STEP 3: Even though you want him back, sometimes, you have to make him feel that he's not the only one.
Naalala nya kung paano siya tinanggihan ni Indigo nang yayain niya itong maging partner sa acquaintance party ng Montello.
“I hate to admit but I think Mark's right,” wika sa kanya ni Karen. “I mean, hindi ka naman niya pupuntahan sa backstage at bibigyan ng bulak at alcohol kung hindi siya concern siya sa ‘yo di ba? At concern siya sa ‘yo dahil…mahal ka pa rin niya.
“At saka sabi mo, sa buong duration ng performance mo, nakatingin lang siya sa cell phone niya. Paano niya nalaman na nasugatan ka? It means, he’s paying attention. Nagpapanggap lang iyong abala sa cell phone.”
Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa mga labi. Lalong nabuhay ang pag-asa sa dibdib niya.
Kinabukasan ay hinanap niya si Indigo.“He’s with Kassandra, Chas,” wika sa kanya ni Red nang makita niya ito at si Blue sa cafeteria.
Hinanap niya si Indigo. Naglalakad ito sa soccer field kasama si Kassandra. They were laughing together.
She missed his laugh. Subalit masakit pala na makita itong tumatawa na ibang babae ang kasama. Something painful enveloped her heart.
Sa kabila ng nakita niya ay nilapitan pa rin niya si Indigo. “Indigo.”
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Indigo. “What?”
“Can we talk?”
Nagsalubong ang kilay nito. “Kung may kailangan kang sabihin, sabihin mo na.”
Humugot siya ng malalim na hininga. “Indigo, can you be my date on the Acquaintance party?”
“No.”
“Make him jealous. Ipakita mo sa kanya na kahit gusto mo siya, hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo.” Sumubo ito ng nachos. “Dahil tinanggihan ka niya. Maghanap ka ng ibang partner. Iyong puwedeng ipantapat sa kanya. Iyong pagseselosan niya ng bongga.”
“Sino?”
“Sino bang pinagselosan niya no’ng nakaraan. Si Mark.”
“Eh, ikaw, Karen. Hindi ka ba magseselos kapag niyaya ko si Mark?”
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “Aba! Bakit ako magseselos? I told you. Ayoko sa kanya. Magugustuhan ko lang siya kapag kamukha na niya si G-dragon o kaya si TOP.”
Inilabas niya ang cell phone at t-in-ext ang lalaki. Hey, I have a favor. May partner ka na ba sa ball?
Mabilis na nag-reply sa kanya si Mark.
Wala pa...since your best friend decline me.Bunaling siya kay Karen. “Niyaya ka ni Mark sa ball?”
Nagkibit-balikat lang ang kaibigan bago muling sumubo ng nachos. Ibinalik niya ang tingin sa cell phone nang mag-text si Mark.
You want me to be your partner in the party and make Indigo jealous?
Sumagot siya rito ng oo.
I’ll agree on one condition.
“Anong sabi ng unggoy? Pumayag ba?” tanong ni Karen.
“Humingi siya ng kapalit.” Ipinabasa niya rito ang text ni Mark. A date with Karen. :) Iyon ang kondisyon ni Mark.
“I will never date that jerk,” mariing tanggi ng kaibigan. “Asa siya.”
“Come on, Karen. Pagbigyan mo na si Mark,” aniya sa kaibigan. “Please.”

BINABASA MO ANG
How to Make Your Ex Fall for You Again (Cupid's List Series #4)
RomanceFlying Colors #2 ***To be Published under Precious Hearts Romances