Thirteen

14 2 0
                                    

Chapter 13



Third Person's POV

Halos hindi na makahinga si Carter ngayong nasa harap niya si Carla, ang ate niya. Hindi niya inaasahan ang pagtatagpong ito sa ngayon. Ang dami niyang gustong itanong pero wala ni isang lumalabas at namumutawi sa bibig niya.

"Carter.." Nanginginig na sambit ni Carla.

Magkahalong gulat at pagtataka ang naramdaman ni Carter ng bigla siyang yakapin ng kapatid niyang halos hindi niya nakikita't nadadatnan sa bahay nila sa araw-araw.

"Carter hindi ligtas rito, kailangan nating makaalis sa mundong ito. Carter..." Humiwalay siya ng yakap. "Carter alam ko kung bakit kayo nandirito."

"Pa-paano ka.. Paano ka nakapasok rito? Hindi ka naman naglalaro ng WOB ah? Paano?" Gulong gulong tanong ni Carter.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Carter saka tiningnan ang mga mata nito.

Nasa pinakatagong parte ng kwebang ito ni Rine namamalagi saglit ang magkapatid. Tinuro ito ni Carla at nagtatakang napapaisip si Carter gayong siya ang malimit naglalaro ng game na ito pero hindi niya alam ang parteng ito ng tinutuluyan ni Rine.

Isinawalang bahala nalang muna ni Carter ang pag-iisip ng bagay na 'yon at mas pinagtuunan ng pansin kung paano at bakit nakarating rito ang ate niyang alam niyang busy sa sarili nitong buhay.

"Simulan mo na ate." Puro malalalalim na paghinga lang kasi ang ginagawa niya sa harap nito. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung saan magsisimula.

"Nakarating ako rito dahil pinakealaman ko ang computer mo." Tiningnan lamang siya ni Carter. Hinihintay ang maidudugtong niya.

"One week ka nang nawawala at ganoon rin sina Troy. One week na kaming naghahagilap sainyo at hindi namin malaman kung saan kayo hahanapin kaya pumasok na ako sa kwarto mo." Pagkwento nito.

"Na-nakita kong bukas ang computer mo at nakita ko ring on-game ka k-kaya naisip kong naglalaro ka lang. Sinubukan kong buksan ang chatbox niyo roon at nagulat nalang akong naggglitch na ang upper body ko at hu-huli ko nang—"

"Hindi ko kailangan niyan." Pagputol ni Carter. "Ang kailangan ko ay ang totoong kwento." Tinitigan niya ng matalim ang kapatid.

Nahuli niyang nagsisinungaling ito dahil hindi ito makatingin sa mga mata niya. Masyado itong malilikot at tila naghahanap ng idudugtong. Nauutal rin ito sa pagpapahayag kaya alam niyang nagsisinungaling ang kapatid.

"Kailangan ko ang totoo. Totoong dahilan kung bakit ka nandirito. Totong dahilan kung bakit may alam kang hindi ko alam. 'Yong totoo ate. 'Yong—"

"Boyfriend ko ang kaibigan mo." Nanlaki ang mata ni Carter sa diretsang sagot na sinabi ng kanyang kapatid. "Boyfriend ko si Sean..."

"Anong... Kayo?! Bakit.. Paano..?"

Nanginginig ang boses ni Carla habang sinasagot ang katanungan ng kapatid. "Boyfriend ko si Sean. S-siya.. Kami.. Kami ang Creator ng WOB." Laglag pangang hinarap ni Carter ang ate niya.

Ginalaw niya ang kanyang bibig para magsalita pero napatikom rin ito. Hindi alam kung anong sasabihin.

Nagsinungaling ba sakanya si Sean?

Not your Typical AvatarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon