Eight

26 5 0
                                    

Chapter 8


Third Person's POV

Hindi alam ng tropa kung anong gagawin nila. May halong inis at tuwa ang nararamdaman nila ngayong kumpleto na sila.

"Mga hayop kayo! Napakatagal niyo! Buryong buryo na koooo!" Mukhang tangang sinasabunutan ni Troy ang sarili niya habang nagsasalita doon ng walang kwenta.

"Teka.. Nasan ba kami? Nasan tayo?" Tanong ni Sean.

"Nasa World of Beast po tayo Master." Masayang sagot ni Cher, ang avatar ni Sean na nagtataglay ng arm gun.

"W-world of B-beast?" Napatingin sila kay Kenedy na paatras ng paatras.

"Yes po Master!" Nakangiting sagot ni Glynne sakanya. Ang batang may taglay na invisiblink.

"This can't be.." Napatingin ang tatlo kina Carter at Troy at ngumiti ng alanganin ang dalawa.

----


"So ibig sabihin.. mahigit 1week na kayong nandito? Four days lang kayong nawala sa.. ehem.. mundo natin." Awkward na saad ni Kley.

"Oo at kayo lang ang hinihintay namin para makaalis na kami dito." Sabi ni Carter.

"Ha? Why?" Tanong ni Kenedy.

"Rine maikekwento mo ba?" Tanong ni Carter kay Rine.

"Opo Master." Masayang sabi ni Rine.

Simula noong mapagtanto ni Rine na naririnig niya ang sinasabi ni Troy, nakakausap niya na rin ito na ipinagtataka niya pero wala siyang mahanap na sagot. Sa ngayon, ginagamit niya nalang ang panibagong kaalamang ito para mas makausap at marinig ng maayos ang bawat taong nakapaligid sakanya.

"Hoy teka, diba di kayo nakakaintindi ng ibang Master?" Singit ni Troy.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyari Master Troy pero naiintindihan na namin kayo at ng ibang avatar kahit na hindi niyo sila pagmamay ari."

"Wow.. sige na kwento mo na HAHAHAHHA!" Lokong sagot ni Troy.

"Masters, nandito kayo ngayon sa World of Beast. Ang sikat na larong kayo lang ang mayroon, at ngayon kailangan namin ang tulong niyo.." Napuno ng lungkot at pangamba ang mata ni Rine.

"Napasailalim ng mga virus ang mundo namin at kailangan namin kayo para matapos ito."


----

Carter Marquez

"Makakalabas lang kami.. kapag.. kapag natapos namin ang kailangan naming tapusin dito ganon?!" Gulat na sabi ni Sean.

"Oo Master." Sagot ni Cher.

"Grabe.. Hindi ko inexpect ang ganitong rebelasyon putcha.." Iiling iling at hindi makapaniwalang sabi ni Kley.

"Ano? Okay na ba kayo?" Tanong ko sakanila. "Kasi tumatagal na tayo at mamaya may maencounter pa tayong mga virus mabuti ng maghanda na tayo."

"Onga onga! Ang kukupad niyo! Hala sige tayo! At lumayag na tayo!" Singit ni Troy. Palaging singit 'to peste!

Nagsitayuan na sila at balak naming pumunta sa boarder line ni Rine. Ieensayo niya kami para sa mga darating na laban at para na rin sakin.

Para may maiharap ako sa gustong mag alis sakin sa mundong ibabaw.

Nakarating kami ng matiwasay sa teritoryo ni Rine at alam kong ligtas kami kahit papaano dito kasi malakas ang barrier niya at hindi agad agad masisira.

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon