramdaman niya ang braso nito sa baywang niya.

“I’m fine.”

Hindi niya maintindihan kung bakit sa isang iglap ay bumilis ang tibok ng puso niya nang masilayan ang ngiti nito.

Ginalaw nito ang kamay at tila may kung anong kinuha sa sahig. “Ito ba ang keychain mo?” Bumaling siya sa nakataas na kamay ng lalaki. Hawak nito ang nawawalang keychain niya.

“Iyan nga.” Ibinalik ang tingin sa mukha ng lalaki. “T-thank…” Nanlaki ang mga mata niya nang muntik nang magtama ang mga ilong nila.

Doon lang siya natauhan at mapagtanto ang posisyon nila. Pero bago pa siya makaalis sa ibabaw ng lalaki ay isang boses ang umalingawngaw.

“The two of you, come to the principal's office.”

How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon