Fourteen

11 1 0
                                    

Chapter 14



Carter Marquez

"Carter!" Natigil ako sa pagkakatulala ng marinig ang pangalan ko sa labas ng pinagtataguan namin ni Ate Carla. "Carter!!!!"

"Kenedy? Kley? Anong gingawa niyo rito? May nangyari ba?" Sunod sunod na tanong ko. Lumagpas ang tingin ko sakanilang dalawa at nakitang kasunod nila si Glynne. "Nasaan ang avatar mo Kley? Nasaan si Nas?"

Alam kong may nangyari.. Ramdam ko.

"Hindi ko alam.. Akala ko nakikipaglaban din siya kasama nitong si Glynne pero nakaalis na kami at lahat ni anino niya wala!" Nagpapanic na sinabi ni Kley.

Nako! Hindi pwede!

"Carter! Carter!" Napalingon kami kay Troy na humahangos naman ngayon sa aming harapan.

"Bakit kayong lahat nandirito? Anong nangyayari?! Naghahasik na ba ng lagim ang half-brother kong si Sean?!" Nanggigitil na tanong ko.

Bullshit! Hindi pwedeng maunahan niya ko sa lahat ng pinaplano niya! Halos kasama siya sa lahat ng plano ng tropa mapalabas lang ang p*nyetang creator na 'yan tapos siya pala 'yon?! Napakagaling mo namang artista pre! Pwe!

"Ano?! Paanong nangyaring kapatid natin si Sean? Ate ano bang kalokohan 'to?!"

Hindi ko maitago ang pagkagulat matapos sabihin sa akin ni ate na half-brother namin si Sean sa part ni Papa, halos hindi ko na alam ang gagawin. Nalaman ko pang si Sean pala ang creator ng WOB na ito. Silang dalawa ni Ate Carla.

So siya ang gumawa ng Viruses na 'yon?

"Pero Ate! Kung galit sa akin ang Creator at si Sean ang Creator, galit sa akin si Sean? Bakit?"

Wala akong matandaang may ginawa akong katarantaduhan kay Sean. Oo, nakaasa kami sakanya tuwing tests and quizzes pero hindi siya nagreklamo. Bakit ngayon?

"Isang araw nagkausap kami ng masinsinan, 'yon rin ang araw na makikipagbreak na ko sakanya dahil nalaman kong kapatid natin siya. Carter sinabi niya sa akin kung gaano siya kagalit sa'yo. Matagal na pala niyang alam na magkakapatid tayo pero kahit ganoon hindi siya nakikipagbreak." Naiiyak na sinabi ni Ate.

"Lagi niyang nakekwento noon sa akin na may unang pamilya ang Papa niya at halos iyon ang pinagtutuunan ng pansin ng Papa niya at hindi siya. Tayo ang pamilyang 'yon Carter.," Diretso sa mata ang tingin niya.

"Anong tayo e halos hindi ko nga nakakasama si Papa, oo umuuwi siya paminsan minsan sa atin pero hindi naman natin siya nakakasama ah?"

Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "Gumawa siya ng computer game dahil sabi niya noon gusto niyang ipakita sa Papa niya na magaling siya, na mas matalino't maparaan siya sa unang anak ng papa niya. Gusto niyang patunayan sa sariling Ama niya na may ibubuga at maipagmamalaki rin siya. Pero nung nalaman niyang ang game na ginawa niya ay ipinamahagi sainyong lima ay halos magngitngit siya."

Nanginginig na ang mga kamay niya. "Galit na galit siya Carter, at doon niya nagawa ang mga viruses na pumasok sa mundong ito. Pero siguro karma is a bitch nga ano? Sa hindi malamang dahilan ay nandirito tayong lahat at kayo-kayo rin mismo ang lumalaban para mabuhay." 

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon