One

344 24 0
                                    

Chapter 1

1month Earlier.

"BOOM! Berigud!Berigud--"

"Carter! Hindi ka ba makakapaglaro ng tahimik diyan! Ang ingay ingay mo jusko!"

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at tumambad ang ate kong ubod ng sungit!

Nginitian ko lang siya ng painosente saka niya ko inirapan at pinagsarhan ng pinto.

Sus balik tayo kay Rine, ang avatar ko dito sa WOB. Alam niyo yon? Hindi!!! Ako lang kasi ang meron nito sa BUONG mundo. Pero syempre joke lang yon, puahahaha! Meron naman ang mga kaibigan ko kaya lang masyado itong mahal kaya kaming lima lang ang meron nito. Pare-pareho kaming suportado ng mga tatay namin e. 

Patuloy lang ako sa paglalaro hanggang sa nag alarm na yung alarm clock ko, hudyat na papasok na ko.

Naligo na ko saka nag-ayos (minsan lang to. Walang ligo ligo at ayos kapag wala ding pasok.) Nang matapos na ko pinatay ko muna ang PC ko saka lumabas bitbit ang bag ko.

Alas otso na,  8:30 ang start ng pasok ko kaya dinrive ko na ang motor ko papunta sa University na pinapasukan ko. I'm a Grade12 student kaya sa University na ko napasok.

Sa totoo lang wala akong tulog. Siguro One Hour lang? Anong magagawa ko? Naadik ako sa WOB e.

Dirediretso lang ako sa pagpasok not minding some students na kung makatingin sakin e parang hinuhubaran na ko. Hindi sa pagiging mahangin pero famous din kasi ako sa University'ng ito. Well? Pogi e.

Nang makarating ako sa building namin which is puro ICT Students, naabutan ko ang mga tropa ko.

Kley Rodriguez , ang tropa kong mahilig sa babae. As in walang mintis iba iba ang babae niyan ARAW-ARAW. Sean Mendez , ang tropa ko namang mahilig sa libro. Yung tipong ituturo palang ng teacher alam niya na? Kaya naaasahan yan pagdating sa periodic PUAHAHAHAHAHAHA! Kenedy Jackson, ang hilaw naming tropa. Halata namang may lahi siya sa apelyido diba? Palaging naaasar to dahil sa accent niya. Ambaho ba naman managalog HAHAHAHA! Oy wag kayo! Magaling naman ito sa basketball! Although magaling din kami pero mas SIYA inaamin ko na. Siya nga ang Captain namin e. At huli ang buddy ko, Troy Siban. Astig no? HAHAHAHAHAHA! Buddy ko ito sa WOB. Siya lagi kong nayayaya pagdating sa computer games. Madaling sumama ito kesa sa tatlong ugok na yon.

"Oh? anong balita?" Tanong ko pagka upo ko. Wala pa namang teacher e.

"Ayun wala rawng first subject pero may test daw agad bukas sabi nila, ewan dumaan daw yung teacher." Lugmok na sabi ni Kley at napatingin naman ako kay Sean.

"Oo, akong bahala saten." Sabi niya kahit na may earphones ang tenga niya.

"WOHHHHHHHHH!" Sigawan namin saka naupo ulit. Dabest talaga itong si Sean!

"Dre ano?" Napatingin ako kay Troy ng kalabitin niya ko. "Game tayo mamaya? Hindi ako nakapaglaro nung Christmas Vacation e."

Obviously, January na ngayon at ilang months nalang graduation na! Ayos diba! Saya ko e ni hindi pa nga ako sigurado kung makakapasa ako!

"Sige ba! Saan? Sainyo o samen?" Tanong ko. Meron din kasi siyang computers na may nakainstall nito kaya makakapaglaro kaming lima sakanila pero! Hack lang yung iba doon dahil syempre mahal kaya iyon! Saka para saan pa ang pagiging ICT Student namin kung hindi namin ggamitin hindi ba? *wink*

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon